Chapter 12

1.5K 50 0
                                    


Walang Porsche Carrera S na nakaparada sa tabi ng kotse ko. Sobrang nakakapanibago.

I was staring at my window since 6:30 and then 9:00 na wala pa rin siya hanggang ngayon, nagtimpla muna ako ng kape habang naghihintay sa kanya.

Baka late lang or busy.. Tumanaw uli ako sa bintana. Wala pa rin.

Teka.. teka.. Bakit ko ba siya hinahanap? And so kung wala siya dito.. Hindi naman niya tungkulin na puntahan ako rito araw araw.

Mas mabuti na pagkaabalahan ko ang sarili sa ibang bagay kaysa naman isipin ko pa siya.

Then I suddenly looked at my sketchpad, to the old one yung tinapon ni Nikko, nasa akin pa ito kasi palihim ko itong pinulot habang nakatalikod siya. Ayokong basta basta itapon ito dahil si Lukas mismo ang nagbigay nito sa akin.

Sa tabi nito ay yung sketchpad naman na bigay ni Nikko, mabilisan kong binuklat ang mga puting puti na pahina nito.

Tama talaga siya, I should start a new life and I really admit that I am too stuck in the past. Hindi niyo ako masisi, mahirap kalimutan ang isang Lukas Angelo Aragon na siyang first ko sa lahat, but sadly not my last.

Pero kahit nasa isipan ko ang kalimutan siya, hindi ko magawa. i just cant fucking do it. Lagi siyang tumatakbo sa isip ko, hindi siya mawala-wala. Lagi ko na lang naalala ang mga memories namin na masayang magkasama, yung akin pa siya.

Sobrang sakit na ang mga iyon ay alaala na lang, sa isipan ko na lang, hinding hindi na magiging totoo, kailanman.

Yung mga sugat ng nakaraan na nanatiling sariwa sa akin, hindi ko alam kung kailan ito maghihilom, o maghihilom pa ang mga iyon.

Lagi na lang masakit

Agad kong pinunasan ang aking mga Luha tapos ay tinago ang luma kong sketchbook. Si Nikko na siguro iyon. Ayokong makita niya akong ganito, baka mamaya ano pang isipin niya.

*ring* *ring*

Napatakbo ako sa pintuan. Medyo nadismaya ako na makita ko ang nakangiting mukha ni Taylor.

"Taylor." Mahina kong sabi.

"What is that face Eris?" Nagtataka ako, ano naman ang mga pinagsasasabi niya.

"What?"

" It seems that you dont like me here.. Or you are just waiting for Nikko."

"No--"

"I knew it Eris! He is here every morning to have breakfast with you. How sweet is he, I wish my boyfriend is just like him." Tila kinikilig pa siya, wala naman dapat kakiligan doon.

"But Tay--"

"He will not come here anymore." Tila ba nakaramdam ako ng kirot, inis? Bakit kaya? Siguro di niya kinaya ang kasungitan ko.

Well dapat lang para lumayo na rin siya.

"Look at your face its sad, it doesn't mean that he do not want you anymore." Nanlaki ang aking mga mata. So ano naman ang pakialam ko dun. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"He is my boyfriend's boss." Nanlaki ang mga mata ko, Boss? His boyfriend works on the Golden State Group of Companies, siya ang nay ari noon?

Tila gusto kong kainin ang mga sinabi ko sa kanya noong una.. Yung mahirap, patay gutom.. Yun pala ubod ng yaman ang Nikko na iyon.

Ubod kasi siya ng simple. he always wear tshirts and ripped jeans hindi mo talaga aakalain na mayaman

Yung kotse lang niya ang pangmayaman. Akala ko nga noong una hiram lang niya iyon.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now