Chapter 3

990 33 2
                                    

3 years later....

Eris

"Grabe ang ganda mo dito, pak na pak!"

Nilapag ni Micha yung magazine doon sa may table ko, nagrelease na pala sila ng copy nito.

Napangiti ako nang makita ko iyon. Marami na palang nagbago. Hindi ko makita yung dating Eris ngayon.

Pagiging fashion designer lang yung gusto ko. I even have my own clothing line now, at nagpunta kami dito sa Pilipinas dahil dito gaganapin yung fashion show ng ilan sa mga collection namin. Siyempre kasama ko si Michael-- este si Micha pala at si Taylor. Sila yung umaalalay upang maabot ang posisyon na ito. I never thought na makakabalik pa ako dito kasi sabi nila noon, nangangalawang na ako, but I am still able to do it.

Hinawakan ko yung magazine.

That was an accident, hindi ko naman kasi pinangarap na maging model, sadyang napagdiskitahan ako nung isa sa mga photographers ng isang fashion magazine dahil kulang sila sa models. I dont expect na magwowork-out pala yung pagiging model ko.

Another sideline ko na rin yun siyempre saka makakatipid din ako kasi pwedeng ako na lang yung maging model ng mga designs ko. Haha!

Maayos naman na ang lahat sa akin, naging masaya na ako kahit sa kabila ng mga nangyari.

Naging inspirasyon ko si Nikko, kahit na hindi kami sa huli, yung mga alaala namin ang bumubuhay sa akin ngayon. Siguro kung magpapakalasing lang ako, magpapaligoy-ligoy pa ako, alam kong hindi siya matutuwa sa akin.

Oo masaya ako pero aminado ako na hinahanap ko pa rin siya. Sometimes I am thinking of what ifs. Pero para saan pa ba? Dapat panindigan ko yung choice na ginawa ko.

Wala rin naman ako ulit planong mang-agaw ulit, ayoko nang manira pa ng relasyon, ako rin naman ang masasaktan doon. Saka siguro masaya na yun kasama si Lauren. Ang huling balita ko na lang ay nanirahan na sila noon sa London. Hindi ko alam kung nakabalik na ba sila rito, hindi ko alam. Hindi na rin ako nakabalita.

Saka kung nagkataon man na magkita kami, siguro manghihingi na lang ako ng tawad sa kanya sa mga nagawa ko sa kanya noon, sana magkaayos kami kahit hanggang magkaibigan na lang ang pwede sa akin.

Aminado naman ako na siya pa rin yung mahal ko, pero kailangan kong tanggapin kung ano na lang ang pwede na maging kami at iyon ay ang pagiging magkaibigan. Binitawan ko siya noon e, I need to face the consequences.

Nakatanaw lang ako noon sa malayo habang kinakasal sila. I can see hapiness in their eyes. Hindi ko maiwasan na manghinayang, kung hindi ko siya binitawan noon, kung naging matapang lang sana ako. Siguro ako yung babaeng kasama niya sa altar na iyon.

Gusto kong itigil yung kasal nila. Ako dapat sana yung nandoon. Ako. Alam kong mahal pa niya ako. Siya yung nakita ko sa rooftop, siya rin yung nagsugod sa ospital sa akin.

Nabuhayan ako ng loob dahil doon, pero biglang naglaho ang mga iyon dahil sa taong kaharap ko ngayon.

"Hindi mo ba nakikita na masaya sila ha. Mangugulo ka pa!" Bulyaw sa akin ni Mrs. Sarmiento. Wala akong magawa.

"You are nothing Eris, just nothing." At tuluyan na siyang tumalikod sa akin.

Siguro nga hanggang dito na lang ang lahat sa akin. Ang sakit sakit tanggapin kasi hanggang dito na lang ako. Hanggang tanaw na lang ako sa kanya.

Kitang-kita ko kung paano isuot ni Nikko ay singsing sa daliri ni Lauren.

Gusto kong hilingin na sana mamatay na lang ako, wala na yung buhay ko, baka ikamatay ko pa ang labis na sakit nanararandaman ko.

