Special Chapter 2: What happened to Nikko.

1.3K 32 5
                                    

Lauren

Napangisi ako nang makita si Nikko na pumapasok. Ang tagal tagal din nung huling umuwi siya rito.

Nag-ayos muna ako ng kaunti bago ko siya salubungin. Gusto ko maganda ako kapag sasalubong ako sa kanya.

Nakita ko siyang umiiyak roon at may mapansin rin akong mga dugo sa kanyang kamao.Dali dali naman akong kumuha ng first aid bago ko siya lapitan.

Mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha yung isa niyang kamay para agad nang malagyan iyon ng ointment. Tanging mga mahihina niyang hikbi ang naririnig ko. Nakatanaw lang siya sa kawalan, parang wala nga ako sa tabi niya.

I could see pain in him, alam kong sobra niyang minahal si Eris, at hindi niya basta-basta tatanggapin ang nangyayari sa kanila. Pero huwag siyang mag-alala from now on, I will be here at his side again. I will put away all his pain at sisiguraduhin kong mahuhulog siya sa akin.

Wala na akong kaagaw, so I have my chance now. Kung hindi lang uto-uto yang Eris na iyon. Edi sana sa kanya pa rin si Nikko hanggang ngayon.

Kaya wala akong sasayangin sa pagkakataong ito.

Pagkatapos kong lagyan ng benda yung magkabila niyang kamay. Lumapit ako lalo sa kanya, parang hindi man lang niya namalayan ang paglapit ko. Parang wala pa rin siya sa sarili na nakatanaw sa kawalan.

Dahan dahan kong hinaplos yung mukha niya. Nikko is the most handsome person I ever laid my eyes on. Kaso miserable siya ngayon.

Ngayon ko lang siya nakita na ganito. There is anger and pain in his eyes, sobrang nakakapanibago.

Siguro ay hiwalay na sila nung Eris na iyan. Well dapat lang.

"Nikko ako na lang sana ang minahal mo." Gusto ko ring makiiyak sa kanya. Kung ako na lang sana yung minahal niya, he will never been hurt, he will be never be miserable like this.

Mas kaya ko siyang mahalin kaysa sa Eris na iyon. Mas kaya ko siyang alagaan. Bakit kasi kailangan pa niyang ipagsiksikan ang sarili niya sa babaeng iyon. Nandito naman ako sa tabi niya pero di niya ako nakikita.

I was there noong nakatanaw siya noon kay Eris tuwing kasama niya si Lukas. I was there whenever he was hurt because of that. I was there noong umiiyak siya dahil si Lukas ang napagkamalan niyang nabigay ng letter at hindi man lang siya napansin na naghihintay sa kanya roon sa may tapat ng pinto.

I was there, I was always at his side. I love him eversince, kahit nerd pa siya noon hanggang ngayon.

Kaya sobra akong naiinis kay Eris, kahit paulit-ulit siyang sinasaktan ngayon, kahit binitawan pa rin siya nito, si Eris pa rin ang gusto niya.

Puro na lang si Eris!

Eris does not deserve Nikko, ako lang dapat.

Pero hindi niya pa rin ako makita-kita kahit lagi naman akong nasa tabi niya.

"I love her so much Lauren, I really do. Bakit lagi na lang ako nasasaktan.

"Nikko, sabi ko naman sayo, hindi ka mahal ng Eris na iyan." Umiling lang siya sa akin.

"I know she loves me, naramdaman ko iyon. Bakit kailangan pa niyang gawin sa akin ito." Mas lalo siyang humikbi. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Sanay ako naman lagi ang umaalo sa kanya sa tuwing nasasaktan siya dahil lang sa babaeng iyon.

"If she really loves you, hindi ka niya iiwan."

Umiling-iling lang siya na tila hindi kumbinsido sa mga sinasabi ko. I know Eris loves him too, pero hindi sila pwede! Hindi!

Kumalas ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya, blanko lang siyang napantingin doon.

"Ako na lang kasi. Bakit hindi na lang ako." Mas hinigpitan ko pang ang hawak sa mga kamay niya, kung pwede nga lang, huwag nang bitawan ang mga iyon ay hinding hindi ako bibitiw.

"I am better lover than Eris, bakit hindi natin subukan." Pagkasabi na pagkasabi ko sa mga salitang iyon ay marahas niyang kinalas yung mga kamay niya sa akin.

"Hindi tayo pwede Lauren alam mo iyan." Matigas niyang sabi. Hanggang kailan niya sasabihin sa akin iyan. Lagi na lang. Sawang-sawa na ako. Wala namang bawal sa aming dalawa, hindi naman kami magkapatid! Anong masama doon?

"Bakit hindi? Hindi naman tayo magkapatid a! I can be yours." Lumapit ako sa kanya pero inilayo niya ang sarili sa akin.

Umiling iling lang siya akin.

"Hindi Lauren."

Hindi ako matitinag ng "hindi" niya. Wala na si Eris sa buhay niya, may pagkakataon na ako sa kanya at hinding hindi ko paglalapasin ito.

Lumapit ako sa kanya hindi niya ako napigilan kaya sinamantala ko na.

Siniil ko siya ng halik. At last! I can have a taste of his soft lips and it is the best! So, I did the most passionate kiss that I can, I know that he can't resist it. Maraming nagsasabi na masarap akong humalik, alam kong tutugon din siya rito.

Pero itinulak niya ako.

"Magkapatid tayo Lauren." Bullshit! That was the lamest word that he could ever said to me. Bakit niya bang ipinipilit na kapatid ko siya. Hindi kapatid ang tingin ko sa kanya!

Tatayo sana ako pero tila nanghina ako sa sumunod niyang sinabi.

"Si Eris lang ang mamahalin ko."

Agad siyang tumalikod sa akin at lumabas ng bahay.

Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang sarili ko.

Mapapasaakin ka rin ngayong wala na kayo ni Eris.

...............

Ok, nakalimutan ko itong sabihin, doon sa may previous chapters, there will be 3 special chapters before I post the book 2 of this story.

I decided na dito na rin siya ipost. Para tuloy-tuloy na mabasa ng mga new readers ito. Saka kung may gusto kayong balikan, magiging madali lang sa inyo.

Salamat!

-Weirdongbabae

Pasukan na namin bukas. Good luck to me! Wahahahaha 😂😂😂

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now