Chapter 1

1.5K 33 5
                                    


I was fifteen that time when I first time saw her. Bibili sana ako ng ballpen, dahil naiwala ko na naman yung ballpen na kabibili ko lang kahapon.

I was walking at the corridor nung may nakasalubong akong babaeng nagmamadaling tumakbo. Mukhang bago lang siya rito.

At sa tingin ko ay naliligaw siya rito, dahil gulo-gulo na rin yung ayos niya. Medyo malaki rin naman kasi yung campus namin, kahit nung first day ko nun ay naligaw rin ako.

Gusto ko siyang tulungan nung lumapit siya sa akin, kaso nilagpasan lang niya ako at tila natulala ako sa kinatatayuan

That angelic face, kahit mukha siyang haggard sa mga oras na iyon ay ang ganda ganda pa rin niya. Hindi tulad ng mga ibang babae, na kung mag-lagay ng kolorete sa mukha ay nagmumukha ng clown.

Hindi ko rin siya nagawang sundan dahil saglit lang naman yung paalam ko kay sir na bibili ng ballpen.

Makikita rin kita.

Napangiti ako sa naisip habang naglalakad ako pabalik ng classroom namin.

.............

May inutos sa akin noon si Sir, Gusto kong magtatatalon sa tuwa, dahil nakita ko na naman siya. Pero nakangiti lang ako nun, halos mapunit na yata yung bibig ko sa sobrang ngiti. Sana ay mapansin naman ako, kaso tumalikod din naman siya sa akin. Tinagalan ko pa yung pakikipag-usap sa adviser nila, pero nakatalikod pa rin siya sa akin. Tsk. Sayang.

Pero ok na rin yun, atleast nakita ko na rin siya at alam ko na yung section niya. Buti na lang at inutusan akong ibigay yung mga forms saka adviser ng III-St. Claire. Isa rin kasi akong Student Assistant, hay nako buti na lang at sana lagi akong utusan na pumunta sa section nila. Alam ko makikita niya rin ako, kapag lagi na ako nakakapunta sa section nila.

Pagdating sa faculty room agad kong tinignan yung forms na binigay nung adviser nila. Talagang tinignan ko iyon, sinamantala ko na rin habang wala pang teacher dito sa faculty, baka kasi mapagalitan ako. Hanggang sa nakita ko yung pangalan niya.

Erisha Magdayo

Her name is kinda unique, sana siya rin. Pero di bale, magkakakilala rin kami.

Sana... Sana...

Sana utusan ako lagi na pumunta doon sa section nila, para lagi ko siyang nakikita.

Kaso sa kasamaang palad iyon na yung huling utos sa akin na pumunta sa section nila, lagi kasi akong inuutusan doon sa may second year, ang layo pa run sa section nila. Di bale makikita ko pa rin siya.

Nagdaan ang ilang araw, hindi siya mawala sa isip ko. Halos di na ako makatulog sa gabi kung

Eris.. Eris.. Ano ba yung ginawa mo sa akin. Bakit ako nagkakaganito sayo

Hanggang sa mapagtanto ko na.

Gusto ko siya, pero mapapansin niya ba ako. Gusto ko siyang ligawan, pero magugustuhan niya ba ako.

Simula nun ay lagi ko na siyang tinitignan palihim. Masaya na ko na makita siyang nakangiti. Madalas kasi siyang mabully. Kung ipagtatanggol ko naman kasi siya lagi naman ako nauunahan ni Lukas. Kaya hanggang tanaw na lang ako, sana naman ay magawa ko rin siyang ipagtanggol, tulad ng ginagawa niya.

Lagi ko siyang sinusundan noon, sounds creepy right? Pero wala naman akong masamang intensyon, gusto ko lang siyang bantayan. I think she is too fragile so she needs a more care. Saka minsan may lungkot din akong nakikita sa mga mata niya. Sana naman magawa ko rin siya pasiyahin, kahit saglit lang. Ok na yun.

May oras na ginabi siya ng uwi noon. Gusto ko man siyang tulungan doon sa may bulletin board na inaayos niya, kung hindi lang kami busy dito faculty. Basta na lang siya iniwan doon, halos siya na yata yung gumagawa doon.

Exclusively yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon