Chapter 36

1.2K 34 7
                                    

Nagising na lang ako na wala pa rin siya sa tabi ko.

I expect na may sticky note na nakadikit sa may lampshade.

Nandoon lang yun sa kitchen nagluluto ng pagkain namin.

Pagpunta ko sa kitchen ay madilim iyon,

Walang lalaking nakapron na nagluluto doon.

Madilim lang ang kusina, pati na rin siguro yung buhay ko. Wala na siya.

Wala na at walang kasiguraduhan kung babalik pa siya.

Babalik nga ba talaga siya?

For how many times that I hurt his feelings, ako yung laging nananakit sa kanya. Tapos siya wala siyang ginawa kung hindi mahalin ako.

Tapos ito pa yung ginanto ko sa kanya, sinaktan ko pa siya.

Asa naman akong magpapakita siya sa akin ngayon. Baka nga ayaw na niya akong makita pa, pagkatapos ng nangyari.

Ilang araw na akong ganito, balik na ako sa normal, mag-isa na ulit. Yung hinihiling ko noon na mawala na siya sa buhay ko, para makapamuhay na ako ng normal.

Oo wala na siya, pinakawalan ko e. Kung babalik pa kami sa dati, siguro ay hindi na.

Kahit masakit para sa akin na. Basta't alam kong ligtas na siya, pati na rin si Anikka.

Kung hindi man niya ako mapapatawad, siguro ngayon pa lang ay simulan ko nang tanggapin iyon. Basta't alam kong nandyan pa rin siya, kahit namumuhi siya sa akin. Basta't buhay siya ay magiging kampante na ako.

Isa lang ang lugar kung saan alam kong makakasama ko siya.

Sa panaginip ko na lang.

Siguro doon na lang. Pero atleast kahit doon man lang nakakasama ko siya, kahit hindi totoo. Kahit imagination lang, basta kasama siya roon.

Because of my choices, I am missing him so bad, his kisses, his touch, his warm hugs. Napapikit ako. Wala. Na. Siya.

Inaalala ko na lang lahat. At ang sakit sakit kasi hanggang doon na lang ako.

Ang saklap saklap kasi hanggang doon na lang talaga kami. Maswerte na ako kung magkakaroon kami ng pagkakataon na dalawa.

Pero sana, sana swertihin nga ako.

Napatingin ako doon sa may wallpaper ng cellphone ko. Yung nakahalik siya sa forehead ko. Siguro hanggang dito na lang talaga kami.

Sobrang thankful ako sa kanya, dahil sa kanya ay pinaramdam niya sa akin kung paano maging masaya, kung paano magmahal, at kung paano ko mamahalin ang sarili ko.

I really have a lot of treasures to keep from him.

At hinding-hindi ko kakalimutan ang mga iyon. Kahit anong mangyari ay ayokong kalimutan.

Noong isang araw lang ang saya saya ko tapos nawala na naman ang lahat ng iyon dahil sa isang iglap.

Dahil sa mga decision ko. Pero this time alam ko, tama na itong gagawin ko. Kasi para rin naman sa amin ito.

Para sa kanya.

Ayoko lang naman na nahihirapan siya dahil lang sa akin. Ayoko rin na may madamay pang ibang tao.

Iyon lang naman ang magagawa ko, para sa kanila.

Pero....

Baka hindi ko kaya ng wala siya. Masyado ko na rin kasi sinanay yung sarili ko na nakakasama siya palagi,

Hindi ko kakayanin...

Kasi pakiramdam ko nababaliw na ako kapag wala siya sa akin. He is my life now at hinding hindi na ako pwedeng bumalik sa dati.

Hindi ko alam kung babalik pa ba ako sa dati.

I found my self getting up and choosing my best dress.

Itong regalo na lang niya sa akin.

Agad kong inayusan ang sarili, just light make-up then I'm done. Mas gusto niya kasi tung simple mas gusto niya kapag ganito ako.

