Chapter 2

1.1K 30 3
                                    

Lagi niya akong sinasabihan ng baliw

Baliw na baliw naman ako sa kanya e.

Lagi na lang niya akong pinagtatabuyan palayo sa kanya. She wanted to be alone.

Ayoko naman na hayaan siyang mag-isa, gusto ko kasama niya akong haharapin lahat. Willing naman ako tulungan siya e, pero sadyang ayaw niya talaga.

Minsan gusto ko nang sumuko, parang hindi ko pala kayang ibalik yung dating Eris, hindi rin yata ako welcome sa buhay niya.

Gustong gusto ko na talagang sumuko, hindi pala madali itong gagawin ko.

"Eris has her soft side to, I knew it. It takes time to see it, just don't give up on her because I know that she is just upset because of that man." Hindi ko pa rin kinikibo si Taylor, yung kaibigan ni Eris. Sakto kasing nakita niya akong nakaupo sa tapat ng pintuan ni Eris.

"Just promise me, you'll take the old Eris back ok?"

"I promise."

"Very well then!" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Thanks to her, she gave me a little hope. I guess I should try again. After all these years kinaya kong hintayin siya, sigurado ay kakayanin ko rin ito.

Nagulat ako sa sinabi ni Taylor na isasama nila ako sa lakad nila, I really dont expect that, nakisakay na lang ako, baka sakali lang.

Alam kong ayaw niya ako isama kila Taylor, pero mabuti napilit siya. I guess I need to try again, wala naman kasing mawawala, nagbabakasakali lang naman ako.

Itong pagkakataon na binigay sa sakin, hinding-hindi ko itong sasayangin. I'll make Eris mine, alam kong mangyayari iyon.

Ang saya-saya ko nun na katabi ko siya. Iritang irita pa nga siya sa akin noon, pero ayos lang atleast kasama ko siya. Ayaw pa nga niya akong katabi, kaya natulog siya noon sa couch.

Nakatingin ako sa kanya noon habang natutulog. I smiled because she looks peacefully, lagi kasi siyang malungkot, akala mo pasan niya ang mundo.

Tsk. Nandito naman kasi ako,

Dali-dali akong umalis ng ginalaw niya yung ulo niya, baka mainis pa iyon sa akin kapag ako ang nadatnan niya pagising niya.

Pagbalik ko sa living room wala na siya. Agad ko naman siyang sinundan doon.

Handa naman akong saluhin siya noon pa man.

Noong gabi na nawala siya dali dali ko siyang hinanap.

Ayokong mag-isa siya doon, alam kong nalulungkot siya.

Agad ko siya nakita doon sa isang maliit na silong yakap-yakap yung sarili niya. Malayong-malayo sa tipikal na Eris na nakikita ako. Para siyang batang iyak ng iyak dahil naliligaw siya. Parang ako yung nasasaktan sa sitwasyon niya, pakiramdam ko pinabayaan ko siya kaya siya nagkaganito.

Biglang nagliwanag yung mukha niya at niyakap ako. Hagulgol siya ng hagulgol doon. Siguro ay sobra talaga siyang natatakot.

Kaya, gusto kong iparamdam sa kanya na walang masamang mangyayari sa kanya. Niyakap ko rin siya noon, yung pinakamahigpit na kaya ko.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog lang siya sa mga bisig ko.

Huwag kang mag-alala Eris, nandito na ako, hindi ka na mag-iisa pa.

Kinabukasan iniwan ko muna saglit si Eris para maghanap ng makakain, sigurado nagugutom na iyon. Binilisan ko na rin dahil baka matakot na naman iyon. Kailangan nandoon ako kaagad.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now