Chapter 5

2.7K 65 3
                                    

Pagdungaw ko sa aking bintana ay mayroong Porsche CarreraS na nakatambad sa aking paningin.

Napakunot ako ng ulo dahil doon pa iyon nakapark sa mismong tabi ng kotse ko. Hindi ko lubos na maisip kung kanino iyon. Wala naman akong mga kaibigan na ganoon ang sasakyan saka hindi nila ugali nagpapark sa mismong tabi ng kotse ko.

Maya maya ay nagring yung doorbell ko. Sumilip ako sa may peephole kung sino iyon. Baka naman mamaya ay mga gangster na pagala-gala sa tabi, na mahilig manggulo.

Pero laking gulat ko na lang na siya ang nakita ko, Si Nikko...

Bakit naman siya napadpad dito, ano ba ang kailangan niya sa akin at pinuntahan pa niya ako dito? I don't even invite him and I will never!

Baka naman iniisip niya na magpapakamatay pa ako. Hay nako! Ayoko na! Nakakatamad, lalo pa at alam mo tila kabute na sumusulpot yung pumipigil sa akin.

Agad akong nairita dahil pangiti-ngiti na naman siya habang lumilinga-linga sa palagid. I bet, wala siyang nginingitian doon.Para talaga siyang baliw-- ay hindi baliw talaga itong lalaking ito na naayusan lang talaga.

Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang pagbuksan o hindi. Baka bwisitin lang ako niyan, at mas lalo pa niyang sirain ang araw ko.

Patalikod na ko nang biglang tumunog yung doorbell ko.

Riiiiiiing

No way! Hindi ko bubuksan, manigas siya roon. Sabi ko sa sarili habang tuluyan na akong tumalikod sa pintuan.

Riiiiiiing

Kanina pa ako nakahiga sa aking higaan at pinipilit pa rin na matulog. Kanina pa kasi ring nang ring yung doorbell ko.

I guess I should open, makulit ang tao na ito, sigurado ako na hindi niya tatantanan pagpindot ng doorbell ko hanggang hindi ko siya nilalabas. Baka masira pa.

"Bakit ka nandito? Paano mo nalaman ang address ko?" Agad kong bungad sa kanya pagkabukas ko ng pinto sa kanya.

"In your ID's remember." Tss. So, Stalker pala itong lalaking ito. Nga pala, Pagkalabas ko ng ospital ay agad kong tinignan ang wallet ko, kumpleto pa naman at mukhang nagdagdagan pa.

At kung sakali man na may nawalang laman doon sa wallet ko, sisiguraduhin ko na baseball bat agad ang sasalubong sa kanya.

Yun na nga ang mayroon sa akin kukunin pa niya.

"Hindi mo ba ako papapasukin." Tinignan ko siya ng masama at nanatili na nakaharang sa pintuan.

"Edi pumasok ka." I just said, baka kulitin pa niya ako. tss.

"Can you please stop smiling." I said, kanina pa talaga siya ngiti nang ngiti, ano bang meron? Mukha ba akong katawa-tawa sa kanya?

"Nu-uh"

"Tsss baliw." Bulong ko.

("Baliw sayo.")

May binulong din siya na hindi ko naman maintindihan

Napansin ko na may dala siyang chocolates saka red roses. Tss. I hate roses, specially red. Mas naalala ko kasi si Lukas, madalas niya kasi akong bigyan ng ganoon.

Agad akong tumungo sa kusina at ipaghahain siya ng sandwich, iyon na lang kasi ang mayroon sa ref ko.

Kahit naman naiinis ako sa kanya, I still have my manners kahit papaano.

Paglabas ko ay nakatingin lang siya doon sa sketchpad ko, kung saan doon ako nagdedesign ng damit kapag wala akong magawa.

Ibinaba ko lang yung juice saka yung sandwich na ginawa ko, saka tinignan ko lang siya.

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now