Chapter 58 (Part 1)

1.1K 50 8
                                    

Wallace's POV


Nagkukwentuhan kami ni Hya nang biglang may kumatok. Binuksan ko ang pintuan.


"Kailangan mong sumama sa akin, may importante kang bisita"sabi ni Terrence.


Tumango lang ako at isinama si Hya, ayoko siyang iwan nang mag-isa. Importanteng bisita? Sino kaya?


Tumigil si Terrence sa tapat ng mesa na may isang lalaking nakaupo. Familiar siya kasi lagi ko siyang napapansing nakatingin sa akin sa paaralan, pati na rin yung napadaan dito dati na pinag-iingat ako.


Ano kaya ang kailangan niya?


Umupo na kaming dalawa ni Hya at umupo si Terrence sa tabi ng lalaki. Parang magkakilala kasi sila.


"Alam kong familiar ako sayo, tama? Pumunta ako dito kasi...ano.."ninenerbiyos siya at bumuntong-hininga.


"Alam mo naman na may half-brother ka diba?"nagtaka ako sa sinabi niya.


"Bakit alam mo iyon?"tanong ko sa kanya.


"Two months nang mabuntis ang mama mo, pero hindi pa alam ng tatay mo na buntis siya dahil abala sa trabaho ang mama mo at doon lang niya nalaman na 2 buwan na pala siyang buntis. Nakikipag-inuman ang tatay mo noong gabing iyon. Sobra siyang nalasing at ang mama ko na kabigan niya, ang gustong maghatid sa kanya pauwi sa inyo. Pero bigla niyang pinatigil ang kotse sa isang hotel at inaakala niyang si mama ang mama mo, kaya naman naganap ng gabing iyon ang hindi inaasahang pangyayari"ano itong pinagsasabi niya?


"At ako ang bunga noon, ako ang half-brother mo, Kuya"mukhang seryoso siya at napakunot ang noo ko sa sinabi niya.


Pero hindi sigurado ang isip ko, baka naman isa siya sa mga tauhan ni papa na inutusan para gawin ito at pati na rin yung pagtingin niya lagi sa akin sa Unibersidad na pinapasukan ko.


"Wag kang magbiro nang ganyan"nag-aalinlangan kong sabi.


Parang may kumurot sa puso ko nang sabihin ito, tulak ng bibig kabig ng dibdib. Ito ba yung sinasabing lukso ng dugo? Pero hindi ako makapaniwala.


"Hindi ako nabibiro Kuya"tumingin ako sa mata niya.


Hindi siya nagsisinungaling at naluluha ito na halatang nasasaktan. Pero maaaring mapanlinlang ang emosyon na ipinapakita ng tao.


Nagtatalo ang isip at puso ko, nalilito ako.


"Alam kong nalilito ka pero nagsasabi siya nang totoo. Matagal na kaming nagkakilala simula noong nalaman namin noong bata ka pa na may half-brother ka. Pero ngayon lang niya ito sinabi dahil hindi pa siya handa noon, dahil na rin sa takot na kamuhian mo siya. Pasensiya na kung inilihim ko ito sayo"sabat ni Terrence nang seryoso.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now