Chapter 1

9.1K 182 8
                                    

Hyacinth on the multimedia...

Hyacinth's POV

Kasalukuyan akong nasa mall kasama ang aking bestfriend na si Yeisha. Bibili kasi kami ng gamit para sa pasukan sa June. Third Year College na kami sa pasukan kaya't okay lang sa mga magulang namin na kami na lang ang bibili ng mga gamit namin. Binigyan kami ng magulang namin ng pera pambili ng gamit at ang matitira ay siyempre, panchibog ko. Pwede naman daw eh sabi ni mama.

Sa tuwing kasama ko ang bestfriend ko sa mall, lagi siyang tumitili nang mahina at mamimicture ng stall na may mukha ng lalaking model na crush daw niya.

"Waaahhh!!! Ang gwapo niya talaga sobra!!" Sabi niya at pinipicturan ito kasama ang sarili.

Lagi na ito ang linya niya sa tuwing makikita ang pagmumukha ng sikat na model. Aaminin ko, gwapo nga itong model na crush niya, pero di naman ako ung tipo na pipicturan pa ung nasa mall kasi iseaearch ko lang yan sa Google.

Pumasok kami sa National Book Store at bumili ng tools/gamit na kakailanganin, pero ung mga gamit ko tulad ng filler, ballpen, lapis, pangkulay ay binili na namin ni mama sa suki malapit sa palengke sa amin para makamura, ang mahal naman kasi dito eh. Pero itong bestfriend ko, dito yan lahat bibili, may kaya eh.

Nang makalabas na kami sa NBS bitbit nf pinamili namin, dumiretso na kami sa Food Court para kumain, 4 na ng hapon eh. Nadaanan nmin ang Comic Alley at tumigil ako saglit para tumingin. Andaming merchandise ng iba't ibang Anime pero ang mamahal, di ko afford. Poster lng na tigbebente ang kaya kong bilhin at keychain ng Naruto na tig 199, pinag ipunan ko pa yon ng isang buwan.

" Anung gagawin mo diyan, may bibilhin ka ba?" Tanong ni Yeisha.

"Wala lang, titingin lang at hahanap ng bagay na puwedeng pag ipunan at bilhin" sagot ko.

Nasa tapat kami ng mga Merchandise ng Death Note. Tumango lang ako, kanina ko pa nararandamang may tumitingin sa akin pagkapasok pa lng nmin sa National Book Store.

Ah, 19 years old na pala ako, pero 3rd Year College na sa pasukan, magtatatlong taong gulang pa lang ako nang magsimula akong mag-aral.

Lumabas na kami sa Comic Alley at tumingin ako sa lalaking hinihinala kong sumusunod sa akin.

*SPLASH*

Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko dahil tinapunan ako ng lalaking sumusunod sa akin ng softdrinks.

"Ayt, sorry miss ah, sa sobrang kagandan mo ay nagulat ako at natapunan kita ng inumin ko" sabi niya pero may mapang- asar na ngiti, ano akala nya sakin, TANGA?! Sa tono ng boses niya halatang sinadya niya yun eh!

"Alam kong kanina ka pa sumusunod saken, anong kailangan mo?" Nang tignan ko ang mukha niya, nakilala ko siya. Siya si Kenzie, isang sikat din na model tulad ng crush ni Yeisha. Anak ng may-ari ng Ashworth University, doon kasi ako nag-aaral eh.

Pake ko kung anak siya ng may-ari ng eskwelahan na pinapasukan ko. Marami na ang nakaplibot sa amin dahil sa sikat itong lalaking ito at kapansin-pansin na rin ang bra ko dahil bakat na ito sa pagkakabasa.

"Wow, ang ganda ng bra mo miss, kulay purple at floral pa" nainis ako sa sinabi niya dahil imbes na magsorry ay nag-aasar pa! Short-tempered pa naman ako, wag niyang uubusin pasesya ko madami pa namang taong nanonood samin.

"A-anong sabi mo?!" nanggagalaiti kong sabi.

"I know narinig mo, wag kang bingi, at hulaan ko, magkaparehas ng kulay t-shirt at panty mo?" sabi niya at nagpipigil pa ng tawa.

Huh nagloading saglit utak ko, kulay Yellow t shirt ko at yellow din kulay ng panty ko ah?! Paano niya nalaman?

"Hahahahahah! Tama ako no?"tawa siya mg tawa at hinawakan ni Yeisha ang balikat ko, dahil alam niyang anytime ay susugurin ko ang gung gong na nasa harap ko.

"Kung gusto mo akong sugurin, habulin mo ako, babaeng may dilaw na t-shirt at panty? Ahahahaha!" Hinabol ko ang gung gong at gusto ko talagang makaganti, tinapunan ako, di pa nagsorry at ang matindi, pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.

Manghuhula ba siya at nalaman niya na parehas ang kulay ng tshirt at panty ko?

Habang tumatakbo, napansin ko na may nalaglag galing sa bulsa ng gung gong. Pinulot ko ito saglit at may kabigatan ito dahil bakal ito na pahaba pero maliit lang. Natakbo siya papunta sa Exit ng mall at mas binilisan ko ang pagtakbo.

Maipukpok ko nga to sa kanya para makaganti, bakal to kaya't magkakabukol siya nito sa ulo sigurado. Good idea.

"Humanda ka saken!!" sigaw ko.

"Alam mo ba na hindi ko talaga yun hula? Nakaindian seat kasi ako sa lapag sa tapat ng NBS tapos laughtrip, may butas ang pantalon mo kaya't nakita ko ang kulay ng iyong panty. Pffftt, ahahahaha, babaeng butas ang pantalon, bilibili din pag may time, o dahil tumataba ka kaya't nabutas yan?" Sabi niya. What the? Eh favorite ko itong pantalon ko at gusto ko ito ang suotin ko, 3 years na to saken. Bastos na lalake langya, at di ako mataba no, sexy ako no! Mahilig akong lumamon pero sexy paren ako.

Bigla siyang nadapa sa harap ng mga lalaking nakatuxedo, lampa pala eh. Tumayo agad siya pero sumakay ako sa likod niya.

"Ambilis ng karma mo noh? Etong sayo gung gong" pinukpok ko nang pabalik- balik sa ulo niya ang maliit na bakal na nahulog niya kanina galing sa bulsa.

Habang pinupukpok ko iyon sa ulo niya, nagulat ako nang may napindot ako at may lumabas na patalim.

Hala, Pocket Knife pala to.

Hindi ko na napigilan at masasaksak ko ang ulo niya nang biglang may humawak sa braso ko nang malakas. Napabitaw ako at nalaglag ako mula sa pagkakapit sa buhok ni gung gong.

Aray, ansakit sa pwet, ito kasi ang unang naglanding sa lupa.

" Hey Miss, are you attempting to kill Mr. Ashworth?" sabi ng isang lalaking nakatuxedo. Tinulungan ako ng bestfriend ko na bumangon mula sa pagkakabagsak.

Hala, attempting to kill agad-agad?!

May police car na dumating sa harap namin at lumabas ang ilang mga pulis na...... papunta rito?

A.N: Inedit ko po kasi may topak ung wattpad. Ung latest po na edit biglang nabago po, sorry. First time ko pong magsulat ng story. 

Her First Love in Jail [unedited]Where stories live. Discover now