Chapter 21

1.2K 37 1
                                    

Isang buwan na akong nagtatagal sa kanya, hindi ako makapaniwala na tatagal ako ng ganoon.

Sa totoo lang ayokong lumipat dahil ramdam ko na inaalagaan niya ako doon at mas gumagaan na ang loob ko sa kanya. Masaya pala siyang kasama kahit papaano.

Kaso isa naman na akong dakilang palamunin sa kanya, sobrang nakakahiya naman na sa kanya. Wala man lang akong itinutulong sa kanya, para bang responsibilidad niya ako.

Sabihin natin na barya lang sa kanya yung mga ginagastos niya sa akin. Maliit lang na bagay ang pagtira ko sa kanya. Pero nakakahiya, dahil hindi niya ako kaano-ano, kaibigan lang.

Pero kasi kapag lilipat ako papaalisin nila ako agad kahit na nakabayad na ko ng downpayment. Hindi kaya, ayaw nila akong tanggapin.

Gaya ngayon wala pa akong isang araw ay pinaalis ako ng apartment na uupahan ko. Paano daw kasi may nakatira na raw doon.

Sira naman pala sila, papaupahin ako tapos meron pala nakatira doon. Mas baliw pa ang mga iyon kay Nikko.

Bigo akong bumalik habang hila-hila ko yung maleta ko. Agad sumalubong sa akin ang nakangising mukha ni Nikko.

Wala naman akong ibang pupuntahan kundi siya, wala kasi si Taylor nag-out of town. Siya lang naman kasi ang pwede kong lapitan dahil siya lang naman ang kaibigan ko.

Liban siyempre sa lalaking nakangiti sa harapan ko.

"Yehey! Bumalik ka, akala ko wala na akong kasama na gagawa ng sandwich ko." Nakangiti niyang sabi. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

Konti na lang talaga ay may duda na ako na may kinalaman siya ayaw pagtanggap sa akin ngayon.

Kasi naman nakakafrustrate bakit kasi walang tumatanggap sa akin. Ang hirap kaya na lagi kang nirereject, pinapa-asa...

Dumeretso na lamang ako sa kusina, nanlaki ang mga mata ko dahil sa dami ng pagkain. May iced cream, pasta, buffallo wings at mga sandwiches.Anong meron ngayon?

"Happy birthday nga pala Eris."

Napahilot ako sa aking sentido, oo nga pala! Kainis naman sarili kong birthday nalimutan ko. Naging busy na rin kasi ako sa paghahanap ng matitirhan, and I'm not celebrating it anymore.

Nagulat ako nang nilagyan niya ako ng party hat.

"Para mas feel." Sabay kindat ng loko, tsk! Malakas na talaga ang tama nitong lalaking ito.

............

Pareho kaming nakasalampak sa may veranda habang nakatingin sa mga bituin, ito kasi yung isa sa mga bagay na napagkasunduan namin, ang hilig sa pag-stargazing.

Dati noong kami ni Lukas, inaaya ko siya noon, pero lagi niya akong tinatanggihan dahil boring daw.

Pero itong Nikko na ito, para siyang batang enjoy na enjoy habang pinagcoconnect pa niya ang mga bituin.

"Eris nakita mo ba iyon?" Aniya habang nilalantakan ko yung mga buffalo wings. Napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"May falling star. Sayang di mo nakita. Kain ka kasi ng kain." Tinaasan ko siya ng kilay.

"And so? Edi kumain ka rin!" Sabi ko sabay balik ng atensyon ko sa pagkain. Masarap kasi yung luto ng buffalo wing siya, napakaflavorful isama na rin yung malinamnam niyang gravy

Oo nga pala, hindi ko akalain na magaling siyang magluto. Kaya ayoko na tumagal dito, baka paglabas ko dito sa bahay na ito dambuhala na ko.

"Sayo na, ikabubusog mo pa yan."

"Ok" I just said. Hindi na rin niya ako pinansin at tumingin sa mga bituin.

Mas lalong sumilay ang ngiting sa kanyang mukha nang may lumabas na naman na falling star. Yumuko siya at bumubulong, pagkatapos ay humarap siya sa akin.

"Nagwish ka na ba."

"No." Hindi naman kasi totoo yun, na magkakatotoo ang wish mo kapag may falling star mo iyon hiniling. I am always trying it, but it didn't work.

