♡ 23 ♡

65 2 0
                                    

Celestine's PoV

Of course, I know everything!

Bago pa ako makasingit sa away na nakita ko, nagtago muna ako sa isang lugar para hindi mapansin lalo na nila Mabel at Yuna.

Nang masiguro kong nakaalis na sila Mabel at Patricia, lumabas ako sa tinataguang lugar para tingnan ang taong hindi ko inaasahang makikita dito sa campus.

Ang kapal nga talaga ng mukha niya. Kung hindi dahil sa kanya, sana nandito pa rin ang lahat ng mayroon kami.

Kaso wala na rin akong pakialam kung hindi na babalik ang lahat sa dati.

Akala ko hindi nila masasaktan ang isang tulad ko. Pero nagkamali lang pala ako ng akala.

Oo nga 'no? Akala lang pala.

Tang*na nilang lahat.

Hindi ko na lang pinansin ang babaeng sinampal ni Patricia dahil umalis na ako sa lugar na 'yon para iwasan ang isa pang tao na makakasalubong ako.

Dumeretso ako sa likod ng main building dahil walang katao-tao dito.

Wala na yung taong gustong-gusto ang lugar na 'to.

Mabuti na lang at wala siya dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag nagkita kami.

"Dito ka rin pala tumatambay."

Nagulat ako nang makita ang kaklase niya na nandito.

"O, nagulat ata kita. Pasensya na at sumulpot ako bigla. Nandito ako kasi nagpapahinga yung boyfriend ko."

At kinabahan ako nang makita yung kasama niya.

"It's ok. Pati sorry rin kasi nakakaistorbo ata ako sa inyo."

Paalis na sana ako sa lugar na 'yon nang pigilan niya akong umalis.

"No. It's fine kung dito ka rin magpapalipas ng vacant time. Hindi ka nakakaistorbo sa amin."

She's weird.

Umupo ako sa isang malaking ugat ng puno at itinuon ang pansin sa mga dala kong libro.

Nandito ako para hindi mag-aral. Hindi ako mahilig magbuklat ng libro tuwing vacant time.

At dahil sa ginagawa ko ngayon, mas lalo akong nainis nang maalala ang isa pang tao tungkol dito.

Sinara ko ng pagkalakas-lakas ang libro at sinamaan ng tingin ang babaeng kanina pang nakatitig sa akin.

"Sorry for being rude pero bakit ka ba nakatitig sa akin ng ganyan?"

She smiled. A mischevous smile which is hard to tell if she's mocking or not.

"I am Herza Acrefair."

"Then?"

"I know you. Ikaw si Celestine Linford, di ba?"

How did she know my name?

"What do you want from me?"

Tumawa ito ng mahina bago sagutin ang tanong ko. Nakakainsulto yung ginawa niya.

"None. Kilala kita kasi sinearch ko kung sino ka."

She's starting to get on my nerves.

"I found your brother so hot! Alam mo bang fan niya ako?"

Agad tumaas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. So, she's just acting like a b*tch last time?!

May inilabas siyang magazine na kung saan pinakita pa ang picture ni kuya na may pirma.

Loving YouWhere stories live. Discover now