EPILOGUE: The letter

1.7K 46 8
                                    

As I promised sa'yo, ito na.

...................

"Ano ang mga iyan?" Nagulat ako nang makita si Lukas sa likuran ko.

Yes nandito sila sa New York, naisipan nila kasi na magbakasyon dito at gusto rin ni Anikka na makilala ako ng anak niya. Sa lahat daw si ng naging ninang ni Jessie, yung baby girl nila, ako pa lang daw ang hindi pa nakikita.

Natuwa nga ako kasi kamukha nito si Lukas, para ngang babaeng version niya. pero nakuha naman yata yung kulit at tapang kay Anikka.

They really have a really really lovely child. Siguro kapag hindi ko pinakawalan si Nikko, baka magkaroon kami niyan.

Hay nako, bigla ko lang naalala si Jessie dahil kamukha niya talaga si Lukas.

Nginitian ko si Lukas, ngumiti rin siya sa akin.

Kung may epekto pa ba siya sa akin? Wala na, normal lang ang lahat sa akin. At talagang kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya. Masasabi ko na talagang masaya ako para sa kanila, wala nang kasamang pait yung nararamdaman ko sa kanya.

Nikko really make me to get over with Lukas. Kasi sa kanya na ako patay na patay ngayon.

Napatingin siya roon sa mga boxes na susunugin ko, tulad pabaon ko sa limot ng aking nakaraan.

"Mga bigay ko ito a, tinatago mo pa rin?" Aniya at hinawakan pa ang ilan sa mga ito.

Hindi maiwasan na makaramdam ako ng hiya, baka kasi isipin niya na hanggang ngayon ay siya pa rin. Tapos lahat pa ng mga nandito ay galing din sa kanya.

Lahat kasi mahalaga sa akin, kaya tinatago ko ang mga ito. Memories, masarap talagang itago ang mga iyan, mahirap maka-get over, pero we still need to move on to face another chapters of life.

Sana naman mas masaya, yung wala ng sakit.

In my 27 years of existence, iyon na lang yung nararamdaman ko, yung sakit at poot. Gusto ko naman ng bago. Nakakasawa na kasi yung lagi kang nasasaktan.

Pero kung may bagay akong ayokong kalimutan, ay yung mga panahon na kasama ko si Nikko. Simula nung nagkakilala kami, hangga't sa yung araw na nag-prospose siya sa akin, kahit di na yung huling pagkikita namin. Masyado kasing masakit iyon para sa akin.

"Actually tatapon ko na. Kasi narealize ko na kailangan ko na talagang magbagong buhay. Kaya sisimulan ko dito sa mga ito." Sabi ko at nahawakan yung love letter at tulips na binigay niya noon sa akin. Kung saan ng dahil dito ay mas lalo ko pa siyang minahal. Dahil doon nalaman ko na sasaluhin pala niya ako na kaya niya pala akong mahalin pabalik.

Dahil rin siguro dito kaya ako humantong sa sitwasyon na ito.

Nagtaka ako dahil nangunot yung noo niya sa hawak ko, bigay niya iyon sa akin, alangan naman na makalimutan niya iyon. Kilala ko si Lukas, hindi siya basta basta makakalimot. Kinuha pa iyon ni Lukas at binasa. Natawa pa iyon. Siguro ay natawa dahil nagawa niya iyon.

"But Eris those are not from me." Aniya at natatawa-tawa pa.

"Kakorny naman ng nagsulat nito! Hindi ako gagawa ng ganito. Alam mo naman ako." Natatawa pa niyang sabi. Hindi ko na napakinggan kung anuman ang sinabi niya. Nagulantang ako sa sinabi niya. Hindi galing sa kanya iyon?

Parang isang bomba na sumabog sa akin ang sinabi niyang iyon.

Kung hindi nga galing ito sa kanya? Kanino? Siya lang naman ang tao na nakita ko noon sa pintuan at wala ng iba. Paanong hindi siya?

Hinarap ko siya.

