Chapter 20

1.6K 60 2
                                    

Hyacinth's POV


Naglinis, kumain na ng almusal at tanghalian kanina at nandito kami sa tambayan maliban kay Yeisha, abala pa kasi sa paghahanap ng kwintas.

"Nasan ba si Yeisha-babes? Namimiss ko na siya"tanong ni Harrence. Napansin kong may suot siyang kwintas na kulay ginto na may pendant sa susi. Naalala ko yung batang kinuwento sa akin ni Yeisha, baka si Harrence pala yun.

 "Abala siya sa paghahanap ng kwintas niyang nawawala. Teka, saan galing yang necklace mo?"tanong ko sa kanya.

"Galing to sa mama ko, sa tuwing suot ko to may espesyal na tao akong naaalala. Kahit na saglit ko siyang nakilala, pakiramdam ko espesyal ang taong iyon sa akin"sagot niya habang hawak ang pendant ng kwintas. Parang sakto yung pendant niya sa lock na pendant ng kwintas ni Yeisha.

"Ikaw ba si Gr—"hindi ko na naituloy ang tanong ko kung siya si Greast Boy dahil biglang nagsalita si Tiffany.

"Harrence, samahan mo ako sa CR please, may lalaki kasing manyak doon eh"singit ni Tiffany.

"Sige, mamaya na lang ulit guys"sabi ni Harrence at naglakad na palayo. Bigla kong inalala ang kinuwento ni Yeisha.

-Lalaking parang guhit ang mga mata kapag nangiti

-May kuwintas din na susi ang pendant.

Halos may hawig din kay Harrence, baka siya nga yung batang yun.

"Ehem, don't forget na nandito pa ako. Ang lalim ng iniisip mo"biglang nagsalita si Wallace.

"Sorry, may iniisip lang, baka kasi si Harrence yung batang nagbigay kay Yeisha ng kwintas noon"sabi ko.

"I know what are you thinking, pabalik-balik na kinuwento ni Harrence sa akin yung babaeng nagngangalang Grace. Second name ba yun ni Yeisha? And Harrence introduced himself as 'Greasy Boy', tama?"sabi ni Wallace at tama nga ako, si Harrence ang batang iyon. Kailangang sabihin ko ito agad kay Yeisha.

"Ang pagsingit ni Tiffany sa usapan niyo ni Harrence ay sinadya niya talaga, mukhang may binabalak siya kaya mag-ingat kayo"singit ni Lauren na may malamig na boses. Ang creepy niya talaga, parang kabute na biglng nasulpot, pangalawang beses na niyang sabi sa akin na mag-ingat.

"Bakit parang may alam ka? Magkakilala ba kayo ni Tiffany?"tanong ni Wallace sa kanya.

"Hindi, at Ms. Castaneda, wag kang masyadong mag-isip tungkol sa sinabi ko. Alam kong hindi ka agad maniniwala dahil kaibigan niyo si Tiffany, try to find it out by yourself"sagot ni Lauren at naglakad na palayo sa amin.

"Kakaiba talaga siya pati na rin yung paraan ng pagtingin niya sa atin"sambit ko. Nakita ko namang parating dito si mama kasama si Lester.

"Sige aalis muna ako, gutom ako, mamaya na lang ulit tayo mag-usap"sabi ni Wallace at tumango lang ako. Umalis na siya at hindi ko maiwasang mapangiti, namimiss ko na kasi ang pamilya ko.

Niyakap ko si mama at si Lester dala na rin sa pagkamiss ko sa kanila.

Her First Love in Jail [unedited]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang