Chapter 26

626 22 5
                                    

Pagkatok ko pa lang binuksan na kaagad ni Micha yung pinto. Nakahalukipkip pa siya sa aming dalawa habang nakataas ang plakada niyang kilay.

"Hatinggabi na, Akala na namin hindi mo na iuuwi yung Erisha namin, pero di bale ok lang naman." Ani ni Michael

"Michael!" Pag-awat ko sa kanya.

"O siya sige, hindi na po ako manggugulo ng moment." Lumapit siya sa akin at hinawakan ko sa balikat.

"Buksan mo na lang yung pinto pag tapos na kayo ha." Tumango na lang ako at pumasok na rin si Michael sa loob.

"Nikko, salamat ha. Nag-enjoy ako kanina, lalo na kay Hope."

"I had a great time too, thank you."

"Pero dapat kasi ako ang mapasalamat sayo." Ani ko, kanina masyang masaya ako, kasi pakiramdam ko pamilya ko na sila. Ang saya saya ko kasi pakiramdam ko kahit papaano

"Bakit?"

"Basta, salamat sa lahat lahat Nikko." Hindi niya pupwede na malaman yung anak niya. Ayokong sabihin sa kanya iyon, hindi ko alam kung kailan pa ko magkakaroon ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya.

Maya-maya hinawakan niya ang kamay ko. Nakatingin lang ako doon.

"Eris naman, para kang namamaalam na sa akin." Tumingin na ako sa kanya tapos umiling lang ako.

"Sige na, una na ko, baka kasi hinahanap na ako ni Hope."

Binitiwan ko na yung kamay niya. "Ingat kayong dalawa." I smiled at him."

Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad, pero bumalik din naman siya.

"Eris may nakalimutan lang ako,"

"Ano?"

Nanlaki ang mga mata ko ng hinalikan niya yung labi ko. Agad din siyang bumitaw, pero nakahawak pa rin siya sa baba ko.

"Nikko!"

He just winked.

"Sige na, pasok ka na baka maiuwi na talaga kita." Kung pwede lang talaga. Napangiti lang ako, saka tumango sa kaniya at lumapit na ko sa pinto.

"Maiingat kayo ha, dahan-dahan sa pagdrive."

"Yes love!" Pinihit ko na yung sendura ng pinto at unti-unti na rin akong tumalikod sa kanya. 

The last thing before I closed the door is his smiling face. Talagang nakatingin pa rin talaga siya hanggang sa pagpasok ko.

Pinatay na pala nila Micha yung ilaw, tanging lampshade na lang yung umiilaw sa loob. Siguro natulog na rin sila Michael. Talagang hinintay pa nila ako, di bale ililibre ko na lang sila

Bago ko pa mapihit yung doorknob agad na bumukas yung ilaw.

Nakaupo si Michael sa couch, habang nakahiga naman si Taylor sa tabi niya. Tulog na tulog.

"Magkwento ka!" Aniya at pinakitaan pa ako ng mapanuri niyang mga tingin.

"Michael--"

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now