Sana nga natuluyan na lang ako e, oo naging masaya ako, pero labis labis na pighati ang nararamdaman ko ngayon.

Maghapon akong umiyak noon. Hindi na mapapasaakin si Nikko. Hinding -hindi na. Kahit isang kahibangan na lang yung hilingin ko na ibalik yung oras, gagawin ko.

Wala na... Wala na siya talaga sa akin.

Noon sabi ko sa sarili ko kailangan kong mag-move on dahil may bago na akong buhay. Alam kong corny ito, pero alam kong siya pa rin.

Mapait akong napangiti at pinunasan yung luha na tumutulo sa mga pisngi ko. Masakit pa rin kasi e, pero kailangan kong tanggapin.

"Erisha! Ang lalim na naman ng iniisip mo!" Bulyaw sa akin ni Michael, kaya agad din akong natauhan.

"I know you what she's been thinking!" Nasa harap ko si Taylor at nilapag yung kape para sa aming dalawa.

"You know sometimes I want to make you batok because you are so idiot!" Aniya nung kinuha ko yung kape ko. Oo tanga talaga ako.. Sobra.. Kasi hanggang ngayon minamahal ko pa rin siya kahit na may mali

Naniniwala ako na may tao pa na darating sa buhay ko. Pero hindi ko alam kung handa ba akong buksan ang puso sa kanya.

"Sino ba kasi yun Taylor!" Pamimilit ni Michael. Hindi ako kumibo, ayaw kasi ipasabi sa akin ni Taylor kung sino si Nikko. Sabi niya kasi noon, since wala naman na siya sa buhay ko, hindi ko na dapat siya iniisip pa. Ako lang kasi ang makulit, wala rin naman siyang nagawa doon.

"Secret, you dont need to know."

"Eee! Nakakainis naman e! Isang taon na ako ayaw niyong iopen sa akin kung sino yung fafa ni madam Eris."

"Huwag mo na lang kasing alamin, Michael!" Pinagdiinan pa niya yung totoong pangalan ni Micha. Oo nga pala, mas matatas ng magsalita si Taylor ngayon ng filipino. I'm so very proud of her.

"Hey Can you please stop calling me that it is so kadiri! I am Micha now."

"Eeew! You are so chaka!" Hirit ni Taylor, natutuo rin siya ng mga gay lingo na yan dahil kay Michael.

"Ensayrada ka!"

"Lukaret ka naman!"

"Tumigil na nga kayo diyan, wala kayong ginawa kundi magbangayan." Ganito na lang ang scenario namin sa opisina, lagi na lang silang nagbabangayan. Ako lang naman yung ginagawa nilang peacemaker. Kung straight lang sana si Michael ay baka isipin ko na may something sa kanila e. Para silang aso't pusa lagi.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Taylor bago siya tuluyan na nanahimik.

Napatingin ako doon sa may nakaframe na suit.

Matagal kong pinag-isipan kung paano iyon gagawin. Sinigurado ko na babagay sa kanya yung suit na gagawin ko.

That was grey in color and simple lang yun, pero hindi pa rin nawawala yung elegance niya. Design pa lamang yun at hindi ko alam kung magagawa ko ba yun talaga.

"Ow!" Napatingin din si Michael dun.

"Bakit kasi hindi mo ibenta yang design mo iyan." Aniya. Matagal niya kasi akong pinipilit na ibenta na lang iyon. Laging iling lang ang sagot ko, isang tao lang ang may karapatan na mag-suot nun at hindi ko ipapamigay yun sa iba.

Marami kasi ang nagkaka-interes sa design kong iyon, kahit na magiging bigtime pa ako hinding hindi ko ipapamigay iyon.

"Because I made it for him."

Napangiwi lang siya, dahil iyon na naman ang sinagot ko sa kanya.

Sana balang araw ay maipakita ko rin sa kay Nikko ito.

............

Exclusively yoursOù les histoires vivent. Découvrez maintenant