Chapter 22

1.2K 37 5
                                    

Kagagaling ko lang sa apartment na aking nang pagtitirahan.

Sa wakas at nakahanap na rin ako na matitirahan, sinigurado ko na rin na hindi na ako mapapaalis doon at hindi rin naman alam ni Nikko na naghahanap ako na matitirahan. May duda kasi talaga ako sa kanya. Kung siya ba ang dahilan kung bakit ayaw akong tanggapin sa mga apartment na nilalapitan ko.

Speaking of him, kahit na sa iisang bubong pa rin kami, lagi na akong umiiwas sa kanya.

Hindi kasi ako mapakali kapag nakikita ko siya. Sariwang-sariwa sa akin yung mga nangyari, dahil lagi na lang iyon sa aking isipan,

Kaya labis akong naiilang sa kanya, at idagdag pa ang tila paninikip ng aking dibdib kapag nakikita ko siya, kaya napapabuntong hininga na lang ako palagi.

Gusto ko na talagang lumayo sa kanya, para makalimot...

Dahil masyado na rin nagiging kumplikado ang mga bagay sa akin, nalilito ako.

Nalilito dahil ang mga nararamdaman ko sa kanya ay tila na may pagtangi sa kanya. Pero alam ko sa sarili ko na hindi siya ang aking gusto.

Dahil alam kong Lukas pa rin.

Oo si Lukas nga talaga. Wala itong mga ito.

Napabuntong hininga uli ako nang makapasok muli sa loob ng bahay.

Naningkit ang aking mga mata na may nakita akong babae na nakaupo sa may sofa. Tila pamilyar siya sa kin, parang nakita ko na siya sa personal.

Siya nga yung nanay ni Nikko. Agad kumabog ang aking dibdib, dahil hindi naman maganda ang unang tagpo namin.

She might not accept me here, baka palayasin niya ako.

Mabuti na rin iyon para tuluyan na akong makaalis, para di na niya ako pigilan pa.

"Good morning Mrs. Sarmiento." Nakingiti kong bati sa kanya, pero tila wala siyang reaksyon bukod sa matatalim niyang mga titig.

"So, dito ka na rin pala nakatira sa anak ko. Katulong ka ba dito."

Hindi ako makasagot. Ayoko ang kanyang mga sinabi. Gusto kong umalis, pero hinila niya yung braso ko.

Tinitigan niya ako na tila ba sinusuri ako mula uli hanggang paa.

"Siguro nga, dahil mukha ka namang katulong."

Yumuko na lamang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang matatalim niyang mga titig.

"Doon ka, maglinis ka doon sa may kusina!"

Wala akong magawa kundi sumunod, hinila niya ako saka binato ng basahan.

Eris, bakit ka naman pumayag na gawin sa'yo ito. Siguro ay iniisip mo dahil nanay siya ni Nikko, pero wala siyang karapatan gawin sa iyo iyon.

Pero naiinis ako sa sarili ko at wala man lang ako ginawa para sa sarili. Sinunod ko pa yung kanyang ina.

Kung sabagay ayoko na nang gulo, kapag umalis na ako. Saka malaking tao ang kanyang ina, anong laban ng tulad ko. Hindi na rin naman ako tulad ng dati.

Isa akong patapon. Kaya nararapat sa akin ito.

Nagulat ako nang may umagaw ng basahan sa akin.

"Eris! Anong ginagawa mo?! May gagawa na niyan para sa'yo."

Nais kong magsalita ngunit natigilan ako.

"Nikko, bakit di mo naman sinabi sa amin na naghire ka na pala ng katulong." Agad siyang humarap sa sariling ina.

"Ma! Hindi ko siya katulong."

"Ano? Girlfriend? O baka asawa mo na iyang babaeng iyan." Galit na sabi ni Mrs. Sarmiento sa akin, at tinuro-turo pa ako.

"Hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng iyan." Hinarap siya muli ni Nikko na tila masama ang loob niya rito.

"Hindi ko hinihingi ang basbas mo, walang kang karapatan kontrolin ako!"Nanlaki ang mga ko nang sigawan niya ang ina sa harapan ko. Paano niya ngawa iyon?

