♡ 10 ♡

57 3 0
                                    

Herza's PoV   
    
   
   
I'm busy searching for Gun when I saw him with my bestfriend right at the back of F.A.'s main building.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Mukhang ang seryoso ata.

"Lovey doves!"

Nakita ako ni Gun kaya ngumiti siya sa akin. Samantalang si Shamy, nakatingin lang sa kanya habang nakakunot ang noo.

"What do you mean wala siyang ex-boyfriend?"

Huh? Sino ang pinag-uusapan nila?

"Gun, Shamy, what are you guys talking about?"

Hinawakan ni Gun ang kamay ko kaya sa kanya ako tumingin.

"Let's go. Gusto ni Shamy na mapag-isa dito."

"Gun!" sumigaw si Shamy pero hindi ito pinansin ni Gun.

"Herza." tawag naman sa akin ni Gun. Sa kanilang dalawa palipat-lipat ang aking tingin at hindi ko malaman kung sino ang unang tatanungin.

"Ang unfair mo! Tinatanong mo ang tungkol sa pagkakaibigan namin ni Geu pero ayaw mong sabihin sa akin kung sino ang dating boyfriend ni Hazel!"

Tungkol kay Hazel ang topic nila. Kaya ba niyayaya na ako ni Gun umalis dito?

Nang lumingon si Shamy sa direksyon ko, ngumiti ako sa kanya.

"Beshie, kailangan ko nga pala si Gun ngayon. Sure ka bang ok lang kung kuhanin ko siya?"

Sumimangot si Shamy sa akin kasabay ng pagwave niya ng kamay hudyat na pinapalayas kami.

"Gora lang. Tsk. Ayoko na makita ang pagmumukha ng boyfriend mo."

Naglakad si Gun paalis sa amin kaya sumunod na ako sa kanya.

"Gun."

Nakalayo na kami sa likod ng main building kaya pinigilan ko siyang maglakad.

Tumigil si Gun sa kinatatayuan niya pero hindi ito humarap sa akin.

"Bakit?"

"Tungkol kila Geu ang tinatanong mo kay Shamy?" pagkukumpirma ko sa nalaman kanina.

Bahagya itong tumango bago sumagot.

"Hindi ko alam na magkakaibigan sila. Oo, apat sina Geu sa maliit nilang grupo. Nagulat lang ako nang malaman na si Shamy ang isa sa kanila."

I also know about Geu and her friends. Kababago ko pa lang rin nalaman na kaibigan niya si Shamy. For what I know, may dating barkada ang bestfriend ko. She hates her old close friends matapos magkawatak-watak ang grupo nila.

Our world is really so small. Si Shamy pala ang isang hindi kilalang kaibigan nila Claire.

"At tinanong mo rin kung ano ang koneksyon niya sa nagbigay ng color baby blue na invitation?"

The letter contains a natural content of the debut party invitation. Wari ko'y iba ang nakasulat sa kulay baby blue na papel. Wala kaming ideya tungkol saan ito dahil hindi binasa ni Shamy ang pangalawang letter bagkus ay itinapon lang sa basurahan matapos mainis.

"Oo."

"Gun, what should we do now?"

Since Gun is my boyfriend, alam ko kung ano ang mga bagay na itinatag niya sa lahat.

Mula sa tunay na pagkatao hanggang sa kumplikadong sitwasyong tinatahak niya, nalaman ko ang lahat ng ito nang sabihin sa akin ni Gun matapos ko siyang sagutin.

Loving YouWhere stories live. Discover now