Chapter 30

1.2K 41 10
                                    

Nagising na lang ako wala na siya sa tabi ko. Tanging unan na lang itong kayakap ko. Pagtingala ko roon sa may lampshade may nakita ako sticky note, agad ko namang kinuha iyon.

Nasa kitchen lang ako. I am waiting for you love.

Sabi na nga ba, nasa kusina lang iyon, dali dali akong nagbihis para agad siyang mapuntahan doon. Since naririnig ko na rin yung pagkalam ng sikmura ko.

Hanggang sa may nakita akong album doon sa may lamesa. Kanino kaya ito, hindi naman ako nag-aalbum. At ngayon ko lang nakita ito. Kay Nikko siguro ito.

Binuksan ko iyon kung saan nanroon yung bookmark.

I smiled when I saw my sleeping face, ngayon lang ito a. Binasa ko yung caption nito sa ilalim.

Best night of my life. Thank you for thiss wonderful moment.
Huwag sana malaman ni Eris na first time ko yun, baka pagtawanan ako nun.

Napangiti ako roon, so I am his first. Hindi naman halata, he was so great. I can still feel what happened last night.

Binuklat ko yung kasunod nitong page, panay picture ko na natutulog. Hay si Nikko talaga, lagi lagi akong kinukuhanan kapag natutulog ako. Gusto ko ngang alisin yung nakangangang picture ko roon, dahil alam kong pinagtatawanan niya iyn. Kaso baka mahalata ni Nikko na pinapakialaman ko yung mga gamit niya.

Bumuklat pa ako ng isang page at
Ikinagulat ko na lang na may mga old pictures niya ako. Halos noong highschool pa ako nito. Mas pumukaw sa atensyon ko yung picture ko na nakasideview parang may hinihintay, saka ang ganda rin nung shot. Medyo natawa pa ako dahil medyo gulo-gulo pa yung buhok ko nun. Hindi naman kasi ako mahilig na mag-aaayos noon.

Mas napangiti ako nung mabasa ko yung caption niya sa ibaba.

Her name is Eris, the love of my life

Pero hindi pa rin maialis sa isip ko ang pagtataka. Bakit siya nagkaroon ng mga pictures ko noon. Matagal na niya ba talaga ako kilala.

Bubuklatin ko pa sana yung mga susunod na page kaso nakarinig ako ng mga hakbang papalapit sa kwarto.

"Eris." Mabilis kong itinago yung album na iyon sa may ilalim ng kama.

Mabilis akong bumalik sa closet at umaktong nagbibihis.

"Gising ka na pala."

Tinititigan ko nang mabuti yung kanyang mukha. Iniisip ko kung saan ko siya nakikita noon. Classmate ko ba siya? Hindi. Schoolmate? Hindi rin. Wala naman akong maalala kung nakita ko na siya noon. Saka dapat matagal ko na siyang nakilala.

Base sa litrato ay tila matagal na siyang nagmamasid sa akin. Pero wala naman akong naramdaman na maaring pagkakakilala ko sa kanya.

Kung anoman iyon kailangan kong malaman iyon. I make an mental note na babalikan ko yung album na iyon sa ilalim na kama. Alam kong may makukuha akong sagot doon.

"Eris, may dumi ba ako sa mukha?" Agad akong natauhan, kasi bigla rin kaming huminto sa paglakad.

"Wala." Sabay iling ko.

"O nagwagwapuhan ka na naman sa akin Eris." Tumingin lang ako sa kanya. Ngumisi lamang siya.

"O baka gusto mo uli-" Mahina kong sinampal yung bibig niya.

"Kumain na lang tayo." Sabi ko at naglakad muli papunta sa kusina.

"Tama, ikaw ang gagawin kong breakfast." Aniya at nakangisi pa rin.

"Stop griining, gusto mo bang magmukhang aso."

Hindi ko talaga ako sanay na ganito siya. Bakit ba siya magkakaganito, lumlabas kasi yung kakaibang side niya. How he stare at me, para akong kakainin, goosebumps are all over me because of him.

Pagdating sa kusina ay napangiti ako dahil may baked mac and cheese na nakahain sa lamesa. Pansalamantala ko munang kakalimutan yung mga pagtataka ko roon sa mga picture. Kailangan ko ring tugunan yung kalam ng sikmura ko, saka matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain nito.

"Eris, mabulunan ka." Aniya at inabutan niya ako ng isang basong tubig.

"Ok lang ako." Sabi ko at inabot yung tubig na binigay niya sa akin. Ang sarap niya kasing magluto nito, tapos ang tagal ko pang hindi nakakain nito.

Pagkatapos ng ilang subo ay inabot ko yung tubig na

"Ok na rito." Aniya at inagaw sa akin yung plato na liligpitin ko sana.

"Alam kong pagod ka pa."

"Ikaw dapat ang tanungin ko, ok ka lang ba." I smiled at him. I cant still believe that I am his first. Ayaw ko naman na sabihin iyon sa kanya, alam kong nakakahiya iyon sa part niya.

"Siyempre naman, you gave me the best night of my life." Aniya at hinalikan ako sa pisngi. Yeah because I took his virginity.

Tila may panghihinayang sa loob ko. I wish that he is my first too. Sayang naman at hindi ko naibigay yung bagay na iyon sa kanya.

"Sayang Nikko. Hindi ko naibigay ang sarili ko sa'yo ng buo." Sobra akong nahihiya sa kanya. Paano niya ako natanggap ng ganito?

"Hindi naman yun importante Eris." Napatingin ako sa kanya. Alam kong importante sa mga lalaki iyon. Sabi pa nga noon na it is the best gift para sa isang lalaki, and I am not able to give that to him anymore.

"The important thing is the last." Hinawakan niya yung dalawa kong kamay.

"At sisiguraduhin ko na ang last mo ay ako."

"Oo ikaw lang Nikko."

We found ourselves naked at pupunta sa lugar kung saan kami lang dalawa ang tanging nakakalam.

.........

Nakaupo lang ako sa may terrace, nakatingin sa malayo. Bigla ko kasi naalala yung mga picture ko roon sa may album ni Nikko. Na maaring matagal na niya akong kilala. Iniisip kong mabuti kung nagkakilala na ba kami.

Paano kung nagkakilala kami, magugustuhan ko ba siya? Magiging ganito rin ba kami?

"Eris! " Muntik na akong mahulog doon sa may terrace dahil sa gulat. Buti na lang at maagap si Nikko at nasalo ako.

"Oops sorry." Aniya at hinalikan pa yung tungki na ilong ko.

"Ok lang."

"Mukhang ang lalim ng iniisip ng mahal ka. Ni hindi mo man lang namalayan na nandito na ako." Aniya at binigyan ako ng isang basong tubig.

"Siguro ako yang iniisip mo no." Aniya sabay lagok ng tubig. Oo siya nga yung iniisip ko. Pero pinili ko na lang na huwag na lang siyang kibuin. Papalakpak na naman yung nga tainga niya, besides hindi naman niya ako makukulit pagdating sa mga ganyang bagay.

"O baka naman nagdadalawang isip ka sa akin Eris." Nanlaki yung dalawa kong mata.

"Hindi, hindi mangyayari yun ok?" Bakit ko naman gagawin iyon sa kanya? I love him so much to do that. Siguro dahil sa hindi ko pagkibo kaagad sa kanya. Kung ano na ang naisip.

Uminom ako ng kaunting tubig at saka siya hinarap.

"Nikko paano kung nagkakilala tayo noon, liligawan mo ba ako?" Para siyang natameme sa sinabi ko, pero agad din siyang natauhan.

"A- Oo naman Eris siyempre." Aniya at tila pinapakalma pa niya yung sarili niya. Tumango lang ako sa kanya.

"Sana nga Nikko, sana ikaw na lang yung naging first love ko."

Muntik na niyang maibuga yung tubig na iniinom niya, mukhang nabigla ulit sa sinabi ko.

............

Last 5-6 chapters na lang po itong Exclusively Yours. Salamat po sa pagsupport dito at sana supportahan po natin hanggang sa dulo. Hahaha. Salamat

Exclusively yoursWhere stories live. Discover now