"Wala kang utang na loob. " Galit na wika ng kanyang ina. "Kapag hindi mo pa pinaalis ang babaenh iyan, hinding-hindi kita kikilalalin bilang anak ko! Aalisan kita ng mana at maghihirap ka muli!"

Mas lalo ko pang ikinagulat ang mga susunod na sinabi ni Nikko. Hindi ako makapaniwala, hindi ito ang inaasahan ko sa kanya.

"Edi tanggalan mo. Sayo na ang pera mo.!"

"Tandaan mo kung hindi lang kita kinupkop noon, hindi ka malalagay sa kinatatayuan mong iyan!"

"No Ma! Dahil lahat ng narating ko ngayon ay pinaghirapan ko."

Sinamaan niya kami ng tingin.

"Mga leche! Magsama kayo. Dahil bagay nga naman kayo. Mga basurang binihisan!" Sabay talikod niya sa amin.

Hindi ko mapigilan na mapaluha, dahil hindi ko na kinaya ang sinabi ni Mrs. Sarmiento, ganoon na ba ako kababa?

Pero, ganoon na ba ako kahalaga kay Nikko at nagawa niya akong ipagtanggol kanina, na kalabanin ang taong kumupkop sa kanya noon?

Maya-maya ay hinarap ko siya.
"Nikko bakit mo inaway ang mama mo. Hindi mo naman kailangan gawin iyon." Agad akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga titig.

"Wala siyang karapatan na gawin iyon sa'yo." Aniya habang itinaas niya ang aking baba upang salubungin muli ang kanyang mga titig.

Those damn eyes, why I cant resist. Napapatitig na naman ako.

"Pero kahit na, siya pa rin ang nag-alaga at nagpalaki sayo." Sabi ko, at umiwas ako sa kanyang mga titig.

"Wala akong pakialam." Tumalikod siya at iniwan na lamang ako na nakatulala.

Kailangan ko na talagang umalis doon. Masyado na kasi akong pabigat, hindi na kaya ng kunsensya ko na magkaalitan pa sila ng mama niya.

Masyado na talagang nagiging kumplikado ang lahat. Siguro talagang nakatalaga akong maging mag-isa habang buhay. Ayoko nang tumagal pa rito.

Dali-dali akong nagpunta sa may kwarto niya at doon nag-impake ng mga gamit ko.

"Eris please huwag ka ng umalis."

Patuloy pa rin akong naglalakad palabas, desidido na ako. Hindi ko na talaga kayang manatili pa dito. Gaya ng sabi ko nagiging kumplikado ang lahat sa akin, nalilito na ako sa aking nararamdaman.

Siguro kapag lumayo ako, baka sakaling malinawan ang aking isipan. Baka nakuha lang niya ang atensyon ko dahil labis siyang naging mabuti sa akin.

Napabuntong hininga ako.

Sobra siyang nakakainis. Halos lahat ng kinikilos niya ay naiirita ako, lalong-lalo na sa ngiti niya na parang nanloloko.

Pero bakit minsan hindi ko maiwasan na mapangiti kapag naiisip ko yun. I still Want to be with him, a go with his craziness.

Actually nagagawa ko na maapreciate ang lahat sa kanya. Ang kaniyang kinaiisan kong ngiti ay

I cant understand my self right now. i dont know what the hell is happening to me when he is around...

Nagulat akong nang biglang bumukas yung pinto.

"Eris."

Hinawakan niya ang aking mga kamay.

He makes my knees like a jellyace. He makes me shiver.. He makes my butterflies in my stomach wild.

He makes my heart beat fast.

Gusto ko nang umiyak, litong lito na ako. I dont know, this is a very big question to me. I want some space.

What's happening to me? May nababago na ba?

Tumalikod siya sa akin ngunit humarap din naman siya kaagad sa akin na siyang kinagulat ko.

"Sige Eris, papayag ako pero sana hayaan mo akong makasama ka pa ng mas matagal."

Exclusively yoursTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang