Chapter 5

1.1K 38 3
                                    


"Sabi na nga ba e! Siya yung lalaki sa painting na nakita ko noon." Inamin niya kasi sa akin na nakapasok siya doon sa may isa kong secret room kung saan doon nakadisplay yung painting naming dalawa noon sa New York.

"Sino na nga ba yun?"

"He's Nikko Sarmiento." Walang ganang sagot sa kanya ni Taylor.

"What! As in Nikko! Nicholas Sarmiento talaga! The CEO of the Golden State. OMG he's my crush kaya." Hindi ko na lang siya pinansin at tinignan na lang yung contract kung saan na magiging opisyal na magiging model siya ng clothing line ko.

"But since bestie kita, I'll make paraya to you." Blanko lang akong tumungin sa kanya. Napailing lang ako sa kanya, may asawa na nga yung tao, baka mamaya may anak na yun.

"Yeah you should to that or I will punch your face." Ani ni Taylor at punagitna sa amin, napatingin din siya sa contract na hawak ko. Hindi ko pa kasi napipirmahan iyon.

Hindi ko nga rin alam kung pipirmahan ko na nga ba iyon. Kasi sa oras na pinirmahan ko iyon, alam kong babalik na naman siya sa buhay ko, as friends siyempre.

"By the way Eris, ok ba na siya yung gawing model."

Hindi ako kumibo dahil hindi ko rin naman alam yung isasagot ko sa kanila.

I think it is not ok.

"I think the board likes Nikko E."

"Alam mo naman kapag nagustuhan nila." Tumango na lang ako, wala rin naman akong magagawa. Sila rin naman kasi yung nagrecommend sa kanya.

Naphilot na lang ako sa sentido ko. Oo nga pala, wala na rin akong magagawa. Dali-dali kong pinirmahan yung kontrata.

I guess I am also welcoming him in my life.

"Rina bakita hingal na hingal ka diyan."

"Miss Eris, Mr. Nicholas Sarmiento will be here at 4pm in the afternoon."

"What! Agad agad!"
...........

Nikko

"Bro I'm really really sorry, Ikaw lang kasi yung pumasok sa isip ko." Blanko lang akong tumingin kay Morris. Ilang beses na ako napapasubo sa mga ganito niya. Yes I am modelling sa mga clothing lines na tinatanggihan niya at ako yung irerecommend niya. Alam niya kasing hindi niya ako tatanggihan kaya malakas ang loob niya ganituhin niya ako.

Si Morris, he is one of the famous internationa models at nagtiyatiyaga sa akin. Kaya hindi ko rin magawang mainis ng tuluyan sa kanya.

"I'm not into modelling Morris, you know that." Napakamot na lang siya ng ulo.

"I just want to focus in my company. Pang ilang beses na ito." I saw him doing his puppy eyes, that is so gay. Gusto ko siyang sapakin sa tuwing gagawin niya iyon.

"Nikko last na ito, alam mo naman na marami akong modeling commitments at nanghihingi sila ng recommendation sa akin." Napabuga lang ako ng hininga, ano pa ba ang magagawa ko?

Kundi tumango sa kanya.

"Thank you, thank you bro." Aniya at akmang yayakapin ako pero pinigilan ko siya.

Pagpunta kami doon sa may company ng clothing line na iyon, doon ko nalaman na isa si Eris sa mga fashion designers nila. That is ok with me as long as hindi ako magiging model niya.

Pero...

Huli na rin na malaman ko na I'll be modeling in her designs. I already signed the contract, hindi ko kasi nabasa kaagad dahil nagmamadali ako.

Kung alam ko lang na siya,tatanggi na ako agad dito. Ayokong makita yung babaeng iyon, ayoko na siya makaharap pa. Yung babaeng nanakit sa akin at halos sumira ng buhay ko.

Exclusively yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon