Special Chapter 3: Phytagorean Theorem

1.2K 31 0
                                    

Eris

12 years ago.

Kanina ko pa tinititigan yung math problem na ito.

Paano ko ba makukuha yung hypothenuse nitong triangle. May sinabing method yung teacher ko, kaso hindi ko naman na maalala kung anong tawag doon.

Basta! Nasisimula yun sa letter P.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makuha yung tamang sukat. Nagtry ako ng ibang methods pero hindi ko rin naman makuha. Buti nga yung isang problem e, natsambahan ko. Siyempre yung pinakamadali yung nasagutan ko.

Tinitigan ko muli yung problem set ko. Sabi nga nila kapag di mo masagot, titigan mo na lang. Kung sana sa pagtitig ko lang ay makukuha ko rin ang sagot ng mga ito.

"You better use Phytagorean theorem."

Yun tama! Phytagorean theorem ang tawag doon.

Hinarap ko yung pinanggalingan ng boses na iyon. Isang lalaking nakasalamin at nakabrace ang tumambad sa akin at mukhang ngayon ko lang siya nakita sa school namin.

"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya. Medyo nahihiya pa nga siya na ngumiti sa akin pabalik.

"G-gusto mo turuan kita." Gusto kong matawa dahil naiistammer siya, tapos namumula pa yung dalawa niyang pisngi. Halatang nahihiya siya sa akin.

"Sure." Nakangiti kong sabi. Hindi ko rin naman gets ang phytagorean theorem na yan. Isa rin sa kahinaan ko yung math, dito lang naman ako bumababa.

Nakatingin lang siya doon sa may bakanteng pwesto nang inuupuan ko. Nginitian ko lang siya ulit.

"Uy huwag ka nang mahiya pwede ka namang umupo. Di naman kita aanuhin diyan. Saka schoolmates tayo, di ka dapat mahiya sa akin." Sabi ko at ngiti lang ang naging sagot niya sa akin. Dahan dahan din siyang umupo sa tabi ko.

"Mas maganda ka pala pag malapitan." Narining kong bulong niya. Medyo malakas ang pagkakabulong niya kaya narinig ko.

"Anong sabi mo."

"Wala." Napatingin lang siya sa ibang direksyon. Gusto ko ulit na matawa sa kanya dahil namumula na naman siya.

Hindi ko na iyon tinanong pa, baka kasi mahiya pa lalo kaya hinayaan ko na lang.

Maya-maya ay humarap din siya sa akin, medyo nawala na yung pamumula niya. Agad naman niyang kinuha yung pad paper ko at yung ballpen.

"Ganito kasi iyan."

.................

"Salamat a." Sabi ko pakatapos kong ayusin ang mga gamit ko. Infairness ang galing niyang magturo dahil naintindihan ko yung phytagorean theorem na iyan. Kahit sa unang turo niya ay naiistammer na naman siya. Pero ok lang atleast nasanay na rin siya sa akin at natuto naman ako.

"Wala yun."

Tatanungin ko sana yung pangalan niya kaso biglang nagring yung bell namin, hudyat nang tapos na yung breaktime namin.

"Una na ako a." Nakangiti niyang sabi at umalis na rin siya.

Siguro cute siya kapag wala yung eyeglasses niya saka braces, saka konting ayos lang ng buhok niya. May itsura rin naman siya kung tititigan mo ng mabuti. Pero siyempre mas gwapo pa rin yun Lukas ko.

Teka bakit hindi ko tinanong yung pangalan niya. Hay nako nalilitang na naman ako.

Dali-dali ko siyang hinanap pero hindi ko naman na siya makita.

Sayang! Masaya rin siguro siyang kaibigan, at may tutor pa ako.

Di bale! Ok lang yan. Mahahanap ko rin siya. Kabisado ko naman na yung campus.

.............

Perfect ko yung assigment ko nun, at hindi ko man lang natanong ang pangalan nung taong dahilan kung bakit ako nakasagot ng maayos sa assigment ko.

Wala sa sarili na mapangiti. Makikita rin kita at kapag nagkita talaga kami, agad kong tatanungin ko kung anong pangalan niya.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now