Chapter 33

1.1K 36 6
                                    


Nagising na lang ako wala na siya sa tabi ko.

Nagtaka ako dahil wala siyang note na iniwan na note doon sa may lampshade. Araw araw niya itong ginagawa, imposible naman na makalimutan niya, o baka naman wala siyang sticky note ngayon.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Ano naman kung hindi siya mag-iwan ng note, alam ko naman na nasa kusina lang siya at nagluluto ng pagkain namin. Saka hindi naman siya aalis ng hindi nagpapaalam sa akin.

Agad akong lumakad palabas ng kwarto at pumunta sa kitchen pero wala siya roon.

Aksidente naman na napalinga ako doon sa may bintana, nagulat ako sa tumambad sa akin.

Si Nikko bitbit yung mga gamit niya.

Teka anong ibig sabihin nito?

Halos tumakbo na ako dahil ang bilis maglakad ni Nikko. kailangan ko siyang maabutan, hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi!

"Nikko!" Paulit-ulit ko siyang tinatawag pero tila wala siyang naririnig, dire-diretso lang siyang naglalakad palayo sa akin.

Tumakbo ako para habulin siya, nang maabutan ko siya ay niyakap ko siya patalikod. Ayoko. Ayoko siyang pakawalan. Bakit kailangan niyang umalis, ano ba ang naging pagkukulang ko sa kanya. Hindi ba ako masyadong manlambing, madalang lang ba kasi akong mag-I love you sa kanya?

Pilit niyang inaalis yung mga kamay ko at dahil doon mas lalo ko namang hininigpitan ang yakap sa kanya.

"Hindi kita pakakawalan Nikko, huwag mo akong iwan." Tila wala siyang naririnig at pilit pa rin niyang kinakalas yung mga kamay ko sa kanya.

Pero sadya talaga na mas malakas siya sa akin at magawa niyang alisin ang mga kamay ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Kitang-kita ko napunong-puno ng hinanakit yung mga mata niya, punong-puno ng sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan, may nagawa ba ako sa kanya?

Gustuhin ko man iyon alisin ang mga iyon sa kanya, pero lumalayo na siya sa akin.

"Nikko, huwag mo akong iwan." Humarap muli siya sa akin at umiling. Iiwan niya talaga ako.

Sigaw ako ng sigaw sa pangalan niya Gusto ko siyang habulin pero tila napako na yata yung mga paa ko sa lupa, at napaluhod na lang dahil sa sobrang panghihina na nararamdam ko. Hanggang dito na lang ba kami?

"Nikko!" Hindi na niya ako hinarap pa at lumakad ng palayo ng palayo sa akin.

"Eris gising." Nagising na lang ako nang may yumuyuyog sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag nang agad ko siyang nakita pagkagising ko. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Akala ko totoo na iyong panaginip ko na iyon. Akala ko mawawala na siya sa akin, dahil hindi ko alam kung paano ako mamumuhay ng wala siya. Nasanay nanaman kasi ako na laging nandyan siya na nasa tabi ko

Hindi totoong nangyari iyon.. mabuti na at hindi totoo iyon.

Pero iba ang kutob ko sa paniginip kong iyon. Dahil hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkabog nito.

Nakatingin lang ako sa kanya na tila kinakabisado ko yung bawat angulo ng kanyang mukha. Ayoko siyang mawala sa akin.

"Eris ok ka lang." Nang matauhan ako ay tumango lang ako sa kanya.

"Sigurado ka? Putlang-putla ka." Tumango lang din ako sa kanya.

"Hindi ka mawawala sa akin ha." Sabi ko sa kanya. Sobra kasi akong natatakot

Exclusively yoursΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα