Chapter 18

1.3K 37 1
                                    

Agad akong nag-iwas ng tingin nang marealize ko na nginingitian ko na pala siya. Hindi ko nga alam kung bakit, pero tila kusang gumalaw ang aking bibig para ngitian siya.

"Ahmm..Goodmorning Nikko, kamusta?" Sabi ko na lang.

"Ok lang kahit na medyo masakit yung sugat." Tumango tango na lang ako sa kanya.

Napalingon naman ako doon sa nurse sa likuran namin na may dalang tray ng pagkain. Agad ko naman itong kinuha at nagpasalamat.

"You should eat." Sabi ko pagharap ko sa kanya.

"Ok lang ako, I can manage. Ikaw ang kinakailangan na magpalakas."Sabi niya sa akin, oo halos nanghina ako sa mga pangyayari, pero mas kailangan niya na maging malakas.

"Huwag nang makulit, kumain ka na." Tsk! Kakain din pala ang dami niyang arte.

Ngiti siya nang ngiti sa akin habang sinusubuan ko siya, at yung mga mata niya na nakapokus sa akin. Tila nakakaramdam ako ng pangingilabot, gusto ko man na mag-iwas ng tingin pero pinapakain ko pa siya, baka mahulog pa yung soup sa bedsheet.

"Yan last na." Yes! Sa wakas! Kanina ko pa tinitiis itong hindi mapaliwanang na nararamdaman ko,tapos idagdag pa ang malatambol na puso ko. Leche siya!

Maya-maya ay dumating din yung doctor niya, tinignan siya then kinausap ako.

"The patient is well now. He can go out by tomorrow."

"Thanks doc."

Nakaramdam ako ng lungkot, saan naman ako pupunta bukas. Iyon kasi ang isa sa mga problema ko, wala na kong matutuluyan.

Gusto ko man na umalis at bumalik sa bahay ko, kaso natatakot na ako na bumalik sa bahay ko. Kung balikan ako ng mga gangsters na iyon? Tapos tumatanaw din ako ng utang na loob sa kanya, dahil sinalba niya ako kahit na manganib pa ang buhay niya.

"Stay to my place." Nagulat ako sa simabi niya.

"Huh?"

"Sa akin ka muna."

"I can stay to Taylor's house habang naghahanap ako ng nalilipatan."

"Ok." Tumango-tango lang siya. Tapos agad ko rin na tinawagan si Taylor.

"Taylor, can I ask a favor."

"Oh yes dear, anything! I heard what happened to you. Thank God that you are safe."

"Yeah thanks, can I stay there for a while."

"Oh gosh! I'm very sorry we're too occupied here, My family will be staying here." Medyo nanlumo ako, hay nako! Saan naman ako pupulutin niyan.

"It's fine thank you."

"Why don't you stay at Nikko's place? He is your boyfriend anyway." Nga pala hindi alam ni Taylor ang totoo, kahit naman sabihin ko yun naman din ang pinaniniwalaan niya.

"Ok Taylor bye." Hininto ko na lang yung tawag.

"How is it?" Napakamot ako ng ulo, paano ko ito sasabihin, na di pwede kila Taylor. Kasi naman pipilitin niya ako.

"I guess I better stay in a hotel, tutal saglit lang makahanap ng apartment." Bahala na kung saan ako makakahanap ng agarang matutuluyan.

"Why dont you stay at my place na lang."

"Hindi na, kaya ko na ang sarili ko. Salamat na lang."

"No, I really insist. Paano kung may mangyari na naman sayo? Mas kaya kitang protektahan pag nasa puder kita."

"I'm fine now Nikko, salamat na lang."

"No, stay." Ma-awtoridad niyang sabi.

.....................................

Bitbit ang mga ilang bagahe ko, nakatanaw lang ako sa kabuuan ng bahay nila. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako napapayag na sumama sa kanya.

Nakakalula yung bahay niya sa sobrang laki.I wonder if di siya naniniligaw dito.

Nakakainis naman! Para akong batang naninibago sa lahat!

"Ok time for the tour." Tapos ay inakbayan niya ako.

"Teka may sugat ka pa, dapat magpahinga ka lang." Sabi ko habang inalis ko yung braso niya sa balikat ko.

Pinagpahinga ko muna siya saglit, nilibot ko yung sarili sa bahay niya, hindi ko masyadong lumalayo baka maligaw ako sa lugar na ito.

May nakita akong mga picture frame, yung isa yung kasalukuyan niyang picture. Yung pinaka-umagaw sa atensyon ko yung picture niya nung high school, ganito rin yung uniform sa school ko dati. Naging schoolmate ko ba siya, bakit naman di ko man lang siya napapansin, paranv ngayon ko lang siya nakilala.

Kung sabagay, kahit kilala ko pa siya noon, hindi ko pa rin siya makikilala. Mukha siyang nerd sa picture dahil makapal ang kanyang salamin at nakabrace pa. Ngayon, kasi tila nagtransform siya, naging tao.

"Eris." Muntik ko ng mabitawan yung picture frame.

"Aba sinasabi ko na nga ba na may HD ka sa akin."

"High Definition?" Tanong ko, naririnig ko kasi iyon sa tv.

"Wrong, it's hidden desire."

"Leche!" Sabi ko sabay hagis ng unan sa kanya. Kailan naman akong magnanasa sa baliw na ito? Nanaginip siya ng dilat.

"Aray!" Daing niya, nalimutan ko na may sugat ang baliw na ito.

"Magpahinga ka na nga diyan ulit!"

"Tsk. Kakatulog ko pa lang e."

"Oo dapat ka pang matulog, para mas lumaki ka pa." Agad na akong umalis para wala na siyang masabi pa.

"Eris saan mo dadalhin yung picture ko." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko na hawak ko pa rin yung picture niya. Nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa mukha kaya gusto kong takpan ang mukha ko sa hiya. Bakit ba kasi bitbit ko pa itong frame.

"Sa Lamesa." Tinapangan ko ang boses ko sabay patong sa may pinanggalingan nito.

Tinignan ko muli yung mga kamay ko, baka may mabitbit na naman ako.

Pag-angat ko ng tingin, nakangisi siya sa akin na parang nakakaloko. Bwisit balak talaga niya akong asarin a!

Inirapan ko siya bago ako tumalikod sa kanya. Kaya ayoko dito e! Aasarin lang ako ng baliw na iyon. Pasalamat siya ay malapalasyo ang bahay niya.

Palakad-lakad lang ako maghapon sa bahay niya, ang dami-daming mga kwarto, may library, entertainment room. Tapos may maze pa yung garden nila, gusto ko sana pumunta roon kaso baka maligaw pa ko.

Aba! Siya na mayaman.

Hinapon na ako na dumating sa kwarto ko, dahil sa pagod hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaagad.

Nagising na lang ako dahil sa mga sinag ng araw. Pagdilat ng aking mga mata, agad kong makita ang nakangiti niyang mukha.

"Breakfast in bed."

...........................

#last8

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now