♡ 59 ♡

54 1 0
                                    

Hazel's PoV



I am back inside a very dark place which I'm scared of.

Sa tagal na ng buhay ko, wala pang nakakaalam ng takot ko sa isang kadiliman.

Ford was the only one who have known about my phobia. But he does not know where did it start since I didn't told him behind of this.

It was a wayback then from the past when Altair is still the bulliest person I know. He was the one who injected me the fear I always get from darkness.



~~♡~~



"Hazel."

Nag-iisa ako noon na palapit sa cr nang makasalubong ko si Altair.

"Anong ginagawa mo dito?"

Oras noon ng klase at nagpaalam lang ako sa teacher ko na magccr saglit. Kaso ang pinagtataka ko lang ay bakit siya nasa labas ng classroom.

"Coincidence na nagkita tayo dito. Hihihi."

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pero tumigil rin ako nang marinig siyang magsalita muli.

"Sabi ko dun sa seatmate mo, pinapakuha mo sa akin yung notebook mo sa arm rest. Ang cute niya ha."

Sinubukan kong hablutin yung notebook mula sa kanya pero naibato na niya ito papasok sa Storage Room na kung saan ito ay imbakan ng mga walis at iba pang panlinis.

Agad akong pumasok dito at nang akma ko nang pupulutin yung notebook, narinig kong sumara yung pinto.

"Mamaya na kita babalikan Hazel. Baka hinahanap na ako ni teacher eh."

Tumawa pa siya matapos magsalita. Nagsimula na akong umiyak nang hindi ko mabuksan yung pinto.

"Altair buksan mo ang pinto!"

Dahil napagod na ako sa kakahingi ng tulong, sumandal ako sa pinto at nagpadausos paupo sa sahig.

Ito na siguro ang pinakanakakatakot niyang ginawa sa akin.

Akala ko ay hanggang sa pagtatago at pasisira lang ng mga gamit ang aabutin ko.

Pero hindi ko inaasahang ikukulong niya ako sa Storage Room.

Makakalabas pa ba ako dito?

"Who are you?"

Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa gilid dahil may biglang nagsalita.

"S-Sino ka?" tanong kong pabalik sa kanya.

Ang pagkakaaninag ko lang sa kanya ay isa siyang batang lalaki.

May narinig akong yabag ng paa na papalapit sa akin.

"Huwag kang lalapit p-please." pagmamakaawa ko sa kanya.

Naaninag kong inangat niya ang kanyang kamay at nakatapat na ito sa direksyon ko.

Bago pa man ako makasigaw, bumukas ang pinto at agad akong tumakas sa lugar na 'yon.



~~♡~~



A boy in the darkness, that's why I become so afraid from closed places.

Ilang ulit ko ring naranasan ang magkaroon ng kasamang lalaki sa kulong na lugar.

I'm always with Ford wherever I will been trapped in a closed space.

Is there some possibilities that the guy I loved was also the boy whom with me when I was been trapped inside the Storage Room?

Habang iniisip kong mabuti kung sino ang nakasama dati, narinig kong may kumasang baril sa harapan ko.

Loving YouWhere stories live. Discover now