Chapter 31

1.2K 36 1
                                    

"Mas gumanda na ng mga sketch mo Eris a." Aniya habang sinisipat sipat yung sketchpad na bigay niya sa akin.

Ito kasi yung pinagkakaabalahan ko habang wala si Nikko. Isang linggo dapat siya mawawala dahil meron daw silang conference sa Singapore, pero pangatlong araw pa lang ay bumalik na siya kaagad.

Aminado ako na namiss ko siya. Noong unang araw ng pag-alis niya hindi ako nun nakatulog sa gabi. Hindi na yata ako sanay ng walang katabi.

Pero dapat ay mayroon kaming mga bagay na dapat unahin at pagtuunan ng pansin. Hindi namin pinababayaan yung isa't isa at dapat hindi rin namin pabayaan yung mga nasa paligid namin.

"Ang dami ng kulay o. Mas masaya na siyang tignan."

"Siyempre naman, masaya na nung gumagawa." Sabi ko.

"At dahil sa iyo iyon Nikko." Inspired na inspired kasi ako

Nakaappreciate na rin ako ng mga ibang kulay, lalo na yung mga iba't ibang variations ng yellow. I also like the colors of blue and red. Tama siya maganda rin kung dadagdagan ko rin siya ng mga ibang kulay.

"Mag-aapply ka Eris?" Aniya nung makita niya yung curriculum vitae ko sa lamesa. Katabi rin kasi nito yung sketchpad.

"Oo naman, It's time para naman na suportahan ko naman sa sarili ko, and I miss to be an fashion designer Niks."

"But I can provide you your own boutique kaya rin kita--" I put my index finger on his lip.

"Ayoko isipin ng mama mo saka ng kapatid mo na pineperahan kita. Gusto ko lahat ng makukuha ko ay pinaghirapan ko. Ayoko rin naman masumbat nila pati iyon sa akin." I still can't forget kung paano nila ako sabihan ng goldigger noon. Yung mga titig nila na may halong pagduda at iniisipan na huhuthutan ko lang si Nikko ng pera.

Yes, I am a bitch but not a golddigger.

"Eris, i know you dont need to prove yourself to them. Hindi pa ba sapat na ako at ng mga kaibigan mo ay naniniwala sa'yo." May punto siya roon. Pero kahit na gusto ko pa rin na patunayan sa Mama niya at sa kapatid niya, hindi lang sa kanila, kundi sa kung sinoman diyan, na I am worthy for him.

Kahit iyon lang.

Ayoko kasi yung maririnig ko sa iba na hindi sila bagay dahil ganito.. ganito.. Napakarami nilang idadahilan. Maybe those people are insecure. Dapat nga ay isawalang bahala ko yung mga ganoon.

But still I want to prove myself that I am worthy.

"Kahit na Nikko, mag-aapply pa rin ako. We still have our own lives." Napayuko si Nikko sa sinabi ko.

"Oo kanya-kanya pa rin talaga tayo no." Inangat ni Nikko yung tingin sa akin. Kita ko sa nga mata niya yung lungkot. It is not that. Ayoko lang naman na masyadong umikot yung mundo niya sa akin.

"I love you ok." Sabi ko at hinawakan yung kanang kamay niya. Ito lang yung magagawa ko para maalis yung lungkot sa kanya.

"I love you too Eris." Aniya pa at ninakawan pa ako ng halik.

"Pampaswerte yan." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ito yung isa sa gusto ko kay Nikko. Hindi siya tampururot, hindi rin siya marunong magalit. Kaunting lambing lang, Ok na ulit siya.

........

Kinakabahan ako sa mga tingin nila doon sa may sketchpad ko. Hindi ko malaman kung nagustuhan ba nila yung sketch ko o hindi.

Sana naman ay magustuhan nila. I want to be back on my job as a fashion designer.

Mapait na ngumiti sa akin yung HR at ibinalik sa akin yung sketchpad.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now