Chapter 55

1.1K 47 19
                                    

Hyacinth's POV

Nang sabihin ni Wallace ang mga salitang iyon, hindi maiwasan na mabawasan nang kaunti kalungkutan ko. Baka naman aamin siyang may feelings pala siya kay Tiffany.Papunta ako sa dorm ni Terrence para itanong kung ano ang sasabihin niya. Nakaabang siya sa pintuan ng dorm niya, ako ata hinintay niya.


"Tara pasok tayo"masaya niyang sabi.


Sumunod lang ako sa kanya at umupo.


"Sisimulan ko na, noong iniwan kita dito saglit, pumunta ako sa dorm ni Vaughn at pinaalis si Tiffany. Alam kong ikukwento rin ito ni Vaughn sayo bukas nang mas detalyado. Pinatulog siya ni Tiffany gamit ang isang droga na nakakahilo ang amoy. Ngayon,galit na galit siya kay Tiffany. Okay lang kahit hindi ka maniwala pero hindi ganoong klase si Vaughn dahil alam kong ikaw ang gusto niya"sabi niya nang nakatingin sa mata ko.


May parte sa akin ang agad na naniniwala sa kanya. Pero mahirap umasa na may gusto talaga siya sa akin.


"Okay, pag-iisipan ko at alam kong lalabas ang katotohanan"sagot ko.


"Salamat, may ishashare ako sayo. Nung umalis siya para kausapin si Tiffany, sinundan ko siya. Totoo ngang may gusto siya kay Vaughn pero nireject siya ni Vaughn. Ilang beses pa niyang minura si Tiffany, tapos nang magsalita ng masasamang salita si Tiffany tungkol sayo lalo na yung gusto ka niyang patayin ayun nakatikim siya ng malakas na sampal galing kay Vaughn, buti nga hindi sapak eh kasi babae siya. Kapag ginawa niya daw yun, siya ang papatayin ni Vaughn. Natumba pa, tapos umiyak siya at pinaalis na siya ni Vaughn. Hahaha laughtrip yung eksenang yun pero wag mong sasabihin kay Vaughn na sinundan ko siya at sinabi ko sayo yung nangyari kanina. Pero hindi ako tsismoso"natawa niyang sabi.


Naniniwala naman ako sa kanya, pero hindi ko inaasahang gagawin niya yun kay Tiffany.Aaminin kong natuwa ako. 


"Terrence, maraming salamat ah, babalik na ako sa dorm baka may gagawin ka pa"pagpapasalamat ko.


"No problem basta ikaw, sige may gagawin din akong adventure. Bye"ngumiti siya at umalis na ako.

________________________________


Gabi na at naisipan kong lumabas. May nakita akong anino ng dalawang babae sa dulo ng hallway ng dorm.


"Nakakainis talaga yang babaeng yan pinahiya pa ako ni Wallace. Ang sakit, nagawa pa niya akong sampalin"naiiritang wika ng isang babae sa kaliwa.


Sinong Wallace kaya ang tinutukoy niya, may iba pa kayang Wallace dito?


"Success naman yung goal, yun nga lang bad record ka kay Wallace. Isasagawa na ni Kenzie yung balak niya bukas. Ako din siyempre may plano , nararamdaman kong magtatagumpay tayo"wika ng isa.


Familiar ang boses nila, parang kina Tiffany at Brittany.Dahan-dahan akong naglakad malapit sa isang poste para magtago kung makita ako at para na rin makita ko kung sila talaga yung nag-uusap.

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now