"Bakit ka um-oo noon kung hindi naman pala galing sa'yo."

"I admit I loved you before Eris pero yung letter na iyan hindi galing sa akin iyan."

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na baka niloloko ako ni Lukas, pero hindi. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Pero paanong nangyari ito, bakit siya nandoon at sino ba talaga ang nagbigay sa akin nito.

..................

Naisunog ko na ang lahat ng gamit pero hawak hawak ko pa rin yung love letter at tulips.

Nakatitig lang ako sa love letter na hindi ko alam kung kanino ba talaga nanggaling. Kahit paulit ko pa ito tignan, basahin ay wala akong makita na maaring pagkakilanlan sa kanya.

Napahilot na lang ako sa aking sentido, dahil na kakaiisip, pero wala naman akong makuha.

Pero kasi sabi roon sa sulat ay tumingin ako doon sa may pinto at si Lukas naman yung nakita ko at sabi rin niya hindi naman siya magbibigay sa akin nito. Siguro na naharangan ni Lukas ang tunay na nagbigay sa akin nun.

Nakaramdam ako ng awa doon sa nagbigay sa akin, siguradong hinihintay niya ako noong araw na iyon pero hindi ko siya napuntahan dahil iba yung napagkamalan ko. Siguro nakita niya kung paano ko yakapin si Lukas noon, alam kong masakit iyon para sa kanya.

Kung sana pala ay nakilala ko siya kaagad, hindi talaga ako masyadong tinamaan kay Lukas noon.

Halos sirain ko na si Anikka at Lukas noon, sinira ko ang buhay ko, namuhi ako sa sarili ko, magpapakalunod sa lungkot.

Malamang ay hindi nangyari sa akin iyon. Siguro matagal ko nang naramdaman yung pagmamahal na hinihiling ko noon, sigurado ako, hindi niya ipagkakait sa akin iyon. Siguro masaya ako ngayon sa piling niya at hindi na ako hahantong sa ganito.

Hanggang siguro na lang ako kasi hindi kita nakilala at hindi ko alam kung makikilala pa kita.

Kung nangkataon man na makilala pa kita, siguro may mahal ka nang iba, may sarili ka na sigurong pamilya. Tagal na nun, imposible na mahalin pa rin niya ako hanggang ngayon. Baka katulad ni Nikko ay baka namumuhi sa akin iyon dahil hindi ko man lang siya napapansin noon.

Saka hindi ko deserve kung gusto pa rin niya ako hanggang ngayon, kasi hindi ko man lang isipin na kilalanin siya. Baka nga hindi ko siya pinapansin noon.

Tama nga ako, dahil nga rito kung bakit ako nandito sa sitwasyon na ito. Kasi kung nakilala ko lang sana ang tunay na nagbigay nito, siguro ay baka masaya kaming dalawa ngayon.

Sayang na sayang talaga. Sana ikaw na lang para hindi ko na dinanas ang mga ito.

Sana ay nakilala kita kaagad.

Biglang nilipad yung papel at napunta doon sa may mga sinusunog ko. Nakuha ko naman ito pero kalahati na lang yung papel.

Naku paano na ito.

Sinipat-sipat ko yung papel. Wala, halos konti na lang yung sulat nun.

Wala na.. Wala na talaga.. Siguro ay nakatalaga na mag-isa na lang ako habang buhay.

Mag-isa na lang talaga.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa letter. Mapait akong napangiting tinitignan iyon.

Ganoon talaga, kailangang tanggapin ang masaklap na katotohanan.

Itatapon ko na rin sana kaso, para akong nabuhayan nang makakita ako ng isang maliit na pirma roon. Sa tinagal-tagal sa akin ng letter na ito, bakit ngayon ko lang ito nakita?

Tinitigan ko itong mabuti, napakapamilyar sa akin ng pirma na iyon. At alam kong nakita ko na iyon.

Hindi ako maaring magkamali pero pirma niya ito.

................

END

Exclusively yoursحيث تعيش القصص. اكتشف الآن