♡ 27 ♡

49 2 0
                                    

Third Person's PoV  
  
  
  
Pagkaalis ng tao na nagtatago sa masukal na parte ng Free Academy, bigla namang sumulpot si Altair.

"Akala ko nakakalapit na sila Gun sa kanya." sabi nito at ngumisi na ibig sabihin ay hindi pa nangtatraydor sa kanya ang taong tinutukoy.

Umalis na rin siya sa likod ng main building at tumungo sa isa sa mga cr para magpalit ng uniporme.

Lingid sa kaalaman ng lahat na estudyante rin siya dito sa Free Academy. BS ChemEngr ang kinukuha nitong kurso at nasa ikaapat ng taon sa kolehiyo.

Pagkapasok sa sariling silid-aralan, agad bumungad sa kanya ang isang kamag-aral na malimit nitong nakakausap.

"O Altair, akala ko malelate ka na naman sa klase." bati sa kanya ng isang babaeng may mahabang buhok at makapal na salamin.

"Inagahan ko ngayon dahil excited lang sa klase."

"Bago ata 'yan."

"Hahaha! Hindi naman."

"Kamusta nga pala kapag sa lower year ang klase, ok naman?"

"Oo. Wala namang pinagkaiba ang tinuturo doon kumpara dito sa higher year."

"Dapat kasi dito kana lang kumuha ng ilang med subjects."

"Baka kasi magtampo si Shamy kung iwan ko."

Sa kabilang dako naman, nag-iisa lang si Shamy sa loob ng Counseling Booth habang iniisip pa rin ang nangyari kanina.

"Anong meron? Bakit nagmamadali si Gun? May tinatago ba ang dalawang 'yon?"

Gulong-gulo ang isipan niya mula sa pag-iwas ni Gun kay Mabel sa gusto nitong sabihin kay Shamy.

Si Gun ang nakababatang kapatid ni Louie. Si Louie ang dating kasintahan ni Geu.

At tanong ng lahat, ano ang tunay na katauhan ni Louie?

Para mawala ang pagkabahala ni Shamy sa mga nangyari, napagdesisyunan na lang nito na kumain.

Ilang araw na ang nakalipas mula sa pagbisita ni Mabel kay Shamy... Ano na kaya ang susunod pang mangyayari sa kanilang lahat?

Nalalapit na ang rebelasyon tungkol sa mga butas sa istorya. At ito ang susunod pang mga pangyayari na sana makatulong sa pagresolba ng kanilang problema.  
 
   
   
Mabel's PoV   
  
  
  
"Van, ikaw na bahala sa kakambal mo. Papasok na ako."

Tumango si Van sa akin bago ako tuluyang makaalis ng bahay. Hindi ko muna dadalhin ang sasakyan ko ngayon dahil mas trip kong magcommute.

Pumunta muna ako sa kalapit na bahay para ibigay ang dala kong regalo.

This is the day where me and her became friends from the past.

Ilang years na sana ang pagkakaibigan namin kung hindi lang siya nawala.

"Mabel, napadalaw ka ulit." nakangiting bati sa akin ng isang medyo may edad na lalaki.

"Nandito po ulit ako para ibigay itong regalo sa kanya."

Tinanggap niya ang regalo na dala ko saka ako umalis para makapunta agad ng Bus Station.

Habang nasa bus, nakatulala lang ako sa katabing bintana.  
   
  
 
*sighs*   
 
  
 
Babalik ulit akong Manila. Dapat natutuwa ako kasi makikita ko sila. Pero paano ako magiging masaya kung lagi silang umiiwas?

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon