♡ 19 ♡

53 2 0
                                    


Avery's PoV     
 
  

Dapat naisip ko rin na mangyayari ang lahat ng 'to.

Sino ba ang dapat sisihin? Kami ba o sila? Bakit parang kami nanaman ang mayroong kasalanan?

Inalis ko yung maskara sa mukha ko at lumabas ng hall. Habang tumatakbo, abala ako sa pagpindot ng mga numero para tawagan ang isang importanteng tao. 
 
 
 
The number you have dialed isn't available right now. Please call again-- 
 
  
 
Damn it!

Tumigil ako saglit sa tapat ng grand stair case at muling pinilit na tawagan ang taong iyon. Kaso kahit makailang ulit na ako sa pagtawag, palaging hindi available ang nagmamay-ari ng numero.

"Don't tell me ngayon pa sila nag-abalang magpakasaya?! Alam naman nilang hindi pwede ang mga ganon ngayon! Aish!"

Itinago ko sa pouch ang hawak na phone at umupo sa sahig na may red carpet.

Akala ko ba kailanman ay hindi mahirap tawagan ang taong 'yon? Bakit hindi ko macontact?

Habang iniisip ang posibleng rason kung bakit hindi ko siya matawagan, natanaw ko sa malayong sulok ng hallway ang isang pigura ng babae.

"Herza!" nanggigigil kong tawag sa kanya.

Papalapit na rin naman ito sa akin kaya hindi na ako tumayo pa. Pero nang makalapit na siya kung saan ako nakaupo, tila pagod na pagod ito at puno ng pangangamba ang mukha.

"A-Avery..."

"Saan ka ba nanggaling?! At oo nga pala, bakit hindi sinasagot nung Gun ang tawag ko?!"

Napaluhod siya sa harapan ko kaya bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Herza, ayos ka lang?"

"S-Si Gun..."  
  
  

Abyssa's PoV 
  
  
 
Habang paulit-ulit kong tinatapik ang mesa, lumapit sa akin si Claire at inalis ang kanyang maskara.

"Abyssa, may problema ba?" tanong niya ng may pag-aalala.

Umiling ako at nagtanggal na rin ng maskara. Tapos na ang party at pwede ng walang suot na ganto.

"None. Naiinip lang ako."

Biglang may lumapit sa birthday celebrant na babae kaya naalerto ako.

"Abyssa?"

Sa ngayon, sinabi ko na kay Claire ang kung ano man ang bumabagabag sa isipan ko.

"Naiintindihan ko. Sige, mag-ingat ka. Ako na bahala sa kanya."

Tumayo na ako kasabay ng paglapit ni Claire sa birthday celebrant. Pagkalabas ng hall, napansin kong nandito ang sekretarya ni Dad.

"Good evening, Ma'am." bati niya na may pagyuko as a sign of respect.

Matapos kong makausap ang sekretarya ni Dad, inilibot ko ang buong floor ng hotel kung saan nakapwesto ang hall na ginanapan ng debut party.

"Nakaalis na ba sila dito? Bakit parang hindi ata nagpaalam sila Herza sa akin?" nagtataka kong tanong sa sarili habang inililibot ang paningin sa bawat madadaanan.

Bago pa ako makaliko sa kaliwang sulok ng hallway, agad kong napansin ang isang lalaki na may dalang baseball bat. Kitang-kita ang mantsa ng dugo sa kanyang coat kaya napaurong ako at agad nagtago sa pwedeng pagtaguan.

Loving YouWhere stories live. Discover now