Special Chapter 1: Wallace and Hyacinth

1.8K 51 7
                                    

Hyacinth's POV


"Gising na"nagising ako at may tumatapik sa pisngi ko. Parang nasa tabi ko lang yung nagsabi ah.


Boses ng lalaki? Pero bakit lumalim boses ng kapatid ko?


"Mamaya na Lester alis ka na"tinatamad kong sabi nang nakapikit, nakakatamad magsalita.


"Hindi mo ba nakikilala ang boses ko?"bakas ang disappointment sa boses ni..... Wallace?


"Wallace? Pero wala ka dito ah, paano ka makakarating dito?"sabi ko, nananaginip ba ako?


"Idilat mo na ang mga mata mo para patunay na hindi ka nananaginip"sabi niya.


Kahit na tinatamad at maraming muta, idinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Wallace o.o


Napabalikwas ako ng bangon at tumakbo ako sa lababo para maghilamos at mag toothbrush.


"Bakit pumasok ka dito? Nakakahiya, baka kung ano pa ang nakita mo habang tulog ako"sabi ko pagkabalik.


"Wag kang mahiya, masasanay ka rin dahil kapag pinakasalan na kita, we'll be sleeping together in one bed" kinindatan niya ako.


Nahiya tuloy ako sa sinabi niya at the same time ay nakakaflutter.


"Good morning"hinalikan niya ako sa pisngi na hindi ko inaasahan.


"Good morning din"hinalikan ko rin siya sa pisngi para quits kami.


"Kain tayo ng almusal, baka naiinip na sila mama at papa sa paghihintay b-"


"Kanina pa sila umalis kasama yung pinsan at kapatid mo"sabat niya.


May lakad nga pala sila, hindi man lang nila ako sinama ang daya.


"Kain ka na, tapos maligo ka na din, may pupuntahan tayo. Magdala ka din ng isang pares ng damit at shorts pati na rin yung underwear mo o di kaya swimsuit"umupo siya sa kama at may kinalikot sa cellphone niya na IPhone 6s. Wow, rich kid talaga.


Saan kaya kami pupunta? Sa may overnight camping o swimming? Wala akong swimsuit tsaka ayokong magsuot nun.


Nakasuot siya ng pantalon at ng polo na black and white na checkered. Nice, mukha talaga siyang model, ang gwapo.


Inadd niya nga pala ako kahapon sa Fb, finollow sa Twitter at Instagram. Nakapag-internet na rin ako since nakalabas na kami.


Kumain na ako at naligo, medyo binilisan ko para hindi mainip si Wallace.


Nagsuot ako ng black t-shirt, pantalon at ng rubber shoes ko na kulay red.


"Unusual sa mga babae ang manamit ng ganyan sa panahon natin ngayon, you're really unique"sabi niya.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now