Chapter 30

436 19 4
                                    

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang wala doon. Sinadya kong gumising ng maaga para di niya ako maabutan at kulitin pa. 

Kilala ko ang Nikko noon.  Alam kong gagawin niya uli yun.  Yung Nikko na kinaiinisan ko noon dahil sa sobrang kulit.

Pero mahal mo naman Erisha.

Oo,  hindi ko maipagkakaila ang bagay na iyon.  I sighed. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kailangan na siyang mawala sa landas ko.

"Hay nako,  silip pa more,  kulit naman kasi.  Hindi kasi pupunta dito yun.

Sinamaan ng tingin si Micha.
"Aba! Ang aga namang pabulaklak neto." Ani ni Michael at siya na ang umamoy sa mga tulips.

Agad kong binawi sa kanya iyon. Talagang hindi niya ako titigilan. Ang galing, siya ang gumawa ng kasunduan na ganito tapos siya rin ang hindi tutupad. Para saan pa at nagpaparamdam pa siya ng ganito. Ayoko na. Talagang aasarin niya talaga ako! Dapat dito sa bulaklak na'to sa basura.

"Uy teka, huwag mo namang itapon agad, ni hindi mo pa nababasa ang note diyan o." Aniya at kinuha niya yung note na nakadikit sa bulaklak.

Agad nakunot ang noo niya at nilukot ang note.

"Tama ka Erisha, tapon mo na nga. ang corny, kadiri!" Aniya at kinuha niya yung tulips sa akin at tinapon sa basurahan. Saka niya ako hinila papasok sa opisina.

"Suportado mo na ba ako dito?"

"Yea, ngayon lang." He grined

"Thank you Micha." I sarcastically said.

"You are very much welcome my dear bff." Aniya at sinara na niya yung pinto.

Nang makarating kaming dalawa sa office table ko,  napatingin ako sa may pintuan,  parang gusto kong balikan yung mga bulaklak. Kasi naman,  parang may mali ngayon sa kilos ni Micha,  bakit niya tinapon ang rose kung galing naman kay Nikko yun?  Kulang na lang halos pagtulakan na ko sa kanya.

Kinalabit ako ni Micha.

"Hindi na dapat balikan iyon, Erisha."

"Tama ka." Siguro nga.  Huwag ko siyang isipin pa, mas maraming bagay  ang dapat kong asikasuhin dahil mas marami na kaming mga transactions ngayon.

"Good" Aniya at tumutok na sa laptop niya.

Hindi na rin kami nagkakibuan.  Si Micha halos hindi na tumayo sa puwesto niya, I can see that she is making promotions sa social media.  Then ako naman ay gumagawa ng mga final drafts for another collections.  Also doon sa other proposals ng board.

Hanggang sa nagring yung phone ko na bumasag sa katahimikan naming dalawa. Agad na napatingin si Micha.

Agad kong sinagot nang makita ang pangalan ni Mark yung rumehistro sa phone.

"Hi! Eris kamusta?"

Dali-daling lumapit si Mark para makinig sa usapan namin. Agad ko namng nilayo yung phone sa kanya.

"I'm fine, you?"

"I'm good too. Sorry if wala ako noong mga nakaraang araw. By the way natanggap mo ba yung tulips diyan kanina."

Biglang nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay Micha.

Sinamaan ko siya ng tingin. She just showed her piece sign to me. Kaya pala, agad sumama ang timpla niya kanina. Ngayon naintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang inasta niya sa tulips.I should have read the note earlier. Natapon pa tuloy. Tuloy pato siya nadamay pa.

Pero dapat naisip ko rin kanina na maaring galing din sa kanya yun.  Hay..  Ito na naman,  masyado nang nakain ng sistema ko si Nikko.

"Eris,  still there?"

Exclusively yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon