Special Chapter 1

1.5K 35 5
                                    


Starting this day na pala. Hahaha. Natapos ko kasi kaagad. 😂😂😂

..........................

Naramdaman ko na lang na nakatali ang mga kamay ko at nakapiring ang mga mata ko.

Wala akong alam kung nasaan ako. Wala din akong alam kung paano ako nakarating rito.

Marahas nilang tinanggal yung piring sa aking mga mata. Gusto kong sumugaw, baka sakaling may makarinig sa akin at tulungan ako rito, pero nakabusal naman yung bibig ko.

Nakakatakot ako dahil sila rin yung nakapalibot kay Nikko noon.

Natatakot ako dahil baka kung ano rin ang gawin nila sa akin, sasaktan din ba nila ako.

Natatakot din ako dahil mag-isa lang ako at walang kakampi.

Wala man akong magawa para man lang ipagtanggol ang sarili ko, at para makaalis man lang dito.

Pero kahit ganito na ang sitwasyon ko, kailangan kong maging matapang. Hindi dapat ako matakot. Maging matapang dapat ako.

Isang malutong na sampal ang sinalubong niya sa akin.

"You goldigger bitch! Kailan mo ba titigilan si Nikko." Tumingala lang ako sa kanya. Walang iba kundi si Lauren.

"Hindi ko gagawin ang gusto mo Lauren hindi ko pakakawalan si Nikko!" Kung sinigawan niya ako sisigawan ko rin siya. Gusto ko nga rin siyang sampalin, kung hindi lang ako nakagapos dito.

Bakit hindi niya ako pakawalan rito. Hindi siya marunong lumaban ng patas. Let me fight! Nang magkasubukan kami.

Magkabilaang sampal na naman ang natanggap.

Bwisit! Kapag ako nakawala rito. Makakatikim siya sa akin, kahit na kapatid pa siya ni Nikko.

"Bakit hindi pa ba sapat ang nahuthot mo na pera sa kanya? Come on Eris, magkano pa ba ang kailangan mo. Ibibigay ko sayo." Sinamaan ko siya ng tingin, kahit kailan hindi pera ang gusto ko kay Nikko. Minahal ko siya. Kahit na ba patunayan ko iyon ay hindi naman nila nakikita.

Hindi ko rin naman kailangang patunayan ang sarili mo sa mga taong nagbubulag-bulagan.

"Di ko kailangan ng pera mo Lauren at Minahal ko si Nikko hindi lang yung pera niya." Nakita ko sa mga mata niya na nagngingitngit na siya sa galit.

You deserve that bitch!

Alam kong matatalo niya ako physically, pero emotionally no. Hindi na ko papatalo sa kanya.

"Mahal ko si Nikko at hindi mo kami magpaghihiwalay!"

"Akin lang si Nikko. Akin lang! Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!" Tila para siyang bulkan na sumabog kung makasigaw. Mukhang galit na galit na siya. Napangisi ako roon. Pangit na nga siya, mas pumapangit pa siya lalo.

Pero teka, anong ibig sabihin niya sa sinasabi niya? Magkapatid sila, hindi ko lubos na maunawaan ang mga sinasabi niya. Naguguluhan ako sa kanya.

"Hindi ko bibitawan si Nikko dahil sa kagustuhan mo lang. Kahit saktan mo ako ng paulit ulit. Hinding hindi ko siya bibitawan."

Yumuko siya malapit sa akin, dinuraan ko naman kaagad yung mukha niya. Nakakadiri siya! Paano niyang nagawa magkagusto sa kapatid niya. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Kaya pala laging kumukulo ang dugo niya sa akin.

Pinunasan niya yung dura sa mukha niya. Buti nga doon tumama. Bagay sa kanya, dahil nakakadiri siya, pati na yung bulok niyang pag-uugali.

"Akin lang siya Eris. Akin lang siya! Walang ibang pwedeng mag may-ari sa kanya kundi ako."

"Hindi siya mapapasayo dahil nasa akin lang siya at walang iyo."

Dahil dito ay mas binigyan niya ako ng dahilan para huwag bitawan si Nikko. Hindi ako makakapayag na sa kanya din pala siya babagsak. Hindi.

"Matigas ka a." Tumingin lang siya sa akin, pagkatapos niya akong sampalin.

Sinamaan ko siya lalo ng tingin, lalo ko pang tapangan ang sarili, kailangan kong maging matatag. Ito na lang kasi ang maipanlalaban ko sa kanya kahit na nakagapos ako rito.

"Hindi mo kami mapaghihiwalay Lauren. Hinding hindi!" Sigaw ko sa kanya. Oo kailangan, para ipamukha sa kanya na hindi sila pwede ni Nikko at akin lang siya kahit kailan.

Hindi sa kanya.

"Ok sige, idadamay ko na lang pati yung kaibigan mo."

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now