Chapter 4

2.8K 67 4
                                    

Eris

This is an end.

Tapos na, makakapagpahinga na ako sa sakit na nararamdaman ko. Hinding hindi ko na mararamdaman ang sakit. Wala na ako sa realidad. Hindi na ako makakaranas ng anumang paghihirap.

Tapos na ang lahat para sa akin.

Nagmulat na lang ang aking mga mata sa isang napakaputing kwarto,

Teka, nasa langit na ba ako? Napakabilis naman.

Pero imposible! Imperyno dapat ang magiging bagsak ko, I killed myself! Saka dapat lang doon ang tulad ko, dahil isa akong masamang tao na tanging sarili lang ang iniisip. Masasanay naman ako sa lugar na iyon, dahil miserable rin naman ang buhay ko dito sa mundong ibabaw. Wala na akong dahilan para maging masaya, kaya wala ring pwedeng dahilan na mabuhay pa. My career is unstable, ni walang kumukuha sa akin. Si Lukas at ang pamilya ko? wala na silang lahat sa akin.

Maya-maya ay may narinig ako na boses

Napalingon ako sa may gilid kung saan pinangagalingan ng boses. Si San Pedro na ba iyon?

"The patient will be fine Mr. Sarmiento, she lost her consiousness because she didn't eat anything when she drank those wines."

"Ok thank you doc."

Bumaba ang tingin ko sa aking pupulsuhan at mayroon nakakonekta na swero doon. Wala talaga ako sa langit o sa impyerno. Nasa ospital lang pala ako. Kung anu-ano naman na ang aking naiisip.

I thought I already killed myself, hindi pa pala.Buhay na buhay pa pala ako. Totoo ba talaga na kapag masamang damo ay matagal mamatay.

Pero para saan pa at binuhay pa ako? Bakit hindi na lang ako nahulog sa may rooftop? Gusto niya pa ba iparamdam ang sakit sa akin hanggang sa mabaliw ako dahil doon, mas iparamdam na walang nagmamahal sa akin at habangbuhay na ako mag-isa.

Bakit?!

Ayoko na ngang mabuhay! Tapos nandito pa rin ako. Bakit di pa ako tinuluyan. Ayoko na nga!

Maya-maya ay humarap na yung nakatalikod na lalaki sa akin. Halos manlaki ang mata ko sa nakita.

That insane guy? Anong ginagawa niya dito? Paano naman siya napadpad dito. Siya ba ang nagdala sa akin?

Agad ko suiyang tinalikuran, dahil agad akong nairita sa presensya niya. Lalo na yung ngiti niya,Nakakainis! Parang nambubwisit lang. Anong gusto niyang iparating? na nanalo siya sa akin, dahil di natuloy ang pagpapakamatay ko?

"Eris." Aniya na ngiting ngiti pa. Pero teka, paano niya nalaman ang pangalan ko. I didn't say my name to him.

"Sorry napilitan akong tignan yung wallet mo, the doctor needs information about you for your records. Wala naman akong alam tungkol sayo." Napatango na lang ako. Kapag may nabawas lang sa wallet ko idedemanda ko siya. Pero mukha naman siyang mayaman para pagnakawan pa ako.

"So,gising ka na pala."

"Ay hindi tulog pa ako. Obvious na nga tinatanong mo pa! Tss." I said sarcastically. Agad kong pinikit ang aking mga mata, mas gugustuhin ko na lang na matulog, kaysa naman makausap ang lalaking iyon.

Hindi na nga ako namatay, nagpakita pa iyong lalaki na yun. Nakakainis!

Alam kong nagsasalita siya pero di ko pinapansin. Mas gugustuhin ko talaga matulog, kaysa naman kausapin siya. Maiinis pa ako lalo, sobra siyang nakakairita, ipapakita nanaman niya ang kabaliwan niya.

Saka sa pagtulog, hindi ako makakaramdam ng anumang sakit. Kahit papaano ay nakakapagpahinga ako sa pagkamiserable ko.

"You said it again
my heart's emotions
Every words seems like a shooting stars

Pero hindi ko pa rin magawa, dahil kay ingay ingay ng kasama ko ngayon. Ewan ko ba kung kumakanta ba siya talaga o tumutula. Tapos mali mali pa lyrics. Baliw talaga.

"And Iiiii I'm in love."

Hindi na ako nakapagpigil at bumangon na ako. Hindi talaga ako makakatulog sa ginagawa niya. Hindi ko hahayaan na pati ang kabilang kwarto ay bulabugin niya din. Gawd! Buti di nabasag ang eardrums ko sa kanya.

"Can you please keep quiet!" I said

"Sorry, akala ko nakatulog ka na." Sinamaan ko siya ng tingin

"Oo nakatulog na nga nabulabog mo lang. Just stop ok, baka umulan ng malakas dito." Sinabi ko na nakatulog ako kahit hindi, dahil gusto kong ipakita sa kanya na isa siyang malaking istorbo. Saka bakit niya pa ako binabantayan, were strangers. I expect him to leave, pagkatapos ng kanina.

"Ok, labas na lang ako bili lang ako ng pagkain natin." Aniya.

"Ok fine." Tapos ay tinalikuran ko na siya

Pagkaalis niya, pinilit kong matulog muli. I just want to sleep, hindi na rin ako masyadong nagtututulog noong mga nakaraang araw dahil sa labis na pag-iyak.

Maya maya ay may nakaramdam ako ng yapak. Baka yung baliw na Nikko na iyon.

Nikko nga ba ang pangalan niya?

Pero mali ako, isang nurse lang pala na nakatingin kung may laman pa yung dextrose ko.

Ipinikit ko lang muli ang aking mga mata para magmistulang tulog.

Agad akong magmulat ng mga mata pagkaalis na ng nurse. Napangiti ako ng makakita ako ng mga tableta ng mga gamot.

Luminga-linga ako sa paligid bago ko sunggaban yung mga gamot. Siguraduhin ko muna walang taong umaaligid.Ito na ang pagkakataon ko, at wala ng nakakapigil pa sa akin. Binasa ko yung lalagyan.

Ascorbic Acid

Tss.Nakakamatay ba ito?

I better try, baka sakaling mamatay ako sa overdose. Ayoko na talaga. Iam desperate to die.

"Eris!"

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at nawala na sa mga kamay ko ang mga tableta.

"Magpapakamatay ka na naman!" Galit na galit niyang sabi at itinapon ang mga gamot sa kung saan ns lang. Napatingin ako sa kanya, ang sama sama na ng tingin niya sa akin. Masyadong nakakakilabot, ibang-iba ang aura niya ngayon, hindi tulad kanina na ang saya-saya pa niya. Masyadong siyang galit.

"Pakialam mo ba sa akin? Bakit mo ba ako pinakikialaman!" Sigaw ko dahil sa sobra kong pagkainis sa kanya. Napigilan na naman niya ako. Bakit ba kasi ang bilis niyang sumulpot.

Masama pa rin ang titig niya sa akin, kaya ginantihan ko siya ng ganoong klaseng tingin at agad din kumalma ang kanyang chinitong mga mata.

Ano ba talaga ang problema niya? Bakit siya ganito? Bakit hindi na lang niya ako pabayaan. Hindi niya ako kilala at mas lalong di kami magkaano ano. Hindi niya ako responsibilidad!

"Because I lo--" Nahinto siya agad, tila parang mali ang kanyang sasabihin at kumalma ang kanyang mukha.

"Ano! Wala ka bang sasabihin na matino? Umalis ka na nga!" Itinaboy ko siya gamit ang aking mga braso, pero parang wala lang sa kanya at pagtulak ko, bagkus ay hinawakan lamang niya ang aking mga kamay.

"Pero Eris." Pagtututol niya, agad kong inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya.

"I want this pain to end. Ayoko na! Hindi mo kasi alam itong nararamdaman ko e. Wala kang alam! Kaya hayaan mo na lang ako. Pakiusap lang" Pinagdiinan ko ang salitang pakiusap. Ang kulit niya kasi, simula pa kanina sa rooftop ay pinapaalis ko na siya, pero hanggang ngayon at nandito pa rin siya sa harapan ko. Daig pa niya ang linta.

"Yeah, maybe I dont know everything. Just don't kill yourself because I'm willing to end the burden that you feel.

...........................

Sa new york po yung setting ng story nila. Hindi ba halata? Wahahaha

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now