Chapter 15

1.4K 38 4
                                    

Sabi nila kapag nanghingi ka ng "sign"mapapadali ang lahat sa'yo dahil sa kanya iyon mismo galing at buong puso niya na ipinagkaloob ito.

Pero...

Bakit sa dinami dami na pwedeng maging sign, bakit siya pa.

Pwede naman yung nasa likod niya, o di kaya yung puno.

Bakit siya pa?

Na isa rin sa napapaalala sa akin kay Lukas. How he moves, especially his eyes, napakarami nilang similarities.

Sa tuwing nakikita ko siya, lagi ko na lang naiisip si Lukas. Kaya sobra sobra ang pagkainis ko sa kanya

Sinadya ba talaga na pagbukas ko ng aking mata ay siya ang una kong makikita?

And I saw it.

His smiling face.

Paano na ito?

Bakit kasi siya pa? Nakakainis naman e!

I woke up with a cold towel on the top of my head. Babangon sana ako pero may pumigil sa akin.

"Magpahinga ka lang. Kitang may lagnat ka." Aniya at inihiga uli ko.

Nakatingin lang siya sa akin at hinihimas yung buhok ko. Tila ba hindi ako mapagalagay, kinikilabutan ako. Gusto kong umiwas, pero tila walang ginawa yung katawan ko, mukhang humiwalay na yata sa akin yung utak ko.

He's taking care of me. Parang siya talaga. Ganitong ganito rin ang ginagawa niya sa akin kapag may sakit ako.

Paano ako makakalimot kung lagi ko naman naalala si Lukas sa kanya.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, para makatakas ako kahit papaano sa sitwasyon kong ito.

"Eris."

"Bakit ka pa nandito, kaya ko na naman ang sarili ko." Pag-iwas ko. Ayoko siya dito, naalala ko lang si Lukas. Mas mabuti pang wala siya.

"No you cant."

"Kaya ko." Matigas kong sabi sabay bangon.. Pero bumalik din ako sa pagkakahiga.

"Sabi sa'yo e, you can't kaya sige na." Pinilit ko na bumangon, sino ba siya? Hindi ko siya susundin.

"Rest." Tsk. Yan na naman yung titig niyang nakakakilabot.

Napairap lang ako sa kanya at bumalik sa pagkakahiga. Agad akong tumalikod sa kanya dahil ayokong makita ang kanyang pagmumukha.

Pero ramdam na ramdam ko naman na parang nakatitig siya sa akin. Haharapin ko ba?

Tss! Mas maganda na ipikit na lang ang aking mga mata.

Pero nakakainis lang at di ako dinadalaw ng antok.

Bwisit!

Idinilat ko ang aking mga mata, laking gulat ko na makita ko ang nakangiti niyang mukha.

"Since gising ka na rin naman na."

"So?"

"Just let me take care of you ok."

"Kaya ko an--"

"Isang salita, hahalikan kita diyan." Nanlaki ang mga mata ko.

"Sinong ti--" he gave me a smack kiss. Agad akong nakaramdam ng bolta-boltaheng kuryente, na tila mas gumising sa pagkatao ko.

Dammit! Di ko dapat maramdaman iyon.

"Ano? Kaya kumain ka na lang." Aniya at sinusubuan ako ng soup.

"Paa--" bigla akong napatikom ng bibig. Baka gawin na naman niya uli iyon. Ayoko na nakakadalawa na siya. Aba! Abusado na siya!

"I'll be fine here, babantayan kita."

Tamad ko siyang tinignan. Tss. Di ka anghel de la gwardiya. Hindi mo bagay.

Hindi ko natiis at nagsalita na ako. Kung tangkain man niya makakatikim siya sa akin ng malutong na sampal. Magkabilaang pisngi pa!

"Bakit mo ba kasi talaga ginagawa ang mga ito. You dont need to do this, hindi mo ako pananagutan."

"Kasi nga mahal kita diba."

"Mahal bilang kai--"

"Hindi Eris." Lumapit siya sa akin.

"Higit pa roon.." He looked at me like I was his most precious one. Pero agad siyang natauhan.

"Nadulas na naman ako." Narinig kong bulong niya.

Gusto kong makapagsalita, gusto kong sabihin na sinusumpong na naman ang kabaliwan niya, pero para bang walang boses na lumalabas sa akin.

Umayos siya.

"Gusto kong alagaan ka, kasi hindi ko kakayanin kung anuman ang mangyari sayo." Hinagod niya ang aking buhok. " Kasi mahal na mahal kita."

Napabuntong hininga siya.

"Tutal nandito na rin naman na tayo."

Hinarap niya muli ako mata sa mata.

"Eris would you give me chance, to love you." Hinawakan niya ang isa kong kamay. "Kay tagal ko nang gustong ipakita sa iyo, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Now I want to show you everything. Gusto kong makita mo kung paano magmahal si Nikko Sarmiento."

Doon ay tila nadigest ko na ang kanyang sinasabi.

Totoo ba ang lahat ng ito? Nangyayari ba ito? Bakit sa akin pa?

Do I deserved to be loved again?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero ang lakas lakas na ng tibok ng puso ko.

Noong isang araw nagdasal ako na sana kayanin ko na kalimutan si Lukas para magkaroon ako ng sariling buhay. Nanghingi ako kay Lord ng sign at naniniwala ako na ang "sign" na iyon na malaking tulong sa akin, malaki ang tiwala ko sa kanya kaya kampanteng-kampante ako kung anoman ang makita ko pagmulat ng aking mga mata. Bilang isang maswerte na nilalang, siya ang binigay sa akin.

Iniisip ko tutulungan niya ba ako? Eh iniinis lang niya ako e! Sinisira lang niya ang araw ko.

Pero ngayon hindi, he is asking me a chance. Hindi ko alam ang gagawin ko Oo alam ko na ito na ang pagkakataon ko, dahil ito ang unang hakbang para sa pagbabago pero handa na ba ako?

Handa na ba ako na buksan ang puso ko sa kanya.

"Ano na?"

"I dont know."

Oo hindi ko alam.

Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan siya ng chance. Kasi masyadong mabilis ang lahat para sa akin. I just want to make this slow first. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Pakiramdam ko ang bobo ko, hindi ko talaga alam! Walang masabi ang utak ko kung ano ang dapat gawin, dapat sabihin.

Kundi hindi ko alam.

I just found him walking away.

Gusto ko kasi pagsumagot ako, sigurado ako. Ayoko siya bigyan ng pag-aalinlangan. Yung papayag ako, tapos hindi ko naman kaya.

Masasaktan ko lang siya.

When that day comes that I will give him the chance to officially enter my life. Gusto ko handa na ako, siguro nga yon hindi pa, dahil nag-aalangan pa ako. Sadyang trip pa yata ng puso ko na araw-araw mag-throwback sa mga alaala ko kay Lukas.

Bakit ba kasi napakabobo ng puso?

Kung bibigyan ko siya ng papagkataon. I will give him first my assurance, yung sigurado ako na kaya kong panindigan.

Pero sa ngayon hindi ko pa alam.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now