Chapter 16

1.3K 37 1
                                    

Nakailang punit na ako sa sketchpad ko dahil hindi ako makagawa ng matinong design. Hindi ako satisfied sa mga nagagawa ko. Kulang sa details ng damit, minsan na-ooverdesign ko pa.

I just cant focus right now.

Naiisip ko pa rin yung mga sinabi ni Nikko noong isang araw. ,

Paulit-ulit na sumasagi iyon sa isip ko, lagi akong hindi mapalagay.

"Bakit mo ba kasi talaga ginagawa ang mga ito. You dont need to do this, hindi mo ako pananagutan."

"Kasi nga mahal kita diba."

"Mahal bilang kai--"

"Hindi Eris." Lumapit siya sa akin.

"Higit pa roon.."

What if, I said yes to him?

No! Hindi maari. Hindi ko kaya, hindi ko ibibigay ang sarili sa kanya. Hindi ko maimagine.

Days passed. Walang Nikko na nagpapakita sa akin. Kahit kapag lumalabas ako, lagi rin ako nagbabakasakali ako na baka makasalubong ko siya.

Pero wala.

Sininop ko na lang yung sketchpad ko dahil wala rin naman ako magawa. Baka maubos ko pa yung mga pages, sayang naman. Saka yung huling labas ko ay kasama ko pa si Nikko.

Napatingin ako roon sa sketchpad na bigay ni Nikko, hindi ko pa nalalagyan ng laman iyon. Siguro saka na lang.

Saan na kaya yung lalaking iyon? Kamusta na kaya siya?

Tss. Bakit ko ba naiisip yung tao na iyon. Aba! Bahala siya sa buhay niya.

Masyadong lang siguro ako nababagot at taging pagdo-drawing lang ang ginagawa ko.

Naisipan ko na lang na lumabas, para kahit papaano ay nalibang naman ako.

Natapat ako sa isang bar. Gusto ko sana na pumasok doon, nakakamiss ang vodka. Kaso tila napahinto ako sa kintatayuan ko.

I just saw Nikko kissing a girl, he was on the top, doon pa sa may hood ng kotse niya! Hindi alintana sa kanila yung mga taong dumadaan. Kadiri! Wala ba silang pang-motel man lang!

Sobrang nakakairita, umiinit ang aking dugo, gusto kong silang paghiwalayin at patayin sa kalmot ang babaing malandi na iyon at ingudngud yung mukha ng Nikko na iyon sa hood ng porsche niya.

Dali dali akong lumapit sa kanila, bitbit ang aking mga matatalim na titig. Sana maramdaman nila ang talim nun, para mapaghiwalay ang dalawang bwisit!

"Gusto kong alagaan ka, kasi hindi ko kakayanin kung anuman ang mangyari sayo." Hinagod niya ang aking buhok. "Mahal na mahal kita."

Walanghiya siya! Mukha pa siyang sincere doon, muntik na akong maniwala, muntik ko na siyang bigyan ng pagkakataon. Buti na lang at hindi ako natuluyan, lilinlangin pa niya ako! Nasa loob pala ang kulo niya.

Buti di ko siya sinagot! At mabuti na rin na huwag na siyang magpakita sa akin.

"Have a room please." Nilakasan ko ang sabi ko, pero silang napatigil ng nakablonde na buhok at nakatingin sa akin.

Hindi na ako muli nagsalita at tinalikuran ko na sila, hindi ko kaya pang tignan at kalandian nila.

"Eris!" Tawag niya, ngunit hindi ko siya pinapansin o hinarap man lang. Ayoko siyang tignan, mas lalo lang niya sisirain ang araw ko. Alam kong hinahabol niya ako pero patuloy pa rin ako sa paglakad,

"Eris." Nahawakan niya yung braso ko, agad ko itong inalis. Ayokong mahawakan niya ako, nandidiri ako sa kanya.

Lakad loob ko na lang siyang hinarap.

"Fuck you."

Agad ko silang tinalikuran. Ayoko talaga siyang makita.

"Eris I'm really sorry dapat di ako lumayo sayo, dapat di ko ginawa yung kani--"

"Lumayo ka na lang please." Pilit kong kinakalma ang sarili, dahil naiinis na talaga ako. Bakit pa siyang umaaligid sa akin?

Lumakad uli ako palayo sa kanya, pero nahatak niya ako muli palapit sa kanya.

"Pero, Eris." Pwede bang lumayo na lang siya sa akin. Konti na lang mapupuno na talaga ako!

"It's ok pwede ba? Wala akong pakialam sa nakita ko at sa nangyari. Just stay away!"

"Still Sorry, ako ang mali, I should not ask those nasty questions, kaya ito nahihiya ako sayo.Then dapat hindi ko ginawa iyon yung kanina.I was-"

"Sinabi ko naman sa iyo na ok lang diba? You dont need to explain. Wala akong pakialam sa sasabihin mo." Wala rin akong pakialam sayo, magsama kayo ng babaeng blonde na iyon.

"Eris."

Hindi ko na lang siya pinansin at lumakad palayo sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya ako pinigilan pa at kung hindi sampal ko ang haharap sa kanya dahil nakukulitan na ako sa kanya, isama pa ang pagka-inis ko.

Wala na rin akong ganang gumala kaya umuwi na lang sa bahay ko, itutulog ko na lang ang lahat. Yung dapat sana na gusto kong aliwin ang sarili ko, napurnada pa.

Habang naglalakad lagi na lang sumasagi sa isip ko yung halikan nila nung babaeng iyon. Hindi ko maintindihan, lubos akong naiirita kapag nakikita ko iyon. Dapat wala rin ako pakialam doon, gaya ng mga taong dumadaan sa kanila.

Habang naiisip ko iyon, mas lalong nadadagdagan ang inis ko sa kanya.

Hindi ko maintindihan pero naiinis talaga ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Though dapat hindi naman, dahil hindi niya ako girlfriend, wala akong karapatan na magreact ng ganito. Siguro ang sagwa talaga nilang tignan. Oo sobra talaga!

Pagpasok ko agad kong nakita ko sa lamesa yung sketchbook na binigay niya sa akin, dali-dali ko itong dinampot.

Gusto kong itapon na lang ito, gaya ng pagtapon ko sa isang katulad niya. Gusto kong kalimutan na nakilala ko pa siya. Naiinis talaga ako sa kanya, akala mo na sobrang sinscere, babaero pala, muntik na akong mapasama sa listahan ng mga babae niya.

Pero bakit di ko magawa? Parang may pumipigil sa akin.

"Gusto kong alagaan ka, kasi hindi ko kakayanin kung anuman ang mangyari sayo." Hinagod niya ang aking buhok. "Mahal na mahal kita."

Langya! Bakit ba kasi mukhang totoo ang sinabi mo.

Tapos yung kanina.. That fucking image! Him kissing a girl in public.Bakit di maalis-alis sa utak ko!

Natagpuan ko na lang ang sarili na lumuluha at niyayakap yung sketchbook.

I cant just throw it away and I wonder why?

.........

Happy valentines guys! I love you :)

Exclusively yoursTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang