Chapter 40

457 15 0
                                    

I take a sip of coffee na tinimpla ni Nikko para sa akin.

"Iniisip mo pa ba yun?" Hindi ako kumibo.

"Eris, huwag kang mag-aalala. I called my connections here to figure out that." He tap my shoulder.

"Everything is ok Eris."

Mapait akong napangiti. "Tama, ok ang lahat. Dapat hindi ako magpaapekto, moment natin to."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Magulo pa sa ngayon ang sitwasyon natin, pero malalagpasan din natin ito Eris.

Tumango ako. Sana nga. Pero kinakabahan ako. Maraming bagay ng tumatakbo sa isip ko. Paano kung kami ang kinuhanan ng larawan, tapos gamitin ito laban sa amin. Ngayon maraming kalaban ang Amaya.

Kalma Eris. Dapat hindi ka tuluyan na magpaapekto sa bagay na iyon.

Natauhan ako ng hawakan ni Nikko ang baliat ko.

"Alam ko na." Ngumisi pa siya nang sabihin niya iyon.

"Ayoko ng iniisip mo ngayon Nikko."

Ngumiti siya at may inabot sa akin na sketchbook. "I bought you some."

Sinamaan ko siya ng tingin at napangisi na naman uli siya.

"Iyon pala iniisip mo, huwag kang mag-alala mamaya." Agad ko siyang napalo nang papalapit niyang kamay sa akin.

"You are violent now huh"

Napailing-iling ako.

"Hay nako, tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo Nikko. Yun totoo ikaw ba talaga yan?"

Hinawakan niya ang pareho kong kamay at ngayon ang mukha niya ay nasa pagitan na ng mga palad ko.

"Ako lang ito Eris." He smirked.

I do stare his brown eyes, my face approached his as we are about to kiss.

Push his face ayaw.  He is in awe and I took advantage to leave.  Bahala siya diyan.

"Eris."

"Salamat sa bagong sketchpad!" Sabay sarado ko sa pinto.

Napatingin ako sa binigay niya

Pinulot ko ang nahulog na note.

"I hope I am already included with your adventures Eris." I held the note like it is a fragile thing, need to kept, need to be taken care of.

I sigh.

"Yes you are.  From the very beginning." Kinuha ko yung sketchbook at niyakap ko ang sketchbook. Inalala ko yung mga panahon na high school kami,  yung pagturo niya sa akin at yung pagbibigay niya ng mga tulips sa akin na inakala ko pang si Lukas.

I took my colored pencils and start creating a scenery.  Matagal ko nang hindi nagagawa ito,  sana hindi naman ako mangalawang.

"Eris" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa bungad ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napangiti siya at itinaas niya ang susi.    Umiling na lang ako at pinatuloy ang ginagawa ko.

Alam kong nasa tapat ko lang siya pero hindi ko muna pinansin ang presensya niya.  Kinakabahan ako sa gawa ko,  ni hindi ko man lang maguhit ng maayos ang nasa isip ko.

Itong lalaki kasi na ito,  nakakadistract.

"Ano yang ginagawa mo?" Aniya sabay silip sa sketchbook.

"No!" Pag-iwas ko sa kanya.

Napanguso siya.  "Di mo bagay Nikko."

"Ano ba kasi yan? Patingin." Iniwas ko uli yung sketchbook sa kanya.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now