Chapter 10

1.7K 35 1
                                    

Nagising na lang ako, wala na siya sa tabi ko, nasaan na kaya siya? Iniwan na niya ba ako?

Ang bigat bigat ng dibdib ko at nasakop na naman ako ng kalungkutan..

Bakit niya ginawa sa akin ito? Hinanap niya ko, akala ko nandyan lang siya, hindi siya aalis at higit sa lahat magkakaroon ako ng karamay sa mga oras na iyon,then Iiwan lang niya ako in the end. Ako uli mag-isa ngayon.

Paasa lang?

Napailing ako

So ano naman kung iwan niya ako, hindi naman niya ako responsibilidad, hindi niya ako pananagutan, dahil wala naman namamagitan sa amin.

Sabi ko na lang sa isip ko, para matakpan ang kaunting kirot sa dibdib. ,

Akala ko hindi ako mag-isa.. Iniwan din niya pala ako.

Naglakad ako palayo doon sa may sinilungan naman. i guess I need to find our place all by myself. Hindi ko naman siya kailangan afterall. May tiwala ako sa sarili ko.

Nagulat ako ng makasalubong ko siya. he is wearing nothing but only his ripped jeans.

"Saan ka pupunta?" Para bang hindi ako makapagsalita dahil walang boses na lumalabas sa aking bibig at natulala na lang sa kanya.

Pinigilan ko ang sarili ko na mapanganga. He is a one of a kind, a greek god walking towards me.

Dashboard chest down to his firm abs.

Shit!

Tila natutuyuan ako ng lalamunan. I just need some water.. Pero wala, matutuyuan talaga ako.

Huwag rin sana tumulo ang laway ko. Hawak ko lang ang aking panga para mapigilan ang lahat ng iyon.

"Eris" Agad akong bumalik sa aking huwisyo. Ano nang nangyari? Baka tumulo pa ang laway ko?

Kinapa ko ang mga pagitan ng aking mga labi, mabuti at walang tumulo na laway ko.

Pero kahit na, nakakahiya na nakita niya akong titig na titig sa kanya. Ano pa ang isipin niya. Duh? Hindi pa rin siya yung gusto ko. Masyado lang ako nabigla sa kanya.

Eris, ano ba iyang pinag-iisip mo kanina ha.. Ang landi.

Napailing ako.

"Saan ka pupunta?" Pag-ulit niya. Ayoko naman sabihin na hinahanap ko siya. Baka mag-isip na naman siya, baka nagugustuhan ko na siya.

Aba Hindi ko siya gusto! Hindi! Si Lukas pa rin.

Basta! Hindi ko siya gusto.

I should think some alibis. Come on Eris, think! Diyan ka rin naman magaling.

"Gutom na kasi ako." Tama oo nagugutom na talaga ako. ang hindi kumain maghapon.

"Naghahanap lang ng makakain." Sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko. That's right Eris! Be a good actress!

"Perfect! I have some fruits here, baka kasi gutom ka kaya yan, pinaghanap kita ng makakain." Pagkasabi niya ay narinig ko ang pagwala ng aking bituka. I am very very hungry.

Inabot niya sa akin yung mga oranges at mga blueberries. Naramdaman ko na lang na kusa akong napangiti sa kanya. Pinipigilan ko nga, pero kusa ang bibig ko na ngumiti sa kanya.

Sumilay na naman ang kaniyang ngiti.

"Buti naman at ngumiti ka na Eris. You seldom smile since I met you."

"I just appreciate what you did." Sabi ko na lang.

"Ayun naman pala! Marunong ka pala umappreciate Eris. Akala ko dedma ka lang." Ngumiti lang uli ako sa kanya bilang tugon, wala ako sa mood na magdadadaldal, dahil kailangan ko na talagang kumain.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now