Chapter 12

988 42 4
                                    

Pinaglalaruan ko yung ballpen na hawak ko habang nakatitig sa laptop ko. I dont know what to write in this article, tapos ay may mga inaayos pa kami na presenstation for the final output ng runway next month.

"Miss Eris may package po kayo?" Tumingala ako kay Rina na may hawak hawak na box at may note sa ibabaw nito.

"Kanino galing." Sabi ko habang kinukuha ko sa kanya yung package.

"Galing po kay Mr. Sarmiento." Kinuha ko yung note at nakumpirma nga na galing iyon sa kanya, dahil ganoon pa rin sa dati ang sulat niya. Pero imbis na matuwa ay nilukot ko yung note na galing sa kanya. Pagdabog kong binaba yung box at tila nakuha nun ang atensyon nila Michael at Taylor na busy rin sa kanilang presentation.

"Nasaan siya?"

"Kaalis lang po Miss Eris, idinaan lang niya po iyan." Agad akong tumayo at dali-daling naglakad palabas.

"Uy Erisha hindi pa tayo tapos dito."

Sinigaw pa ni Michael at hindi ko na siya pinansin at tumakbo na ko palabas. Kailangan ko siyang maabutan.

Lakad takbo akong nagtungo sa hallway. Nanlumo ako dahil halos wala na akong makita ni anino man lang niya.

Dali-dali akong nagpunta sa basement. Sana ay hindi pa siya nakakaalis doon.

Dismayado rin akong nakatayo doon habang nakikita ko ang papaalis niyang kotse sa parking lot.

Damn you. Sarmiento!

Dali-dali akong pumunta sa kotse ko at pinaharurot iyon.

Pinauna ko muna makapasok yung kotse niya sa parking lot ng Golden State at maya maya ay sumunod na rin ako.

Mabuti at agad din akong pinapasok ng guard doon nang pinakita ko sa kanya yung I.D. ko. Maswerte rin naman ako dahil agad din akong nakapagpark.

Napangisi ako nang maabutan ko siya sa tapat ng elevator.Agad kong inalis sa box yung cellphone at inihagis sa kanya. Buti nga at tinamaan siya sa likod.

Napahawak siya doon at humarap siya sa akin, galit pa ang kanyang mukha kaya nakaramdam ako ng kaba.

Maging matapang ka Eris, panindigan mo iyang ginawa mo.

"Gaya ng sabi ko sa'yo Mr. Sarmiento may pambili ako. I don't need anything from you!" Tinigasan ko ang boses ko para hindi halatang nasasakop na ako ng takot dito, dahil sa natatalim niyang titig. Agad ko siyang tinalikuran, para makalayo na rin agad,pero nahabol din niya ako at nahagit niya yung braso ko.

Napasinghap ako ng hinapit niya ako para mas mapalapit sa kanya. Pero kahit halos magkalapit kaming dalawa ay pilit pa rin  akong umiwas ng tingin sa kanya. Nakakatunaw talaga siya kung tumitig. Kung hindi lang niya ko hinapit ay baka bigla na lang ako mapaluhod dito.

"Talaga ba." Nilapit niya yung mukha niya sa akin, halos ramdam ko na rin yung hininga niya.

Napabuntong hininga rin ako saka nag-angat ng tingin sa kanya. Kailangan kong maging matapang ngayon, kailan kong panindigan yung ginawa ko.

"Try me Mr. Sarmiento. Try me." Matigas kong sabi, but what he just did? He just grinned at me, tila walang tensyon na namamagitan sa aming dalawa ngayon.

Inilayo niya yung mukha niya sa akin at saka niya ako binitawan.

"You are seems so brave right now, Ms. Magadayo." He grinned again. "Well be braver in the next few days, baka di mo kayanin." Napakunot lang yung ulo ko sa sinabi niya.

He just grinned at walked away. Hindi ko na rin siya hinabol pa.

Hindi ko na rin pinansin ang sinabi niyang iyon para kasi siya noon dati, kung ano ano rin ang nasasabi. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pagbato ko sa kanya ng cellphone, kahit ganoon man lang ay nakaganti ako sa pananakit niya sa akin. Tila isang malaking fullfillment ito sa akin, dahil kahit papaano naman ay nailabas ko ang sama ng loob ko sa kanya.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now