♡ 44 ♡

61 2 0
                                    

A/N: Time setting for this chapter ay noong matapos na makumpirma ni Luke na ok lang si Hazel at hindi sinaktan ni Altair. Continuation lang siya ng Chapter 43
 
  
  
~~♡~~  
  
  
 
Luke's PoV  
 
  
  
Matapos kong makumpirma na maayos ang kalagayan ni Hazel, napansin kong parang hindi pa rin siya bumabalik sa dating ayos.

Natakot siguro siya sa biglang pagdating ni Altair. Mabuti na lang at napansin kong bukas ang gate ng rooftop kaya umakyat ako dito.

"Ikaw... Anong ginagawa mo dito?"

Tinanong ako ni Hazel at hindi ko alam ang maaari kong isagot sa kanya.

Siguro ay dapat na niyang malaman ang pakay ko dito sa Free Academy.

"Nandito ako dahil makikipagkita ako kay Celestine ngayon."

"H-Ha? Bakit sa Free Academy?"

"Ito lang ang naisip kong maayos na lugar kung saan kami mag-uusap na pwedeng magkagulo. Alam mo namang hindi namin maiiwasang walang sagutan kapag makikipag-ayos sa isa't-isa."

"Pumayag siya?"

"Oo."

"Ibig sabihin... handa na siyang makinig sa'yo?"

"Siguro nga. Pero hindi ko alam. Wala pa ring kasigaruduhan kung buo ang loob niyang makipag-usap sa akin."

"Bakit ngayon mo lang naplano 'yan? Dapat ginawa mo na 'yan dati."

"Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng--"

Agad akong mapatigil sa pagsasalita nang marinig ang kalampag ng gate.

"Ngayon ka lang nagkaroon ng lakas ng loob para aminin ang pagkakamali mong mali ang mahalin ang kaibigan ng ex-girlfriend mo?"

Yung kanina kong lakas na inipon ko para sa pag-uusap namin ni Celestine, bigla na lang naglaho.

Tahimik lang si Hazel sa tapat ko at kitang-kita ko na pwede ng sumabog sa galit si Celestine.

Ito na ang panahon para aminin ko lahat sa kanya. Sana, bigyan niya pa rin ako ng tsansa na magpaliwanag.

Hindi niya kasi alam ang pakiramdam na maipit sa dalawang taong pwede mong ikapahamak. 
 
 
 
Celestine's PoV 
 
 
 
Kilala ko kung sino ang nagsasabi ng totoo. Ang problema, wala sa kanila ang dapat pinapaniwalaan.

Hindi na dapat ako magpakaloko sa mga kasinungalingang dala ni Luke. Sawang-sawa na akong bilog-bilugin ng taong ito.

At isa pa ang kaibigan kong akala mo kung sino. Akala ko wala siyang intensyon na maging isang ahas na tulad ni Tracy.

Gaya na lang ng sinabi ko kanina. Wala sa kanilang dalawa ang dapat kong pakinggan.

Ang gulo-guko na ng buhay ko. Mula sa pamilya... hanggang dito ba naman sa pag-ibig at pagkakaibigan?

T*ngina.

"O, simulan mo na ang pagpapaliwanag mo. Pasalamat ka dahil binigyan pa kita ng pagkakataong mapakinggan."

At dahil nadala na ako sa mga kagaguhan niyang pinaggagawa sa akin, papakinggan ko lang ang mga sasabihin niya. Hindi na ito kailangan pang intindihin. Pasok dito sa kanang tenga, siya namang labas agad dito sa kaliwa.

"Celestine, please listen to me. Hindi ko kailanman nagustuhan si Hazel. Wala rin akong binalak na agawin siya kay Ford--"

"Pero ano? Ginawa mo naman dahil ang totoo ay may gusto ka talaga sa kanya? Di ba?"

Loving YouWhere stories live. Discover now