Chapter 25

1.6K 66 2
                                    

Hyacinth's POV

Sineryoso niya talaga yung sinabi niya kaninang babalik siya dito. Umupo pa siya sa tabi ko, lalayo n asana ako sa kanya pero bigla niya akong inakbayan. Aalisin ko na ang braso niya pero naunahan na ako ni Wallace, nasa likod ko na pala siya at hawak-hawak niya nang mahigpit ang braso ni Kenzie.


"Wag mo siyang aakbayan"malamig na sabi ni Wallace.


"Ang init naman ng pagsalubong mo sa akin"sagot ni Kenzie na halatang naiinis kay Wallace. Padabog na binitawan ni Wallace ang namumulang braso ni Kenzie.


"Wow, kaibigan niyo na pala yang nerd na yan. Huwag mong planuhin na ligawan ang Future Girlfriend o matindi ang matitikman mong parusa"sabi ni Kenzie nang may pagbabanta kay Kuya Terrence.


"Pinsan ko siya, sino ka para magbanta sa kanya. Tigil-tigilan mo ang pagtawag ng Future Girlfriend kay Hyacinth, she's not yours"sa sinabing ito ni Wallace may nararamdaman na naman akong kakaiba sa tiyan ko, kakakain ko lang ng tanghalian eh.


"Is she yours? Kaya ba ganyan ka makapagsalita dahil sayo siya? Kung ganun magiging rival kita sa kanya, pero sisiguraduhin kong mapapasaakin siya"sagot ni Kenzie. Hindi ko inaasahang magiging ganito ang sasabihin niya.


"You're wrong, alam kong ang pinsan ko ang mananalo sa puso niya. Nasa lahi yata namin ang kagwapuhan, katalinuhan, pagiging loyal, lahat nang mabuting katangian na swak para sa mga chicks"kampanteng sagot ni Ku- I mean, Terrence. Akala ko si Wallace ang sasagot nang ganyan.


"Manahimik ka diyan, nahihibang ka nang bwisit ka! Umalis ka na dito, panira ng araw!"sigaw ko at kinotongan siya dahil nag-iinit ang ulo ko sa kanya.


"Makaalis na nga dito, may gagawin pa ako, pero babalikan kita. Okay lang na sungit-sungitan mo ako"nakangisi niyang sabi bago umalis.


"Hello guys, bukas na ang birthday ko, teka sino yang kasama niyo?"sabi ni Tiffany na bigla na lang nasulpot.


"Pinsan ni Wallace, ako pala si Terrence Alexanderson, Ms. Beautiful. 20 years old pero wag mo na akong tawaging Kuya"pagpapakilala ni Terrence na may ngiti sa labi.


"Hello ako pala si Tiffany, ang gwapo niyo parang si idol. Alis na ako, may gagawin pa ako guys, paalam sa inyo"si niya sabay alis. Napapadalas ang biglaan niyang pag-alis pero hindi namin siya sinusundan, may iba na siguro siyang mga kaibigan o si Tristein ang pinupuntahan niya.


"Alis din muna ako guys, gusto kong maglibot dito at baka makakita din ako ng chicks"sabi din ni Terrence sabay takbo. Medyo magkaparehas sila ni Harrence, parang sila tuloy ang magkamag-anak.

Her First Love in Jail [unedited]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें