Chapter 35

1.1K 33 10
                                    

Bibigyan kita ng pagkakataon Eris, kapag hindi mo siya hiniwalayan alam mo na ang mangyayari.

...........................

"Eris!" Agad niya akong niyakap ni Nikko ng makita niya ako dito sa kinauupuan ko.

"Were have you been, you make me ao worried to you." Kitang-kita ko ang pag-aalala niya sa kanyang mga mata. Siguro ang tagal kong nawala kanina.

"You said you will be going to the restroom yet I am finding you here." Aniya at hinahaplos niya yung pisngi ko.

"Sorry." Iyon na lang yung nahagilap ko na tamang salita para sa kanya. Sorry kasi pakiramdam ko ay hindi ako nag-ingat kanina, kaya nadukot nila ako, labis ko pa siyang pinag-alala.

Sana rin nandoon siya yung mga oras na para kahit papaano ay makampante ako.

Takot na takot ako nung mga oras na iyon. Ang dilim dilim ng paligid, wala akong makita, hindi ako makagalaw, at alam ko pinaliligiran nila ako roon.

Yung mga tingin nila, ganoon din yung mga tingin ng mga gangsters na pumasok noon sa dati kong bahay.

Wala si Nikko sa tabi ko, ako lang mag-isa. Ako lang ang mag-isa na humaharap dito. Tahimik akong magdarasal para sa sarili ko, pati na rin sa kanya. Baka kasi may mangyari rin na masama sa kanya.

Sana wala, dahil hindi na kaya ng konsensya ko na may mangyayaring masama sa kanya dahil sa akin. Di bale ako na lang.

Laking pasasalamat ko rin dahil wala namang ginawang masama sa akin.

Pero nagbanta si Lauren kung hindi ako papayag sa gusto niya, sasaktan niya ako, si Nikko at sila Anikka.

Ok lang na ako, pero huwag lang sila.

Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko. Pero alam kong ito lang yung magagawa ko para sa kanila, ayoko nang may madamay pa.

Si Nikko ang pinagbabantaan niya ng masama noon at hindi ko maintindihan kung bakit pati sila Anikka ay idadamay niya.

Gusto ko siyang labanan noon pero tinali nila ako. Gusto ko siyang kumprontahin, kung bakit niya ito ginagawa. Bakit kailangan pa niyang mandamay. Pati yung mga taong walang kinalaman at idadamay niya.

Nakagapos lang ako doon. Wala akong magawa kundi sikmurain lahat ng masasakit na salita ni Lauren, yung mga malulutong niyang sampal sa akin, ang mga tawanan ng mga taong nakapaligid sa akin.

Gusto kong sabihin kay Nikko lahat ng ito, pero pinangungunahan ako kaagad ng takot. Bumalik na naman ang pagiging duwag ko. Mas natatakot na ako ngayon dahil may mga taong nadadamay na sa sitwasyon namin.

Pero ayoko siyang pakawalan. Ayoko. Ayoko. Dahil alam kong masasaktan ko siya, ayokong saktan ang taong walang ginawa kundi mahalin at alagaan ako.

Pero sa sitwasyon na ito, sa tingin ko wala na akong option.

........................

Nakangiti siyang nakatingin sa mga bituin. Ang ganda ganda niya talagang ngumiti. Isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya, kasi parang wala siyang iniinda sa ngiting iyon.

Ako.

Paano ako makakangiti kung ang bigat bigat ng dala ko. Gusto kong umiyak sa kanya pero mag-aalala lang siya sa akin. Ayoko nun.

At ayoko rin sirain ang ngiting bitbit niya ngayon. Alam kong masaya siya sa meron kami. Ayokong mawala iyon sa kanya.

Pero hindi ko alam ang gagawin ko,

"Eris ok ka lang?" Tumango lang ako sa kanya.

Magiging ok ba ako kung ganito kabigat ang dinadala ko? Magiging ok ba ako kung magagawa kong bitawan si Nikko?

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now