Siguro hindi pa huli ang lahat sa amin, hindi dapat ako matakot. Dapat naging matapang ako para sa kanya.

Bakit ba kasi ako naduwag. Bakit? Parang gusto kong iuntog

It is just a threat at natakot ako, bakit hindi ko man lang naisip na maaring malampasan namin ang mga iyon. Alam ko kaya namin.

Agad akong pinapasok sa loob. Siguro ay baka busy yun ngayon kaya nagdala na rin ako ng makakain niya. Baka pansinin niya ako, baka pakinggan niya ako.

Teka bakit iba yung naka-upo roon sa may office niya? Mabuti na lang at yung secretary pa rin niya ang nandoon.

"Where's Nikko." Blankong tumingin sa akin yung secretary niya. Yung mga titig niya na parang wala akong alam sa pangyayari.

Nagimbal ako roon sa may sinabi ng secretary niya.

"Sir Nikko already resigned yesterday." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Totoo ba?

"Are you sure." Ayokong maniwala pero nasa harap ko na yung proof na wala na siya dito.

Ipinakita sa akin nung secretary niya yung resignation letter niya. Pirmado pa nga niya iyon.

Hindi totoo ito. Hindi.

Gusto kong punitin yung resignation letter na iyon, dahil ayokong paniwalaan iyon. Pero wala namang mangyayari kung punitin ko man iyon. Wala.

"Where is he now." Tanong ko. Kung nasa bahay niya siya, pupuntahan ko. Wala akong pakialam kung nandoon yung Lauren na iyon. Baka masampal ko ang pagmumukha ng baliw na babaeng iyon.

Pero mas lalo akong nagimbal sa sagot niya.

"He's going back to the Philippines. And I think his flight will be right now." Walang sabi sabi ay tumakbo na ako palabas, ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa secretary niya. Pero hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ay dapat maabutan ko siya doon.

Totoo man o hindi, hahabulin ko siya.

Kailangan ko siya pigilan. Ayoko. Hindi ko pala kayang mawala siya sa akin. Akala ko kakayanin ko at yung mga banta ni Lauren sa amin. Haharapin ko, basta nandito siya sa tabi ko. Alam kong kaya naming lampasan iyon.

Nanlumo ako ng makita na nakaalis na yung flight sa Pilipinas.

Hindi totoo ito. Hindi. Nandito pa siya. Nangako siya sa akin noon na hinding-hindi siya mawawal sa akin. Ipapaliwanag ko naman sa kanya lahat, alam kong maiintindihan niya ako.

Panaginip lang ang lahat ng ito. Gigising ako mamaya nasa tabi ko.

Sana nga panaginip na lang at hindi totoo ang lahat ng ito.

Maghihintay ako. Siguro babalik yun, baka nga hindi na siya sumakay ng eroplano babalik siya. Hindi niya ko iiwan.

Mahal niya ako, gagawin ko ang lahat para tanggapin niya uli ako. Willing akong gawan siya ng sangkaterbang sandwich o kahit sangdosenang anak.

Willing akong lumuhod sa harap niya.

Para tanggapin niya ako ulit sa buhay niya.

Handa na akong maging matapang para sa kanya...

Babawiin ko ang sinabi ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Nikko, hindi ko kaya na mawala siya.

Ilang oras na ang wala pa rin lumipas, wala pa rin siya. Kahit anino man lang niya wala.

Wala kong pakialam kung magmukha akong tanga sa pag-iyak ko, kung pagtinginan man ako ng nga taong nakapaligid sa akin ngayon. Sabihan na nila akong baliw, wala akong pakialam.

Ikababaliw ko na yata yung nangyayari sa akin ngayon. Kung

Siguro nga iniwan na niya ako.

Iniwan na niya talaga ako.

I lost him.

At kasalanan ko ito..

...............

Next chapter will be the epilogue

Exclusively yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon