♡ 32 ♡

48 1 0
                                    

Luke's PoV  
      
     
      
Ako. Ako ang tunay na may maraming kasalanan sa lahat.

Ako ang sumira sa relasyon nila Ford at Hazel. Ako rin ang sumira sa sarili kong relasyon kay Celestine.

Hindi ko alam kung bakit nasisikmura kong sumira ng mga relasyong hindi ako kailanman ginambala.

Why do I suddenly become a puppet of someone?

Is it about being just a person who does not know why do they exist?

Or is it about to fight for something that you thought was right and worth fighting for?

Sino nga pala ako?

Ako si Luke, 'di ba?

Si Luke na manloloko.

Kilala nila ako bilang hindi mapagkakatiwalaan.

Tama nga naman yung sinasabi ni Hazel dati na manloloko ako.

Tama rin si Patricia nang sabihin niyang hindi ako matalino.

Tanga ako eh. Ganto ako pinanganak. Masisisi mo ba ako?

Gaya ng ibang tao, ang dami ko ring sinisisi sa lahat ng mga pagkakamali ko.

Pero lahat ba nito, dapat sinisisi sa mga taong kailanman ay hindi nagparamdam sa akin ng pagmamahal?

May ilang mga tao na minahal ako.

Kaso kasalanan ko rin bang maging g*go?  
 
Habang nagkukwentuhan sila Mabel at Hazel, napapikit ako dahil sa mga nakaraan.

Bigla silang nanggulo muli sa isip ko nang makita si Mabel.

Isang ala-ala na ayokong binabalik-balikan.

Dahil kapag naaalala ko sila, patuloy kong sisisihin ang mga taong nasa likod nito. 
 
 
  
~~♡~~
  

  
Sino nga ba ako? Bakit sa kanilang lahat, walang nakakaalam miski isang kamag-anak ko?

Sabagay, sino ba ang sasabihin kong pamilya?

Mayroon bang pamilyang maitatawag mula sa kakaiba nilang pagtrato sa akin?

"Lucas anak, uuwi ka ba sa inyo?" tanong sa akin ni Mama.

"Opo. Gusto po akong makausap ni Nanay." sagot ko sa kanya.

I entered a world which is new to me. Or a worst case scenario of how I entered that world, my own family has dumped me into it.

Hindi ko alam kung bakit nila kinayang ipamigay ako sa ibang tao.

Akala ko noon, ang tinatawag kong 'Papa' at 'Mama' ay totoo kong mga magulang.

Pero may malagim pala akong buhay na dapat doon ako lumaki at nanirahan.

Kahit papaano ay nagpapasalamat  ako dahil sa kanila ako napapunta. Salamat sa kanila dahil hindi ko naranasang maghirap at maipit sa masamang buhay gaya ng totoo kong pamilya.

Pagkababa mula ng kotse, hindi ko na isinama sila Mama sa pupuntahan ko. Hindi sila pwedeng pumunta sa lugar na madumi at malagim.

Mababait silang tao. Ayokong makita ulit nila ang dapat kong pagkatao.

Pumasok ako sa isang makitid na daan kung saan kumakapa-kapa pa ako sa paligid. Walang ilaw dito dahil walang may kayang magbigay ng libreng pailaw sa daan kapag gabi.

Nakalabas ako sa eskinita na 'yon at bumungad sa akin ang ilang bahay na animo'y pinagtagpi-tagpi ng mga kahoy, sako, yero at kahit ano pang pwedeng gawing silong.

Loving YouWhere stories live. Discover now