PROLOGUE

1.6K 38 6
                                    

Eris

As I stand here in the rooftop with a bottle of beer. I am wasted, really I am.

Pero hindi na ako magpapakamatay ngayon. Alam kong magagalit siya sa akin kapag nagtangka pa ako.

Saka hindi dapat ako mawala, aagawin ko pa si Nikko sa baliw na babaeng iyon.

Nag-aabang lang naman kasi ako ng falling star. Hihiling ako doon e. Hihilingin ko na sana ay maibalik yung oras, dahil siya na ang pipiliin ako.

Saka kasi pakiramdam ko kapag nakatanaw ako sa bituin parang kasama ko na siya. Kasi alam ko sa mga oras na iyon na nakatanaw din siya sa kalangitan. Ang dami dami pa namang bituin ngayon, alam kong hindi niya palalalampasin ito.

Pero mukha lang naman akong tanga sa paghihintay rito, naghihintay ng falling star. Mukhang tanga na naniniwala na kapag humiling ka room ay magkakatotoo.

Wala namang masama diba? Wala.

Masama bang hilingin ko na makasama ulit siya, na ibalik ko ang oras nung panahong binitiwan ko siya.

Masama bang umasa ako? Na isang araw babalik din siya at magiging masaya ulit kami, gaya ng dati.

Siguro nga, dahil wala naman kasiguraduhan ang mga iyon e. Wala na. Wala na siya sa akin at aminandong aminado ako na kasalanan kung bakit nangyari sa akin iyon.

"Sabi mo lagi dapat ngumiti, ito iismile naman ako o." Mapait akong napangiti habang inaalala yung lahat sa amin. Lalo na yung ngiti niya.

"Kaya ko naman magsmile e, pero iniwan mo pa rin ako."

Makakangiti rin kaya siya sa akin tulad ng dati kapag nakita ako. Ganun pa rin kaya? O baka naman kahit simpleng ngiti lang ay hindi niya maibibigay sa akin dahil namumuhi na siya sa akin ngayon.

"Pero kasalanan ko naman e, sinabihan kitang hindi kita mahal nun. Sinaktan kita." Mas lalo nang bumuhos yung luha ko at hinahayaan ko na lang ito. Ang sakit sakit kasi e, ang sakit sakit.

"Kung alam mo lang kung gaano kalabag sa loob kong sabihin iyon kung hindi lang dahil sa baliw mong kapatid. Ay hindi pala kapatid, wife to be mo na pala."

"Invited ka Eris." Ani ni Lauren at nilapag yung invitation sa may lamesa ko.

"Aasahan kita roon. Gusto kong saksihan mo kami roon." Nakangiti niyang sabi, pero alam kong peke iyon. Napatingin ako doon sa may picture nila roon sa may invitation.

Gusto kong punitin yung invitation at ibato sa babaeng iyon. Ako dapat yung nandyaan. Ako.

Nakayukom lang ang aking kamay.

Tumingin doon si Lauren.

"Nagngingit ka na pala sa galit." Hindi ko pa rin

"Well kasalanan mo yan."

Hindi na ako makapagtimpi at nasampal siya sa pisngi. Iyan nakaganti rin ako sa kanya, pero pakiramdam ko talo ako. Talo naman ako talaga, dahil nasa kanya na ang taong mahal ko.

Hindi talaga ako mananalo sa kanya.

Ngumisi lang siya sa akin at hindi man lang ininda ang sampal ko. Sadyang makapal talaga ang pagmumukha ng babaeng ito.

"Hindi mo ba pa rin tanggap akin na si Nikko ngayon." Lumapit siya sa akin bitbit ang nakakaloko niyang ngisi.

"Wala ka nang magagawa, kaya punta ka sa kasal namin ha." Agad na niya akong tinalikuran at umalis.

Yeah, you better get lost bitch!

Tama talaga siya kasalanan ko rin, pinili ko na pakawalan siya.

Ngayon may nagmamay-ari na sa kanya. Hanggang panaginip na lang talaga kami.

Hindi naman siguro masama kung ipagdasal kong hindi matuloy ang kasal nila. Yes I dont deserve Nikko, pero mas hindi niya deserve ang lalaking mahal ko.

Teka parang nasa harap ko siya ngayon, mukhang hallucinations na naman ito.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya, baka sakali lang. Titignan ko kung totoong nandyan siya. Sasabihin ko sa kanya lahat lahat. Baka sakali na pakinggan niya ako, baka balikan niya ako ulit at umurong na lang sa kasal nila ng baliw na babaeng iyon.

Ako na lang ang pakasalan niya. Ako na lang. Alam kong pwede pa. Naniniwala ako na may pag-asa kaming dalawa. I believe in second chance at wala akong sasayangin doon. I will make things right, Kailangan.

Lalapit sana ako pero unti-unti rin siyang lumalayo sa akin.

"Nikko?" Kahit alam kong lasing na lasing na ako alam kong siya iyon. Hindi ako maaring magkamali. Hindi ako nag-iilusyon.

Malapit na ako sa kanya ngunit tumalikod siya sa akin at lumakad palayo.

"Nikko!" Sigaw ko pa rin, pero hindu ko pa rin siya mapigilan.

"Nikko saglit! Huwag mo na naman akong iwan. Maha--" mas binilisan ko pa ang takbo, bakit kasi ang bilis bilis niya maglakad.

Huli na ang lahat nung maramdaman kong namali ako nang hakbang, hindi ko namalayan na may hagdan pala doon. Gumulong-gulong lang ako doon hanggang sa nawalan na ako ng malay.

.....

"Eris." Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Taylor, kasama rin niya si Anikka at Lukas pati na rin si Jessie.

"Paano ako nakarating dito." Bungad kong tanong.

Umiling lang sa akin si Taylor, pati na rin yung dalawa.

Siya siguro ang nagdala sa akin dito.

A smile escaped to my face.

He's there.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now