Chapter 22

1.7K 54 7
                                    

Harrence's POV

Buti na lang nalaman ko agad ang totoo, salamat kina Wallace at Hyacinth. Inakbayan ko si Yeisha-babes habang naglalakad kami, kaya pinagtitinginan kami ng mga gulls XD. Ako na ang nagbukas ng pintuan at nadatnan naming magkasama si Wallace at Hyacinth sa loob ng dorm namin. Nagtatawanan sila at tumutugtog si Wallace gamit ang gitara niya.


Buti na lang at hindi nila kami napansin, iniliit namin ang bukas ng pinto at sinilip ang dalawang love birds. Pero maya-maya, nakatingin si Wallace dito sa amin, patay, nakita kaya kami?

"Pumasok kayong dalawa"nagsalita si Wallace, kaya pumasok na kami ni Yeisha-babes.

"Baka naistorbo namin kayong dalawa"sagot ko.

"Hindi naman"sabi ni Hyacinth.

"Salamat pala sa inyo ha, si Brittany kaya ang kumuha ng kwintas?"tanong ni Yeisha-babes. Kinuwento naman sa amin ni Hyacinth ang nalaman ni Wallace, ang galing naman niya. May lahi kaya itong Secret Agent? Parang ang daming alam eh.

"Hindi kaya't ang sinasabi niyong lalaking kausap ni Brittany at ng isang babae ay si Kenzie?"tanong ni Yeisha.

 "I don't know, hindi naman magkaboses si Kenzie at yung lalaki. Halos magkaparehas naman ng boses si Lauren at yung babaeng kausap din nina Brittany, yung nag-abot sa kanya ng kwintas"sagot ni Wallace.

"Wag niyo na lang yang alalahanin, gutom lang yan, basta mag-iingat tayo"singit ko at inilabas ang mga Chichiryang bigay sa akin ni Sweety Pie(mama) at ang aking Stick-o. Generous ako ngayon XD

Kumain na kami at binigyan ko ng Stick-o si Yeisha-babes. Siya lang ang bibigyan ko ngayon dahil magtitipid ako ngayon sa Stick-o. XD Biglang may kumatok sa pintuan, binuksan ko naman ito.

"Sali naman ako sa inyo, gutom din ako"sabi ni Tiffany, sabay pasok dito. Medyo nabawasan na ang tiwala namin sa kanya, magkaibigan kasi sila ni Brittany at baka siya ang kumuha sa kwintas ni Yeisha-babes.

"Sige lang"pagkasabi nun ni Hyacinth, biglang may narinig kaming kalabog galing sa lababo. May bintana kasi doon at sa baba ng bintana ay ang lababo. Pinuntahan namin para tignan kung may nahulog na bagay, pero wala naman.

"Baka may magnanakaw o di kaya akyat-dorm gang"sabi ko para takutin sila hohoho, trip ko lang XD.

"Imposible, tanga nasa  loob tayo ng Compound na binabantayan ng mga pulis"sagot ni Wallace, ang hard naman neto, tanga agad. XD

"Nevermind that"sabi ni Tiffany. Patuloy pa rin kami sa pagkain ng Chichirya, kanya-kanyang dakot, parang Fiesta diba, credits to me XD.

"Saglit lang, maghuhugas lang ako ng kamay"sabi ni Hyacinth bago lumakad papunta sa lababo. Bumalik siya at mukhang nagtataka siya habang nakatitig sa kamay.

"Ganito ba talaga yung epekto ng hand wash liquid soap dito sa inyo o dahil lang to sa lagkit ng Chichiryang hinawakan ko? Sobrang lagkit kasi ng kamay ko"sabi niya.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now