Chapter 31.2

1K 31 8
                                    

Lauren

I can't forget she looks like, siyang kaawa-awa kanina. Ayon sa kwento ni Kuya sa akin, matapang daw si Eris. Nasaan yung tapang niya kanina? Ni hindi man lang lumaban, at hindi rin naman siya makakalaban sa akin, dahil ipapagulpi ko siya sa mga alipores ko.

Hindi lang dapat iyon ang gagawin ko sa kanya e. Dapat niya papatay ko na lang siya, para mas madali na lang lahat.

Pero Mas maganda, uunti-untiin ko siya. Hanggang siya na mismo ang magsusuko kay Kuya.

Gaya ng ginawa ko kanina. Nag-invest ako doon sa clothing line na pinag-applyan ni Eris. Of course ang kapalit nun, hindi nila tatanggapin yung babaeng iyon.

Nanghihinayang daw sila sa babaeng iyon dahil maganda siyang gumawa ng mga damit. Huh? Kapapangit nga ng mga gawa niya! Kaya nga pinunit ko yung sketchpad niya na alam kong bigay ni Kuya sa kanya.

Saka dapat lang na sa akin sila manghinayang dahil mag-iinvest ako sa kanila.

Ibabalik ko yung dating siya. Yung patapon. Iyon naman yung bagay sa kanya.

Saan siya nababagay? Doon sa basurahan!

Hinawakan ko yung picture nilang dalawa. Palihim ko itong kinuha sa album ni Kuya. Gustong gusto ko ngang sirain iyon, dahil naiirita ako sa pagmumukha ng haliparot na iyon.

Papalitan ko naman e, mga pictures ko. Sigurado ako na magugustuhan din niya iyon, dahil hindi hamak naman na mas maganda ako sa kanya.

Naiinis ako pagmasdan iyon, masayang masaya sila dito o. Samantala ako, ni hindi man lang isipin ni Kuya kung paano ako mapapasaya. Wala na nga siyang pakialam sa akin dahil sa Eris na iyan.

Pero titila rin niyang kasiyahan nilang dalawa. Nandito na ako, at gagawin ko ang lahat para maagaw si Kuya sa kanya. Katulad ng pang-aagaw niya sa akin.

Sa sobrang inis ko ay pinunit ko yung picture nila. Dikit na dikit pa naman sila sa picture, pero naghiwalay din naman sila dun.

Iyon ang mangyayari sa kanila, kapag naisagawa ko na yung mga plano ko. Kaya kaunting tiis lang, mapapasaakin na si Kuya.

Kinuha ko yung picture ni Kuya at tinitigan iyon. Ang gwapo gwapo naman ng mahal ko. Napadako yung isa kong daliri sa labi niya.

Mahahalikan ko rin iyan at buburahin ang anumang bakas ni Eris diyan.

I am sure mas magaling ako kay Eris.

"Ako na lang kasi dapat kuya. Ako na lang. Wala naman siyang pakialam sayo noon e."

" Ako mamahalin kita kahit ano ka pa, kahit hindi ka pa ganoon kaastig nun, kahit nerd ka pa noon. Mahal na kita.

Napalingon ako roon sa may picture ni Eris.

"Iyang babaeng yan, kung kailan naging mayaman ka, kung kailan nag-aayos ka na. Saka ka lang napansin!"

"Ako itong nasa tabi mo lagi, pero di mo ko nakikita." Hinipitan ko yung hawak ko sa pocket knife ko.

"Dahil yang babaeng iyan ang lagi mong naiisip!" Namalayan ko na lang na pinagsasasaksak ko yung picture ni Eris.

Tuwang-tuwa ako sa pagsaksak sa mukha ni Eris. Siyang-siya ako habang tinatadtad nang saksak iyon. Gigil na gigil ako sirain iyon.

Pangigigilan ko rin na sirain ka Eris. Sisirain kita ng tulyan, hanggang sa makuha ko si Nikko sa iyo. I am sure kapag sirang-sira ka na, yung sobrang pariwara ka na. Hindi ka na gugustuhin pa ni Kuya.

Iyan ang dapat sa'yong mang-aagaw ka!

Nilukot ko yung larawang iyon at tinapon sa kung saan lang. Patapon siya e.

Nagsisimula pa lang ako Eris. Sisimulan ko ang pagdurusa mo.

Aagawin ko sayo ang dapat na sa akin.

Si Kuya Nikko.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now