Chapter 17

892 46 6
                                    

"Ok closer! Then ikaw sir hawakan niyo po yung waist ni Ms. Eris."
I rolled my eyes, wala naman akong magawa. Labag sa loob akong lumapit sa akin. Gusto kong magtatatadyak and sumigaw sa sobrang inis ko, kung alam ko din naman na magmumukha rin naman akong tanga sa gagawin ko.

"Erisha titigan mo daw yung mukha ni Mr. Sarmiento." Dagdag pa ni Michael. God knows how much I wanted to walk out in this place.

Dahan dahan akong humarap sa kanya, labag man sa loob ko pero kailangan, then I see there's a grin forming to his lips.

Now I have more reasons to walk away, alam ko ang ibig sabihin ng ngisi niyang iyon. Kung wala lang maraming mga matang nakamasid sa akin, kung wala lang sana akong responsibilidad dito. I need to do my job, napasubo na ko dahil kay Michael. This sucks! Ayoko na talaga, ayoko na. Bwisit talaga na Michael na iyon.

Kainin na sana talaga ako ng lupa ngayon. As in ngayon na!

Napasinghap ako dahil natauhan akong may nakahawak na sa bewang ko, hinapit na pala niya ako palapit sa kanya at halos magkalapit na ang mga mukha namin.

"Sabi nila, tingin sa akin." Aniya at inangat niya yung mukha ko, sa pamamagitan ng paghawak niya sa baba ko, kaya mas natitigan ko yung kanyang mukha.

Masama bang sabihin na mas lalo talaga siyang guma-gwapo ngayon.

Muli akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"Sabing tumingin ka sa akin." Napasinghap muli ako ng bigla niya muli akong hinapit palapit sa kanya. Halos magdikit na yung tungki ng aming mga ilong sa sobrang lapit.

All I could hear right know is my heartbeat. Dumadagundong na naman, sobrang lakas. Sana hindi niya marinig iyon, dahil siya lang naman ang nakakaepekto sa akin ng ganito. Not even Mark.

Hanggang sa napababa ang tingin ko sa kanyang mga labi.

"Good shot!"

Agad akong humiwalay sa kanya at tumingin sa direksyon nila Michael. Ngising-ngisi ang mga ito at  at nakathumbs-up pa.

"Ok break muna." Ani nung manager sa amin.

"Eris." Aniya, pero hindi ko siya pinansin at dali dali akong lumayo sa kanya, alam kong nakatingin siya sa akin at ayoko nang tumingin pa sa kanya pabalik.

Napailing na lang ako.

Agad kong isinara yung pinto ng dressing room at nanghihinang napaupo sa tapat nun habang ang kamay ko ay nasa aking dibdib.

My heart still pounding so fast, para itong nagwawala at gusto nang kumawala sa rib cage.

Sunod-sunod na akong napabuntong hininga pero malakas pa rin ang tibok nito.

Hindi ko talaga maikakaila na mahal ko siya, pero ayoko nang maramdaman pa niya iyon, dahil hindi na dapat. Alam kong ramdam na ramdam niya ito dahil sobrang magkalapit kaming dalawa.

"Erisha!" Natauhan na lang ako sa pagkatok ni Michael. Hindi ko alam kung papapasukin ko pa ba siya o hayaan na lang. Pero sa huli ay pinagbuksan ko siya ng pinto, dahil kukulitin pa rin niya ako.

"Erisha ang galing mo kanina, you are even better than Viktorya." Salubong niya sa akin paglabas ko ng dressing room. Blanko ko lang siyang tinignan.

Exclusively yoursKde žijí příběhy. Začni objevovat