Chapter 19

1.3K 39 3
                                    

Pupungas-pungas ang aking mga mata na makita kong nakangiti siyang nakaharap sa akin na may hawak na tray.

Hay nako nanaginip yata ako. Tsk! Agad akong bumalik sa pagkakatulog. Inaantok pa kasi ako.

"Eris, uy gising." Kinalabit niya ako.

Bumangon ako.

Nanlaki ang mga mata ko na nasa harapan ko talaga siya. Paano siya nakapasok sa loob ng pamamahay ko?

Tumingin-tingin ako sa paligid, napansin ko na iba yung itsura. My room is only composed of walls hindi puro glass.

Teka hindi naman na ito yung bahay ko a? Masyado itong maganda para maging bahay ko.

Ay ulyanin lang Eris, diba dito ka tutuloy sa kanya pansamantala. Agad akong napakamot ng ulo. Para naman akong may hang-over.

"Good morning."

Ngumiti lang siya sa akin at nilapag yung hawak niyang tray.

It was only bacon and eggs, at mukhang masarap.

"Pasensya na, hindi baked mac yung naiprepare ko, baka kasi nanawa ka na." Sabi niya habang napapa

"Bakit naman ako magsasawa dun, paborito ko yun."

"Oo nga hehe, ayaw mo ba nito, bacon and eggs."

"Hindi a!" Sabi ko at kaagad na kumuha ng isang pirasong bacon, bigla kasi akong nagutom sa aroma ng bacon.

"Lalabas tayo mamaya." Napatigil ako sa pagnguya dahil sa sinabi niya.

"Kakagaling mo pa lang sa ospital gagala ka na. Mas maganda magpahinga ka." Tama, hindi pa ganoon kagaling ang sugat niya, baka mamaya bigla itong bumuka, siya rin ang mahihirapan.

"Tsk! Kaya ko naman e!" Pagmamaktol niya. Tsk! Para siyang bata na inagawan ng candy.

"Saan naman tayo pupunta." Sabi ko habang nakataas ang aking kilay.

"Basta."

"Dapat Nikko magpahinga ka lang talaga."

"Eris, kaya ko naman na. Saka malapit lang naman yung pupuntahan natin. Huwag ka nang makulit." Aba! Ako pa itong makaulit a? Kapag may nangyari pang sa sugat niya, siya ang bahala sa sarili niya!

Masasalita sana ako pero inunahan niya ako.

"Katawan ko ito Eris, ako makakapagsabi kung kaya ko o hindi. Kakayanin ko dahil kasama kita."

Ok bahala ka talaga mamaya.

Tamango na lang ako, wala rin naman akong magagawa, siya pa rin ang masusunod. Mag-aaksaya lang ako ng boses.

Habang naglalakad, nakaakbay lang siya sa akin.

"Kaya mo pa ba?"

"Aba! Oo naman!" Yabang niya, kapag narinig ko lang siya na dumaing. Isusubsob ko ang pagmumukha niya sa simento.

Huminto kami sa place kung saan yung skating range ang makikita mong view. Mabuti at sa maganda lugar niya ako dinala. Kundi iiwan ko siya diyan.

Medyo magkakatuwaan kami doon sa may skating range, ang galing ng mga skater doon, paikot ikot sila, hindi kaya sila mahilo nito?

Ang galing talaga.

"What a perfect couple." Nanlaki ang mga mata ko, Agad akong tumingin sa pinagmulan ng boses.

Isang matandang pintor na nakangiti sa akin.

"You are wrong mister, we are just friends." Pagtutol ko, hindi naman talaga. Friends na friends kami,

"Nonono. You are. You two are so perfect. Would you mind if I can draw the both of you together." Mukhang sayang-saya pa siya sa amin. Tsk! Bakit ba kasi siya umakbay-akbay sa akin, napagkamalan na naman kamiz

"But."

"Sige na Eris." Bulong niya, nagulat ako na nasa tabi ko na siya at nakaakbay ako. Leche Nikko! Nakakarami ka na a? "Remembrance din yan."

Wala sa loob ko na napatango at pumwesto sa harap ni Mr. Painter.

Nakaakbay siya sa akin at ako ay simpleng ngumiti.

"Miss, would you mind to show your happiest smile."

Happiest smile? Paano ko naman gagawin iyon? Hindi ko nga matukoy kung lubusan ba akong masaya ngayon.

Pinilit ko na lang ngumiti sa abot ng makakaya ko, I even show my teeth.

"Here it is. Madamme" sabi niya habang inaabot yung canvas.

Napangiti ako ng makita ko yung painting. Ang ganda.

Ang ganda namin doon, parang ang saya-saya namin sa isa't isa, kita rin iyon sa mga aming mga mata doon. Sana nga kasing saya ako nitong nasa painting.

Paano niya nagawa iyon? Ang galing.

"No, it's free. You deserve it both. I hope you have a happy ending."

"Sure it is." Tapos ay kumindat pa ang baliw na iyon sa akin. Anong meron? Sinusumpong na naman. Tss..

"Thank you."

Nakangiti lang na kumaway sa amin yung matanda.

Naglakad pa kami nang naglakad hanggang sa papalapit kami sa skating range.

"Bakit naman tayo nandito ha? Papanoorin ba natin sila ng malapitan?"

"Nope, mag-a-ice skating tayo." Agad nanlaki ang mga maya ko. Never in my whole life na sinubukan pa iyon.

"Nikko!" Pagtutol ko.

"Kaya ko halika na." Wala akong nagawa kundi magpatianod sa kanya.

Nagbayad si Nikko sa may counter at kinuha yung mga sapatos namin. Siya pa nga mismo ang nagsuot ng mga iyon sa paa ko.

"Nikko pag yang sugat mo." Pagbabanta ko, he must rest right now, paano kung bumuka yung sugat niya? Baka imbes na gumaling siya lumala pa ang mokong.

"Ano naman? Kaya ko naman e. Lika na!" Muntik pa akong madulas sa pagkakahila niya, buti kaagad kong nakuha ang balanse ko.

"Sige na subukan mo, sasaluhin naman kita e." Pagpupumilit niya. Ang kulit! Sinabi ko na na ayoko e! Saka concern din naman ako sa kanya. We can do this in some other days, sadyang makulit siya na parang bata.
One more word and I'll slap him, kahit na may tinatanaw akong utang na loob sa kanya.

"Come." I was about to slap him, pero napigilan niya kaagad ang kamay ko.

"Ay! Ayoko talaga Nikko. Ayoko!" Sabi ko, wala akong magawa dahil binuhat niya akong pa-bride style.

Gusto kong dahil pinagtitinginan kami ng mga tao nito. I want to run away and hide dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko, pero hindi ko magawa dahil hawak niya ako. Sobrang higpit ng hawak niya na parang ayaw niya talaga akong pakawalan.

Binaba niya rin ako, nagtangka akong tumakas pero agad niya akong nahila. Sa lakas nang pagkakahila niya, muntik pa ng ako masubsob kung hindi pa niya ako nasalo.

"Kakulit! Huwag ka ngang matakot na mahulog, sasaluhin naman kita."

..............

Pasensya na po at natagalan ako exam week po kasi namin last week. Salamat

Exclusively yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon