Chapter 16

908 42 2
                                    

Pumasok si Michael bitbit ang mga masasamang titig sa akin. Napakunot ko noo at tinitigan din siya ng masama. Ano na naman kaya ang nagawa ko?

"Anong ginagawa bg Atayde na iyon?"

"Dinalhan lang niya ako ng congee." Dali-dali niyang kinuha yung natitira pang congee at initusan  si Rina na itapon ang mga iyon. Agad ko siyang pinandilatan ng mga mata. Ano na naman ba?

"Hay nako Erisha, paano kapag may gayuma iyang pagkain na yan! Naku baka maloka ka na sa retokado na iyon."

"Ikaw talaga Michael kung ano-ano ang iniisip mo sa tao? Hindi ka naman inaano. Mas maganda isipin mo kung paano mo pa mapapaganda yung trabaho mo."

"Erisha, I'm doing very great in my job, I love what I am doing. Concern lang naman ako sayo, baka mamaya may gayuma nga yan."

I rolled my eyes as I faced him, kahit kailan ay napaka-init ng dugo niya

"Eris, di mo nakita si Nikko?"

Hindi ko siya kinibo, bakit naman kami magkikita nun? Ni hindi nga ako lumalabas ng office.Ano na naman yung kailangan niya sa akin?

"Hinahanap ka niya sa akin. Sinabi ko na hindi ka makakapunta. Tapos napag-alaman ko na pumunta siya rito sa office,sabi ni Mona." Tumango-tango lang ako sa kanya dahil naiintindihan ko hindi dahil nakita ko siya. Ni anino nga niya di ko nakita.

"Did you see him E?"

"No."

"Really." Napa-iling iling si Taylor, tila napapa-isip.

"Wait lang guys alis muna ko, hay nako." Ani ni Michael at mukhang nababadtrip. Siguro may problema na naman sa mga models. This become my major problems in the long run, halos lahat ng mga models na nakukuha namin is hindi maganda ang pag-uugali. It is hard to admit that we are always deceived by looks. Iyon kasi ang puhunan hindi naman ugali. Iyon ang masaklap na katotohanan.

Lumapit si Taylor sa akin at hinawakan yung braso ko.

"Seriously, di mo siya nakita?"

"Hindi, bakit mo ba ako kinukulit?" Sabi ako at inalayo yung braso ko sa kanya ng maayos

"It's seems that he really wanted to see you. Kanina pa madaling-madali na umalis." Napailing lang ako sa sinabi niya, kung gusto man niya ako makita, iba ang pakay niya sa akin. He just want to get laid, at masakit kasi kailangan kong tanggapin ang katotohanan na iyon. Saka hindi ko naman talaga siya nakita kanina.

"Erisha!!" Pareho kaming napaharap sa kanya.

"Kung makasigaw, akala mo wala nang bukas. Grabe siya!" Hindi na pinansin pa ni Michael si Taylor at dumeretso siya kaagad sa akin.

"Kailangan ka namin dali." Aniya at dali dali niya akong hinila.

"Napakaharass mo talaga!!" Bulyaw ni Taylor pero wala na rin siyang nagawa kundi sumunod na lang din sa amin.

"Michael bitawan mo ako!"

"Hindi. Hindi pwede, kailangan ka namin ngayon Erisha." Aniya pa niya at  pinapasok ako sa may kotse niya.

"Saan mo ba ko dadalhin?" Sabi ko habang nagmamaneho siya. Wala man lang ako idea kung saan kami pupunta, kung bakit niya ako kailangan.

"Basta kasi magugustuhan mo doon." I rolled my eyes. Iyan na naman yung isinagot niya. Makailang beses ko na siya na tinanong pero iyon at iyon pa rin ang sagot niya.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now