Special Chapter 3: Terrence and Lauren

1.3K 45 21
                                    

Terrence's POV


Naligo ako nang mabuti at nag-ayos nang mabuti kasi ako ang sasalubong ngayon kay Lauren pagkalabas sa Compound, mas nauna kaming nakalabas para hindi kahina-hinala kay Kenzie. Dagdag pogi points ang pagsundo ko ;D


Alam kong doon sa isla na yun gaganapin yung date nina Vaughn at Hya, maliligo pa naman sana ako kaso nirentahan na ito at bawal ang ibang guest dito ngayon. Wala tuloy gulls na makakakita sa yummy abs ko. Palihim ko na lang silang pinanood pero umalis ako kaagad.


Dumaan muna ako sa flower shop na maraming pagpipilian upang bumili ng flowers na ibibigay ko kay Lauren. Dapat yung mabango, maganda at kakaiba ang ibili ko.


Ayoko ng roses, common na eh. Wala pa naman akong alam sa mga bulaklak na dapat ibigay sa babae. Mangmang ako pag dating dito.


Napansin ko ang mga puting bulaklak na may mga malalaking dahon na parang anahaw. Nakalagay pa sya sa isang stand na kahoy para pangtayo na kasingtangkad na halos ng tao. May sash pa, ito na kaya ang bilhin ko? Nag-iisa lang ang ganitong tinda rito, wow, kasi kakaiba siya. Ang bango bango pa, medyo familiar yung amoy.


"Magkano po dito?"tanong ko sa tindera.


"597 pesos po Sir"sagot ng tindera.


May kamahalan pero okay lang kasi worth it naman pagbibigyan ko nito.


"Isa nga po, pakitanggal po ng sash"nakangiti kong sabi.


"Ganyan talaga ang namatayan, parang baliw ngumiti"bulong ng isang babae sa tindera na kasama niya.


Sino kaya yung pinagtsitsismisan nila? Kumuha na ako ng 600 pesos sa wallet.


Ibinalot ito ng tindera sa isang diyaryo. Ihihiga ko na lang ito sa loob ng kotse at kasingtangkad lang yata ni Harrence yung bibilhin kong bulaklak eh. Joke lang, mas maliit naman ito kay Harrence. xD


Inabot ko yung bayad ko sa tindera pagkatapos niyang balutin ang bibilhin kong bulaklak.


"Condolence po sa inyo Sir"magalang na sabi ng tindera pagkaabot ng sukli sa akin.


Hahaha, alam niyang pamatay ang kagwapuhan ko hahahaha! Sino ba namang hindi makakaalam? Halatang-halata naman sa kagwapuhan ko diba? :D


"Salamat, alam ko na yan. Pamatay ang kagwapuhan ko at siguradong mamamatay sa kilig ang pagbibigyan ko nito"natatawa kong sagot.


"Ganyan talaga ang epekto sayo ng sitwasyon mo. Okay lang yan Sir"parang ang layo ng sagot niya sa topic namin ah.


Naglakad na lang ako palayo.


"Siguradong baliw na siya"sabi ng babaeng kasama ng tindera.

Her First Love in Jail [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon