Chapter 20

1.3K 32 2
                                    

Pagkalabas ko sa orthopedic section, agad siyang bumungad sa akin.

"Buti at ok ka na? Hindi na ba masyadong masakit? Sorry na talaga."

"Huwag ka ngang ganyan." Gusto kong matawa sa kanya, masyado siyang paranoid simula pa kanina nung dumaing ako dahil sa pagkakadapa. Sprain lang naman ito kung magpanic akala mo di na ako makatayo.

Gustong-gusto kong magalit sa kanya, dahil sabi niya sasaluhin niya ako, pero anong nangyari, hindi rin niya ako nasalo sa huli. Hindi ko naman magawa dahil alam kong hindi rin naman niya ginusto yung nangyari.

Saka kung di lang ako makapagpigil kanina pa ako tatawa dito dahil sa pagkaparanoid niya. Mamaya ko na lang ilalabas ito pag mag-isa na ako.

Pagbaba ko sa hagdan ay naghahanda siya ng mga rekado.

"Tara gawa tayong sandwich!"

"Nakikita mo ba ito." Sabay taas ko sa braso ko na may benda. Bwisit ito, may sprain ang kanang kamay ko pagagawain pa ako ng sandwich! Dapat nga ipaghanda niya ako.

Eris uulitin ko sayo nakikitira ka sa pamamahay niya, kaya wala kang karapatan mag-ala senyorita diyan.

"Oo, alam ko, ako naman ang kikilos dito, samahan mo lang ako. Ikaw naman."

"Ok."

....................

Totoo nga ang sinabi niya, siya lang ang gumagawa sa amin, para akong supervisor dito na nakatayo, tagasabi ng mga gagawin niya.

"Konti pang mayonaise" sabi ko, dahil kulang pa sa mayo yung egg mixture niya.

Tumalikod muna ako habang nagmi-mix siya dahil titignan ko yung pinapakuluan niyang karne.

Ok na siguro ito.

"Hindi ako tinapay a!" Nanlaki ang mga mata ko, nilagyan ba naman ako ng mayonaise sa pisngi.

"Hindi nga!" Sabay lagay pa niya uli sa pisngi ko na walang mayonaise.

"Yan mukha ka nang batang bonakid."
Ani pa niya! Leche talaga, hindi na ko bata! Sarap talaga niyang sipain sa mukha.

"Nikko!" Sigaw ko sa inis. Kakasabi ko lang na hindi tinapay ang mukha ko.

"Bleh!" Dinilaan pa ako ng bwisit! Para siyang bata. Pinahiran na naman ako sa noo, sabay takbo.

"You!" Sabay habol ko sa kanya, bitbit ang isang jar ng mayo na ibabato ko sa kanya.

Humanda siya.

.........................

Hindi ako nakaganti sa baliw na iyon dahil hindi tumama ang jar ng mayo sa kanya. Ang galing kasi umilag ng mokong kaya ito, ngising aso habang kumakain kami ng sandwich.

Ang sarap niyang isubsob sa sandwich! Hay nako kung pupwede lang talaga.

Kaso sa ibang bagay ko na lang ibinaling ang atensyon, hindi ko n lang papansinin ang mokong.

I was trying to draw in my sketchpad, pero hindi ko magawa ng maayos. Kanang kamay kasi ang pangdrawing ko, tapos ito ngayon, nagtiyatiyaga sa kaliwang kamay ko!

Nakakainis a? Wala na akong matinong nagawa.

"Eris, huwag ka naman magsayang ng mga sheets. Hindi mo ba alam kung ilang puno ang napuputol para makagawa niyan." Sabi niya habang puno pa ng sandwich ang bibig niya.

"So kapag nagtipid ako, maibabalik ko ba yung mga punong naputol? At higit sa lahat, dont talk when your mouth is full." Umiling-iling ako saka bumalik muli ako sa pagkakadrawing.

"Tsk! Ako na lang ang magdodrawing para sayo." Napatingin ako sa kanya.

"Kaya mo ba." I said sarcasticallyz

"Aba! Oo naman ako pa!" Tinaasan ko siya ng kilay,nagmamalaki pa ang mokong,matignan nga.

"Yabang mo." Napahalukipkip ako.

" Eris, ako ngayon ang magiging kanang kamay mo. Ok? Marunong ako, you'll see."Aniya pa.

"Sige sabi mo e." sabay paubaya sa kanya nung sketchpad, titignan ko talaga ang galing nito..

Kung meron nga ba?

......................

Napatakip ako ng kamay sa bibig, Hindi ko mapigilan na matawa.

Ok, marunong nga siya talaga, ang galing nga niya e...

Kung pre-schooler ang titingin sa gawa niya...

Puscha! Stickman itong buong pinagmamaki niya sa akin.

"Drawing ba itong ng pre-school?"

"No! Gawa ko ito Eris, maganda naman diba."

"Hahaha, ikaw talaga." Kung preschooler ulit yung nagsabi baka sabihin ko pa na oo, kaso a 26 year old man who did this to me. I dont know what to say.

I'm speechless.

"Tsk! Akin na nga!" Sabi niya sa akin, mukhang nahiya sa ginawa niya. Mas lalo akong natawa, buti narealize na niya. Haha! Mas lalo pa yung expression ng mukha niya na lumalaki pa ang butas ng ilong niya. Para siyang unggoy.

"Akin na patingin uli." Sabi ko habang inaagaw sa kanya ang sketchbook.

"No." Ani lang niya habang yakap ito. Leche! Para siyang bata talaga!"

"Tsk! Huwag ka ngang pabebe, di mo bagay."

Hindi siya kumibo at tinalikuran ako. Mukhang nagalit yata ito.

"Lika na, lakad tayo." Aya ko sa kanya, baka sakaling pansinin niya ako.

"Hmp." Pinansin nga ako.

"Yiee tatayo na yan, sa park tayo." Nikko a! Ngayon lang ito. Baka kasi magalit siya ng tuluyan, palayasin ako sa pamamahay niya. Oo nga pala nakikitira pala ako, tapos pinakita ko pa na di ko appreciate ang drawing niya.

Ilang beses na akong halos nagpacute sa kanya, pero hindi pa rin ako pinapansin.

Todo effort na ko nito.

"Huwag ka ngang pabebe halika na." Hinila ko siya gamit yung kaliwang kamay ko.

Pero imbis na siya yung mahila ko, nasubsob ako sa kanyang matipunong dibdib, damang-dama ko tibok ng puso niya doon.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pilyo siyang nakangiti sa akin.

And he gave me a smack.

"Nakabawi na ko."

"Leche!" Hinampas ko siya sa lumayas sa harap niya. Pulang-pula na naman ako dahil sa kanya, nakakahiya!

And my hearbeat is beating abnormally.

Nakakainis!

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now