Chapter 13

1.5K 41 0
                                    

"Mahal mo ako?" Tila ba nayanig ang buong sistema ko sa sinabi niya.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Ah..Eh.. Oo naman Eris mahal kita bilang isang kaibigan. Kahit pa masungit ka sa akin noong una. Ikaw naman masyadong kung ano ano ang iniisip.

Nakatitig lamang ako sa kanya.Nararamdaman ko na parang may kakaiba sa kanya, kanina kung makatitig siya para akong isang mamahalin na bagay para sa kanya, then now ni di siya makatitig sa akin.

Seriously what is happening to him? I cant even read him. Nag-iba rin yung aura niya, parang hiyang hiya siya. tss..Sadya talaga na baliw itong tao na ito.

Saka ano ba itong sinasabi niya. Paano niya ako minahal? Hindi naman kami close at gaya ng sinabi ko kanina. We dont know each other.

Paano ka magmamahal ng isang tao kung di mo siya lubusan na kilala? Anong ang mamahalin mo sa kanya kung di mo siya kilala.

Napapansin ko lagi, kung nakaasta siya parang kilalang-kilala niya ako. I dont even remember if he got close to me in the past, ngayon lang.

"Eris."

Tumakbo ako sa kanya palayo. Hindi ko na kaya, hindi ko maunawaan.

Pati na rin ako nahawa na ng kabaliwan sa kanya.

Saka kung magmamahal lang muli ako ayoko sa kanya!

I still love Lukas! Kahit pa anong mangyari!

Ring! Ring!

Tinitiis ko na huwag siyang pagbuksan ng pinto.
Kinuntsaba ko ka rin si Taylor na sabihin na umalis ako. Pero isang araw ay nahuli niya akong pumapasok sa loob.

Ayoko muna na makita o makasama siya. Lagi na akong lumalabas ng bahay o kung nasa loob naman ako ay hindi ko binubuksan ng kurtina.

Sobra kasi akong naiilang sa kanya.

When he smile, that devlish smile always make me shiver sa tuwing naiisip ko iyon.

Those sparkling eyes of him na sobrang nakakapanghalinang titigan. I wish I could stare in those eyes forever, pero ayoko dahil kay Nikko naman ang mga matang iyon.

Napapahilot ako sa aking sentido sa tuwing naiisip ko iyon.

Noong isang araw, nasa mall ako bago ako lumabas sa isang boutique ay nakita ko siyang naglalakad doon, dali dali akong nagtago sa mga nakahilerang damit. Tapos yung kakain ako sa favorite kong resto, nakita ko siya doon na mag-isang kumakain, dali dali akong naglakad palayo bago pa niya ako makita.

Gusto ko siyang iwasan pero tila isa siyang kabute na pasulpot-sulpot na lang sa kung saan akong lugar na napupunta. Hirap na hirap na ako sa kakatago, kaya naisip ko na dito na lang sa apartment ko.

Kung haharapin ko naman siya, ewan ko kung kakayanin ko ang presence niya, makita ko lang siya ay kikilabutan na ako.

"Eris!" Malakas niyang kinakatok ang aking pinto.

"Please talk to me. Huwag mo akong iwasan."

Hindi ako kumikibo. Hindi ba obvious na ayoko siyang kausap, o kailangan ko na talagang ipamukha sa makapal niyang pagmumukha iyon.

Hindi na ako makatiis at nilabas na siya. Baka mabibingi na ako sa sobrang pagkarindi ng tainga ko sa tunog sa doorbell, ang malakas na pagkatok niya sa pinto ko na baka masira pa niya sa sobrang lakas, at yung pagsigaw niya. Sisikapin ko na maging normal, kahit sobra na ang pangigilabot at yung aking pagkailang.

Exclusively yoursМесто, где живут истории. Откройте их для себя