"Bakit di ka nagwish?"

"Para ka talagang bata, naniniwala ka pa rin doon?"

"Wala naman kasing masama dun Eris." Sabay agaw niya sa akin ng mga buffalo wings.

"Umaasa ka lang." Sabay agaw ko uli sa kanya ng mga pakpak.

"Tsk! Bitter ka lang. Ito candy." Sabay abot niya nung mga candy sa akin at inagaw ng tuluyan yung mga buffalo wings.

Hindi ko siya pinansin at tumingin sa mga bituin.

"Kung may hihilingin ako, sana pwede ko ba ibalik yung oras, yung mga panahon na kami pa ni Lukas. Sana siya yung pinili ko, edi sana ako ngayon ang nasa pwesto ni Anikka."

Nakita ko siya na umiling-iling, tila napawi ang ngiti sa kanyang mukha.

"Pero kahit ihiling ko pa iyon sa lahat ng meteor na makikita ko,
hindi pa rin iyon mangyayari. They are destined to each other, dahil may spark sila, bagay na wala sa amin ni Lukas." pinunasan ko ang tumutulong luha."Ang gusto ko lang ay maging masaya, sawa na akong maging malungkot, ayoko na maging miserable."

"I realized na kahit hilingin mo pa ang isang bagay, if it is not destined to happen, kahit hilingan mo na lahat ng pwede mong hilingan, hindi pa rin mangyayari iyon." Dagdag ko pa.

Nakatingin lamang siya sa akin. Ang lambot ng expression niya, yung mga mata niya na puno ng simpatya.

Nag-iwas ako ng tingin, hindi ko kailangan ng simpatya niya dahil kung anuman ang nangyari sa akin, ay kagagawan ko rin naman.

"Alam mo ako, walang sawa humihiling, dahil wala naman mawawala sa akin kung hilingin ko rin mahalin din ako ng taong mahal ko. Pag nagkataon di ko siya pakakawalan, lagi ko siyang pasisiyahin at sisikapin na hindi siya saktan."

Napatingin ako sa kanya, tila napuno ng kuryosidad ang utak ko. Sino kaya ang tinutukoy niya? Maswerte ang kung sinomang babae ang naisin niya. Kahit baliw itong mokong na ito, alam ko kayang kaya niya pasiyahin, alagaan at higit sa lahat mahalin ang babaeng iyon.

Dahil ramdam na ramdam ko iyon sa kanya, damang dama ko na hindi niya ako pinapabayaan. Sisikapin niya na huwag akong maging malungkot.

In spite of some of his flaws, wala akong masabi sa kanya.

I wish na sana siya na lang ang minahal ko, kaso malas lang kasi ako.

"Ikaw, gusto ko na maging masaya ka, ayoko na makita ka na nagiging miserable.." Hinawakan niya ang mga kamay ko. Hindi ako makagalaw, sa gulat. Tila naestatwa na ako sa kinauupuan.

"Kung bibigyan mo lang sana ako ng pagkakataon."

Nakangiti siya sa akin at titig na titig sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya, pero hinawakan niya ang magkabila kong pisngi saka itinapat iyon sa kanya.

Ang kanyang mga mata na punong-puno ng emosyon.

Nakatingin lang siya sa akin na parang kinakabisado ang bawat detalye ng aking mukha. Gusto ko siyang itulak pero tila hindi ko maigalaw yung katawan ko.

"A-ano b-ba ang s-sinasabi mo." Ramdam na ramdam ko na ang pagkalabog ng aking puso.

Papalapit na papalapit na yung mukha namin sa isa't-isa hanggang sa magkadikit na ang aming mga ilong. Ramdam na ramdam ko yung hininga niya.

"I love you." Sabay dampi ng labi niya sa akin.

Ilang beses na niya akong nahalikan pero iba ang kabog ng puso ko. Kaya umiwas ako, hindi pwede. Ayokong natuluyan na ako sayo.

"Nikko, no. Lasing ka lang."

Tumalikod ako sa kanya habang sapo sapo ang aking dibdib. Bakit kasi ang lakas lakas ng tibok mo.. Bakit pag sa tuwing kasama ko siya, nagiging abnormal ka.

Ano ba ang nangyayari?

Ayoko.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now