Chapter 1

7.1K 75 2
                                    

Eris

Dali dali akong tumakbo papunta sa bago kong school, hindi ko alam kung saan na ako, kailangan kong mahanap yung classroom ko, dahil malelate na ako.

Naisipan ko na lumipat na ng school. Ako na mismo ang lilipa dahil kasi sa akin ay marami nang nakakaaway si Anikka, sa mga pinaalis niya sa school dahil sa mga nambubully sa akin.

Tumutol siya sa una, pero hinayaan na lang niya ako sa huli. Tinanong pa niy ako kung iyon ba ang gusto ko, sumagot ako na oo.

Oo dahil gusto ko naman may magawa ako para sa kanya, kahit na magkakalayo kaming magkakaibigan na school.Ang dami dami na niyang ginawa para sa akin, pinagtatanggol niya ako lagi, pero sa kada pagtatanggol niya sa akin ay may nakakaaway pa siya. Nanganib pa ang buhay niya dahil doon.

Tinambangan siya ng mga nakaaway niya noon? Yung mga nakick-out sa school. Talagang inabangan nila na mag-isa si Anikka, at pinagtulungan siya ng mga ito. Nagtamo siya ng bali sa kanyang kanang braso at nasa ospital pa hanggang ngayon.

Dahil sa akin nangyari ang mga iyon, Ayoko na may makaaway pa siya dahil sa akin, kung maulit pa yung nangyari, paano kung hindi lang bali ang matamo niya kung sakali.

Masyado na akong nahihiya kay Anikka.

Kaya ito ako na mismo ang lilipat, para wala na siyang aawayin doon.

Lakad takbo na ang aking ginagawa pero hindi ko mahanap yung room ko. Bakit ba kasi ang laki-laki ng school na ito, ang hirap tuloy maghanap. Mahina naman ako sa directions.

May napagtanungan naman ako kanina pero niligaw lang niya ako lalo at tingin ko napalayo na talaga ako.

Alas-otso na malapit na matapos ang first period namin pero di ko pa rin nahahanap ang classroom ko, napapagod na ako pero pilit pa rin akong tumatakbo, dahil ayokong mag-aksaya na oras sa pagpapahinga.

Muli ay binilisan ko pa ang aking takbo, kahit pagod ay pipilitin ko pa rin.

Maya maya ay bigla na lang ako bumagsak ng maramdam akong matigas na bagay na nakaharang sa akin.

Hindi ko namalayan na nagdire-diretso na pala ako sa pader, ang sakit sa ulo, para akong nakakakita ng mga stars.

Tanga mo talaga Eris.

Hindi ako kaagad na makatayo ng maayos dahil sa sakit ng balakang ko. Para tuloy akong matandang may arthritis. Sana kasi hindi ko rin nakalimutan ang map ko para hindi ako maligaw ng ganito.

Ang bobo ko na nga sa direksyon isama pa ang pagkatanga-tanga kong utak. Kainis.

Akma muli akong tumayo, pero laking gulat ko na may kamay nang nakalahad sa akin.

Nag-angat ako ng tingin, isang napakagwapong nilalang ang nasa harap ko. Tila natameme ako at tumitig na lang sa kanya, para akong hinihigop ng kanyang mga mata.

those beautiful brown eyes

"Ok ka lang miss?" Bigla akong natauhan, matagal na ba akong nakatitig sa kanya? Tumulo ba laway ko.

Putya! tumulo nga! Nakakahiya!

"Y-yes." Nauutal kong sagot, nakatitig lamang siya sa akin at ako hindi ko na kaya na makipagsalubungan ng titig sa kanya, baka matulala na naman ako. Bakit kasi ang gwapo ng nilalang na kaharap ko ngayon.

"It seems that you are lost. Bago ka siguro." Kahit nahihiya ako ay tumango na lang ako sa kanya. Baka sakali na makatulong siya sa akin na alamin ang classroom ko.. Hindi naman sa desperada ako, pero napapagod na rin ako sa kakahanap.

"What section are you?" Tanong niya, tumama na naman ang mga tingin niya sa akin. Agad akong nag-iwas na tingin, sobrang nakakailang talaga ang mga titig niya, nakakatunaw. Baka mamaya tumulo na naman ang laway ko.Tumingin na lamang ako sa papel na hawak ko.

"III- Saint Claire."

"Perfect were classmates!" Magkaklase talaga kami? Hindi nga? Parang mas lalo pa akong nailang. Ano ang gagawin ko kapag magclassmate talaga kami.

"Miss?"Aniya at bumalik din ako sa huwisyo. Dahan dahan niya ako inalalayan na tumayo. Medyo mahihiya pa akong iabot ang kamay ko sa kanya pero siya na ang mismong umabot nito.

Tila kumabog ang aking dibdib at tila may sensasyon na dumaloy sa akin na ngayon ko lang naramdaman.

Kilig?

Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang mga palad, tila hindi siya gumagawa ng kung anumang mabibigat na gawain. Nahihiya naman itong kamay ko sa kanya, ang gaspang gaspang dahil sa mga gabundok kong mga labada.

Gusto ko ng alisin ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya pero ayaw niya itong bitawan. Nahihiya na rin ako sa mga taong nakatingin sa amin, ang tatalim ng mga titig nila sa akin.

"Huwag mo silang pansinin, inggit lang sila." Tumango na lamang ako pero hindi ko pa rin maiwasan na maapektuhan sa mga titig nila, lalo na ang mga babae. Para bang gusto nila akong sabunutan. Ano bang nagawa ko sa kanila?

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng classroom namin, naku malapit lang pala sa gate, kung saan saan pa ako nakarating.

"Ano pala pangalan mo." Naglakas loob akong magtanong sa kanya, wala naman siguro masama na tanungin ko iyon total magkaklase kami.

"I'm Lukas."

Simula nun ay naging magkaibigan kami, kung sa dati kong school si Anikka ang nasasandalan ko, ngayon siya naman. Akala ko magiging mag-isa ako sa eskwelahan na ito, pero hindi naging karamay ko siya sa lahat ng bagay. Pinoprotektahan niya din ako, gaya ng pagprotekta ni Anikka sa akin pag may nambubully sa akin.

Tila ang sarap sa pakiramdam, para niya akong prinsesa, parang lang dahil hindi naman totoo. Siguro ay nagmamalasakit lang siya sa akin.

Hanggang sa dumating ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

Noong JS prom namin, he is my first dance. Tila slow motion ang pagsayaw namin. I'm not even aware of the people, what is the music that is being played.

Para kaming nasa fairytail, ako si Cinderella at siya naman si Prince Charming na kasayaw ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang may tumutusok sa aking tiyan.

Parang kami lang dalawa ang nasa mundo, tanging tibok lang ng puso ko ang maririnig ko.

Na tumitibok na para sa kanya.

Kurdapya's note

Chapters 1-2 will be a flashback part ;)

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now