Chapter 19

1K 45 5
                                    

"Madalas na yata nagagawi yang retokado na iyan." Ani ni Michael na nakatanaw sa papaalis na  si Mark. Masamang-masama pa ang tingin niya sa papaalis na lalaki. Nang makalayo at agad siyang humarap sa akin at binigyan pa ako ng nakakaloko ng tingin.

"Huwag sabihin na." I rolled my eyes. Binibigyan na naman niya ng malisya ang mga bagay-bagay kahit hindi naman dapat.

"Sasabihin mo na naman na magkaibigan lang kayo? Erisha alam ko iyang mga galawan na yan." Pangkontra niya sa akin, halos di na ako makapagsalita dahil lagi niya akong nakokontra. Ang sarap niya talagang lagyan ng packaging tape sa bibig.

Sinamaan ko lang siya ng tingin

"Hindi pwede. Hindiiii!" Ani pa ni Michael at sa sobrang inis niya ay halos malamog na ang katawan ni Taylor sa payugyog nito.

"Tigilan mo ko." Buong lakas nang itinulak ni Taylor si Michael at halos masubsob na ito sa sahig, sa pagkakabagsak.

"Grabe ka naman girl, balak mo pa kong ipahalik sa lupa." Aniya at pinapagpag ang sarili bago tumayo.

"You moron, tiles yan, di lupa. Grabe ka ring makayugyog bakla. Si Mark na lang!"

"Ay oo nga, ang brainy mo talagang hilaw ka." Sagot ni Michael nang tuluyan na siyang nakatayo.

"Eh ikaw sunog?"pambabara ni Taylor.

"By the way Eris, ready ka na?" Nanlaki ang mata ni Taylor sa gulat.  Tumango lang ako, habang busy sa pagbabangayan ang dalawa ay ako na ang nag-ayos sa sarili ko. Alangan hintayin ko pa sila, baka mahuli pa ako sa photoshoot session, at sila pa itong kung mag-away ay parang mga pabebe girls, walang makakapigil.

"Omo, Erisha sabi ko sayo tawagin mo kami pag kailangan mo kami." I rolled ny eyes. Kanina ko pa nga sila tinatawag. Agad na bumaling si Michael kay Taylor.

"It's your fault hilaw ka! Nanunulak ka kasi."

Dali-dali na lang akong lumabas, masyado nang naririndi ang tainga ko sa bangayan nila. Mukhang hindi pa nila ako namalayan na nakalabas dahil patuloy pa rin sila sa bangayan nila.

Paglabas ko nang dressing room ay malakas akong napabuntong hininga.

Here we go again, makakaharap mo na naman siya. Just act professional Eris, just act na para bang walang nangyari sa inyo. You are doing your job kaya mo ito ginagawa. Para saan pa at matatapos rin naman ang project.

Ako na lang pala ang hinihintay nila doon. Agad akong nag-iwas ng tingin at lumapit kay direk sa gagawin namin in this session.

"Ok, closer pa, Mr. Sarmiento pull her closer to you. Isipin mo na sayo siya."

Nakatingin lang si Nikko sa akin, parang nanghihingi ni permiso

"Eris baka?"

"Kaya ko, ok?" Ako na mismo ang nagpwesto ng kamay niya sa baywang ko. Kailangan matapos ito agad, ayoko nang marami pang segway. Sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko maiwasan na maalala ulit yung sa kotse, takot na takot ako nun sa kanya, at sa bagay na iyon ay nagising ako, na hindi na talaga babalik ang Nikko na kilala ko noon. I hate the Nikko that I am facing right now, dahil ibang tao na ang kaharap ko ngayon.

Halos ko nang batuhin ng bato si direk, dahil halos mahalikan ko na si Nikko sa sobrang lapit naming dalawa.

Nakakapit ako sa leeg niya habang nakatingkad ako para mas mapalapit pa sa mukha niya. Pakiramdam ko ay sinasadya ang lahat ng nangyayari. Bakit gusto nitong sobrang magdikit kaming dalawa? We are modeling dresses, hindi sa isang sexy magazine.

Kasama ba ito sa script? Bakit di ko alam. Gusto kong magprotesta dito, pero tila di ko magawa. Tila may sariling isip ang katawan ko at hindi sangayon sa gusto ng utak ko. Tila para na naman ang nakaangkla sa kanya. Nagpapaubaya na naman ba ako? Nakakainis, ayoko ng ganitoz

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now